Matagumpay na nagtapos ang 2nd Sindie Film
Festival na inorganisa ng GMA Artist Center (GMAAC) at ginanap sa Robinsons
Galleria Cinema 2 noong Linggo, October 19. Highlight nito ang graduation rites
ng 74 workshoppers at pagbibigay ng acting at technical awards para sa walong
kalahok na short films.
Labing siyam sa 74 graduates ay mga talents ng GMA Artist Center na nag-undergo ng intensive acting at short film workshops. Kabilang sa mga ito ang StarStruck Avengers na sina Prince Stefan, Vivo Ouano, Jeric Rizalado at Rhea Nakpil; Ride To Fame grand winner Ava Jugueta at finalists na sina Alchris Galura, Aaron Cadawas, Giu Comia, Cheska Lagura, Osan Reodica at Lex Uy. Nakasama rin nila ang GMAAC new faces na sina Stephanie Henares, Schinina Juban at Joy Velasco; GMAAC kids na sina Krystal Reyes, Sandy Talag, Keirulf Raboy, Jessica Reynoso at Nicole Dulalia. Ang remaining 55 graduates ay pawang mga non-artists na binubuo ng kids, teens at adults.
Ang walong short films na natunghayan sa Sindie 2 at
ipinalabas sa Robinsons Galleria Cinema mula October 15-18 ay kinabibilangan
ng tatlong drama, dalawang comedy, dalawang suspense, at isang dramedy.
Ang Banderang Papel ay kuwento ng isang batang babae na nangangarap
mapalaya ang ating lipunan. Ang Sapatos ay istorya ng isang batang
lalaki na naghahanapbuhay bilang isang shoe shine boy na inaasam na makabili ng
bagong sapatos para sa kanyang pagpasok. Ang Singaw ay kuwento ng
tatlong henerasyon na may iba't ibang anggulo ng buhay ng pagiging babae: ina,
anak at apo. Ang Papa's Boy ay istorya ng isang teenager na may
itinatago sa kanyang mga magulang, ang kanyang pagiging bading.
Ang Kuntador ay kuwento ng isang kakaibang pamilya hatid ay katatawanan
buhat sa kanilang pamumuhay na walang kuryente. Ang First Date ay kuwento
ni Simon na sa unang pagkakataon ay makakaranas makipag-date. Ang Kawayan
ay istorya ng grupo ng mga kabataan na mahilig sa adventure at makatutuklas ng
isang misteryo. Ang Mana ay istorya ng pamilyang magbabakasyon sa
probinsiya at makararanas ng kakaibang misteryo sa bahay na kanilang tutuluyan.
Naging panauhing pandangal at guest speakers sa awards night sina German "Kuya Germs" Moreno, Iza Calzado, Marvin Agustin, at Arci Baltazar. Dumalo rin ang dating artistic director ng Cultural Center of the Philippines na si Nanding Josef.
Napili namang mga hurado para sa short film awards sina Vic del Rosario, Nanding Josef, Walden Belen, Lou Gopez, at Marvin Agustin.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 2nd Sindie Film Festival:
Best Short Film - Sapatos (Eyecatcher Productions)
Best Actress - Stephanie Henares (Kawayan)
Best Actor - Aga Magnaye (Sapatos)
Best Director - Ricky Pascua (Kuntador)
Best Supporting Actress - Ava Jugueta (Kuntador)
Best Supporting Actor - Aaron Cadawas (Kuntador)
Best Child Actress - Krystal Reyes (First Date)
Best Child Actor - Keirulf Raboy (Sapatos)
Best Screenplay - Morena Balmes, Joy Quintana & Randy Vitales (Sapatos)
Best Story - Seff Pojante (Banderang Papel)
Best Cinematography - Randy Grafil & Vance Chinjen (Kuntador)
Best Production Design - Anne Mayor, Chac Himongala, Gheo Pedrero & Francis Cariaso (Kuntador)
Best Viewers Choice Award - Mana (Baga Productions)
2nd Viewers Choice Award - Kawayan (Shutterscut Production)
3rd Viewers Choice Award - Banderang Papel (Digisine Productions)