PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Streetboys release dancexercise album

The instructional CD titled "Vhong Navarro with the Streetboys Let's Dance!" is now available courtesy of Star Records.
by Glen Sibonga
Published Oct 16, 2008
Vhong Navarro (in photo) shows off The Streetboys' newest album called Vhong Navarro with the Streetboys Let's Dance! This dancexercise instructional audio-video CD is now available in record bars nationwide.


Malaki ang pasasalamat ng mga miyembro ng all-male hip hop dance group, ang Streetboys, dahil sa pagtitiwalang ibinigay ng Star Records sa kanilang grupo para gumawa ng isang dance album. May pangalan na Vhong Navarro with the Streetboys Let's Dance! (A Dancexercise Instructional Audio-Video CD) ang kanilang bagong proyekto.

Ito ang maituturing na unang album na ginawa ng Streetboys, na binubuo nina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Maynard Marcellano, Nicko Manalo, Chris Cruz, Sherwin Roux, Fritz Tibay, Jonathan Granaderos, Jemarth Lalic, Carlo Quintos at Joey Andres, para sa Star Records. Matatandaan na gumawa na ng ilang novelty hits at nagkaroon pa ng compilation album si Vhong sa ilalim rin ng Star Records.

"Wow, wala po kaming masabi, first time pong mag-produce ng Star Records ng isang album with Vhong and the Streetboys," sabi ng tumatayong leader ng grupo na si Maynard sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the album launch. Nangyari ang press conference last Tuesday, October 14, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.

"Nagpapasalamat po kami sa support ng Star Records, especially kina Tita Malou [Santos], Tita Annabelle [Regalado-Borja] at kay Sir Nixon [Sy]. Feeling tuloy namin bago lang kaming ilo-launch ulit. Alam po namin na mahal na mahal po nila kami at syempre mahal din po namin sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Vhong, "Alam naman po natin na sa panahon ngayon hindi na masyadong hot ang mga dance groups unlike before noong kaputukan po talaga ng Streetboys. Pero ang nakakatuwa po talaga sa Star Records ay binigyan po kami ng chance para mapatunayan sa mga taga-suporta po namin na mahihilig sumayaw, para mai-share po namin ang aming mga talents, ibinigay po ng Star Records itong album na ito. Hindi po nila ipinagkait sa amin. Kaya ganun na lang pasasalamat namin sa Star Records."

Ipinagmamalaki ni Vhong ang kanilang Let's Dance album dahil aniya, "Ibang klaseng album ito kasi hindi ka lang basta matututong sumayaw kundi nag-e-exercise ka na rin at the same time. Kaya ‘dancexercise' ang term na ginamit dito dahil more than dancing ang ino-offer ng album na ito."

Naglalaman ang album ng limang magkakaibang sayaw na mismong ang Streetboys ang nagde-demonstrate sa video. Kasama sa mga audio tracks na isinasayaw ng Streetboys sa album ay ang "Sige Igalaw," "The Hustle," "Pata-pata-pon," "You Should Be Dancing," at ang carrier single na "Ayos Na Ang Buto-Buto," na kinanta mismo ni Vhong at ngayo'y nangunguna sa mga hit charts ng iba't ibang local radio station. Apat sa limang kanta ay inawit mismo ng Streetboys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi naman ng managing director ng Star Records na si Ms. Annabelle Regalado-Borja ang tungkol sa pag-shoot ng video. "The shoot of the whole video which was taken in the Elbow Room of Metrowalk, took only one whole day but with superb quality. The boys were very cooperative and so the shoot went smoothly and fast."

FIFTEEN YEARS IN THE BIZ. Proud ang Streetboys sa kanilang mga nakamit na achievements. Ipinagmamalaki rin nila na tumagal na sila ng 15 years sa showbiz. Ano nga ba ang sikreto nila at patuloy sa paghataw ang kanilang grupo hanggang ngayon?

"Fifteen years na punung-puno po ng, of course, ups and downs sa buhay kasi tao lang din naman po kami," pag-amin ni Maynard. "As a group po, siguro ang pinaka-secret lang po namin ay mayroon kaming respeto sa isa't isa. Na kung ano ang sabihin ng isa, rerespetuhin ng isa. Natural din po sa isang grupo na nagkakaroon ng konting away, pero naaayos din po. Yung bawat isa sa amin mayroong respect, cooperation, unity na kung ano ang pinag-usapan ng lahat kailangan okay sa lahat, yes ang lahat. Ang isa pa pong secret weapon namin, siguro alam n'yo na rin po kung sino, si Direk Chito Roño [mentor at manager ng Streetboys]. Kaya po hanggang ngayon ay nandito pa rin ang grupo namin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ni Jhong, "At wala po kaming insecurities sa isa't isa. Kung ano ang tagumpay ng isa ay tagumpay din ng lahat."

Sa tingin ba nila, maganda rin yung may isang sumisikat sa grupo para madala rin yung buong grupo?

"Oo, totoo naman ‘yun," sabi ni Vhong nang makausap siya ng hiwalay ng PEP. "Actually, nagsimula naman ang lahat kay Spencer [Reyes] noon, and then si Danilo [Barrios], then si Jhong [Hilario], bago pa ako eh. Kumbaga, ang sarap din kasi ng ganun, at least, parang before nakapunta kami ng iba't ibang bansa dahil, halimbawa kay Spencer dahil gusto siya ng producer doon kaya kinukuha ang Streetboys. Kumbaga, damay-damay iyan eh. Parang ako ngayon, kapag may mga mall shows ako at nagre-request ng mga dancers, siyempre Streetboys na."

So, walang selosan?

"Kung selosan wala siguro. Pero siguro mas maganda kung sa kanila manggagaling yung ibang sagot. Pero I believe wala namang selosang nangyayari. Kasi sa 15 years namin, sa hirap at ginhawa magkakasama kami. May pera o wala, magkakasama kami. At saka takot na lang namin kay Direk Choto. At saka si Direk Chito parang Streetboys na rin eh. Alam mo, hindi lang siya sumasayaw sa on cam pero off cam siya talaga ang choreographer ng grupo," paliwanag pa ni Vhong sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero iniwan na ba talaga ni Spencer ang Streetboys?

"Siguro, dahil si Spencer family man na. Dalawa na ang anak niya. Mayroon na siyang ibang priority," paliwanag pa ni Vhong.

Kahanga-hanga rin ang naging achievement ng ilan sa mga miyembro ng Streetboys dahil naging bahagi sila ng pamosong Miss Saigon sa London, na kinabibilangan nina Maynard, Nicko, Sherwin at Jhong.

Kaya Let's Dance na with Vhong and the Streetboys. Abangan din ang kanilang mga mall shows at out-of-town shows para sa promotion ng kanilang album.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro (in photo) shows off The Streetboys' newest album called Vhong Navarro with the Streetboys Let's Dance! This dancexercise instructional audio-video CD is now available in record bars nationwide.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results