PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon, who plays a sexy sculptress in Machete, says she won't pose for a men's magazine

Ryza also wants to try comedy roles.
by John Fontanilla
Published Jan 22, 2011
"Okey kung sasabihin nila akong sexy o daring, pero sa TV lang, wag lang sa men's magazine. What I mean is, sa CR (comfort room), kasi di ba lagi na lang nilang paulit-ulit na titingnan yung picture ko? So ang mangyayari, doon na lang nila ako titingnan at hindi na nila ako papanoorin sa TV o sa pelikula," Ryza Cenon explains why she won't pose for a men's magazine.

Sexy at daring ang roles na ginampanan ni Ryza Cenon sa mga teleseryeng Langit sa Piling Mo at Koreana.



Ngunit mas sexy at daring pa raw ang role ni Ryza sa Machete. She plays Marla, isang sculptress na obsessed sa kanyang nilikhang estatwa.



Ang Machete ay pinagbibidahan ni Aljur Abrenica at mapapanood na sa Primetime ng GMA 7.



Pero kahit sexy at daring ang pag-arte ni Ryza sa telebisyon, wala daw siyang balak sa ngayon na mag-pose sa men's magazine dahil ayaw daw nitong tinitingnan at pinagnanasahan ng mga lalaki ang kanyang sexy pictures sa comfort room.

Ito ang sinabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Machete last January 18, sa Studio 7 ng GMA Network Studios.

"Sa akin naman kasi, okey kung sasabihin nila akong sexy o daring, pero sa TV lang, wag lang sa men's magazine. What I mean is, sa CR (comfort room) kasi, di ba lagi na lang nilang paulit-ulit na titingnan yung picture ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So ang mangyayari, doon na lang nila ako titingnan at hindi na nila ako papanoorin sa TV o sa pelikula," paliwanag ni Ryza.

"Sa magazine kasi kahit ilang beses mo man gustong tingnan magagawa mo, kasi nandiyan lang 'yan. Di tulad sa TV pag pinalabas na ng isang araw di mo na puwede ulitin maliban na lang kung ire-record mo o kaya ire-replay, pero kung ire-replay naman matagal-tagal pa ulit.

"Mas maganda kasi yung may mystery ka pa sa mga manonood, yung tipong nagpapa-sexy ka at nagpapaka-daring pero, hindi yung todo-bigay, meron pa ring aabangan at aabangan sa 'yo.

"Sa TV kasi di ba may limitasyon ang pagpapa-sexy. Minsan sa galaw o kaya sa pananamit lang mababase ang pagpapa-sexy mo. Kumbaga, puwede ka maging sexy kahit hindi kailangang magpakita ng sobra-sobrang flesh," aniya.

Hindi ba siya handa magpakita ng kahit konting flesh sa mga shows mo o kaya sa men's magazine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEXY ONLY ON TV. "Katulad ng sinabi ko, sa TV okey lang. Kasi hindi ka naman puwedeng magpakita ng maseselang parte ng katawan mo. Pero sa men's magazine talaga, no way muna ako for now. Hindi ko talaga kaya ang magpakita ng sobra-sobrang flesh sa magazine," diin ni Ryza.

"Ayoko rin namang magsalita ng tapos. Pero as of now, hindi ko pa talaga kaya at ayaw ko munang sumabak. Kung yung iba handa na, ako hindi pa talaga.

"Siguro kanya-kanya lang naman kasing pananaw 'yan sa kung anong gusto mong gawin. Like sila gusto nila yun, pero ako kasi ni maisip nga hindi sumasagi sa isipan ko na magagawa ko na," aniya.

Papano pag bibigyan siya ng solo film pero kailangan niyang magpakita ng flesh?

"Siguro puwede, pero sasabihin ko sa kanila yung limitasyon ko na hindi puwede ito, hindi puwede 'yan, at ito lang ang puwede para walang problema. Para umpisa pa lang alam na nila kung ano ang limitasyon ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At saka depende rin sa script kung maganda ba yung script at kung sino yung magdidirek. Mahalaga kasi na magaling yung direktor na magdidirek ng sexy movie ko," sagot ni Ryza.

"Kasi magpapaka-sexy at daring na rin lang ako sa pelikula, e, di dapat magaling yung director na magdidirek sa akin, para maalagaan yung mga shots at hindi magmukhang bastos."

Ano ba yung mga hindi niya kayang gawin?

