Bilang memorial tribute kay Corazon C. Aquino sa
kanyang ika-40 araw ng kamatayan ngayong araw na ito, muling
bibigyang-buhay ng TV5 ang kagitingan ng unang babaeng presidente ng Pilipinas. Ngayong Miyerkules, September 9, magugunita ang buhay ng democracy icon sa one-hour documentary special na pinamagatang Paalam, Cory. Ang respected columnist and TEN (The Evening News) contributor na si Conrado de Quiros at host na si Cheri Mercado ang makakasama ng mga viewers ngayong gabi.
Inaanyayahan ng TV5 ang lahat ng mga Pilipino na maglaan ng ilang
sandali para alalahanin ang buhay ni President Cory—isang bayani at ina
ng demokrasya—sa pamamagitan ng heart-to-heart interviews sa mga
kaibigan, pamilya, at mga malapit na tao sa kanyang personal na buhay
at buhay-pulitika.
Ipapakita nina De Quiros at Mercado ang isip, puso, pananaw, at
karakter ng presidenteng nagbalik sa bansa ng kalayaan at demokrasya. Pati na rin ang kanyang pagiging mapagmahal na ina sa kanyang pamilya
at sa bansa, na patuloy pa ring nagiging dahilan upang magkaisa ang mga mamamayan.
Sa ika-40 na araw matapos ang pagpanaw ng isang tao, naniniwala ang mga
Katoliko na aakyat na sa langit ang kaluluwa ng pumanaw at makakasama
ang Panginoon. Kaya sabay-sabay tayong mamaalam, alalahanin, at isapuso ang mga
iniwan niyang ginintuang aral ngayong panahon
ng pagsubok ng bayan, at para sa mga darating na henerasyon na kinabukasan ng
ating bayan.
Saksihan at pagnilayan ang magandang alaalang iniwan ni President Cory
Aquino—isang ina, at isang alagad ng demokrasya at kabutihan, sa
special tribute na Paalam, Cory ngayong gabi, September 9, 8:00 pm sa TV5.