SCENES SHE WON'T DO. "Marami, like yung sobra-sorang kissing scene, butt exposure. Diyos ko, di ko talaga magagawa yun at mag-topless. Siguro if ever may ganun, nakatalikod ako," tugon ni Ryza.

"Tsaka ayoko din yung sobra-sobrang sexy scene na hindi naman kailangan sa eksena."

If ever ba na gagawa siya ng sexy movie, sino ang gusto niyang makapareha?

"Ako? Wala naman. Kahit sino yung ibigay nila sa akin, okey lang. Ayaw ko namang mamili ng makakatrabaho."

Hindi ba siya natatakot na ma-identify na sex symbol o kaya kontrabida?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung sa pagkokontrabida, okey lang kasi maraming magagaling na artista na galing sa pagkokontrabida, di ba? Bukod pa, hindi nawawalan ng trabaho ang kontrabida. Laging in demand.

"Kasi sobrang dream ko talaga magkontrabida. Kaya nga nung una nilang sinabi sa akin na magkokontrabida ako, ang saya-saya ko kasi parang dream come true yun sa akin," sagot niya.

"Kasi alam mo, ang hirap awayin yung mga taong hindi mo naman kaaway. Kailangan mong saktan, sigawan, at kailangan mong gawin kasi kailangan ng role na ginagampanan mo.

"Yung tungkol naman sa pagiging sex symbol, siguro hindi naman. Kasi ang ginagawa ko lang naman ay pagpapa-sexy sa pagdadamit at konting kissing scene lang. Hindi pa naman ako umaabot sa puntong sobra na yung pagpapa-sexy na puwede ka nang tawaging sex symbol," sabi ni Ryza.

"Ako kasi, gusto ko pa ring ma-maintain yung wholesome na image ko kaya ayoko talagang sumabak sa sobrang sexy projects at maging sa men's magazine. Maganda yung may mga bata ka paring mga tagahanga at hindi lang mga matatanda ang umi-idolo sa yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya naman gusto ko ring maging komedyante. Kasi di ba, di biro ang magpatawa? Ang hirap-hirap magpatawa. Hindi ko kaya, pero gusto ko i-try."

FEVERISH KISSING SCENE. Totoo ba na nadala siya sa kissing scene nila ni Aljur Abrenica sa Machete na tumagal daw ng ilang minutes?

"Naku, hindi po totoo yan. Papano naman akong madadala, e, may sakit ako no'n. Hindi ko na-feel yung halik niya kasi mainit ako!" natawang sabi ng aktres.

"Wala talaga akong naramdaman, trabaho lang talaga.

"At hindi naman matagal yung kissing scene namin, siguro ilang segundo lang yung scene na yun kasi montage lang, siguro mga five seconds lang. Yun nga lang, ilang beses naming inulit kasi kinukunan ng iba't ibang anggulo," aniya.

"Tsaka hindi rin naman kasi kailangang masyadong matagal yung kissing scene kasi masyadong conservative yung character dito ni Machete."

Ito ba yung pinakagrabeng kissing scene na ginawa niya?

"Hindi po. Napanood n'yo ba yung sa Koreana, ung kissing scene namin ni Rocco (Nacino)? Yun yung sobra. Iba talaga yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HE DOESN'T WATCH. Napapanood ba ng non-showbiz boyfriend niya yung mga sexy at daring scenes na ginagawa niya?

"Hindi niya pinapanood! Hindi naman niya ako pinapakialaman at sinasabihan kung ano ang gagawin ko o kung ano yung projects na tatanggapin ko. Kasi alam naman niya na bago niya ako makilala at naging kami, artista na ako," saad ni Ryza.

"At alam naman niya na trabaho lang naman ang ginagawa ko at walang personalan. Pero honestly speaking, napaka-supportive niya sa akin."

Puwede niya bang sabihin ang pangalan ng boyfriend niya?

"Naku, walang name! Huwag na lang po kasi hindi naman siya showbiz. Hayaan na lang natin na pag-usapan siya nang hindi binabanggit ang pangalan kasi hindi naman siya ma-showbiz na tao."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okey kung sasabihin nila akong sexy o daring, pero sa TV lang, wag lang sa men's magazine. What I mean is, sa CR (comfort room), kasi di ba lagi na lang nilang paulit-ulit na titingnan yung picture ko? So ang mangyayari, doon na lang nila ako titingnan at hindi na nila ako papanoorin sa TV o sa pelikula," Ryza Cenon explains why she won't pose for a men's magazine.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results