Magbabakasyon muna si Iza Calzado pagkatapos ng taping ng primetime series niyang Beauty Queen sa GMA-7 at ng lifestyle show na The Sweet Life sa QTV 11.
Ngayong araw, January 31, ang last taping day ng Beauty Queen sa Fontana Hotel sa Clark, Pampanga.
Pagkatapos ng kanyang bakasyon, papasok si Iza sa longest-running noontime show na Eat Bulaga! bilang guest co-host sa loob ng isang buwan. Magsisimula siya sa mismong Valentine's Day, February 14.
Ano ang feeling niya at magiging bahagi na siya ng Eat Bulaga!?
"I'm really very excited!
"Kasi I've been looking for some avenues, I guess, to pursue my hosting. It's something new.
"Maybe it's a breather I need at marami rin akong matututunan sa mga tao doon pagdating sa comedy, coz they're all funny, gaya ng timing.
"Saka gusto ko yung trabahong 'yon. It's not going to occupy the whole day and you can do other things," sabi ni Iza nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving presscon ng Beauty Queen noong Biyernes, January 28.
VALENTINE'S DAY. Dahil natapat sa Valentine's Day ang unang araw niya sa Eat Bulaga!, wala ba siyang balak sa araw na yun?
"Wala pa po akong plano," sabi ni Iza.
Ano ba ang ideal Valentine celebration sa kanya?
"Basta you're with someone you love. Any person that you love.
"I have a couple of ideas also... Maybe helping some people out, like donating blood, di ba? It's also a way of sharing yourself.
"That's love," anya.
Sabay ba sila ng boyfriend niyang si Atticus King na magdo-donate ng blood?
"That's a good idea on Valentine's Day!" tawa niya. "We can donate blood. Gusto ko sana iba this Valentine's Day. Meaningful pa. Beyond selfish reason of celebrating Valentine's Day. It's a selfless Valentine's Day.
"I have to think really of what I will to do. That's one of the things that crossed my mind. Kaya lang, kailangan kong matulog nang maaga two days before I do that!" tawa ulit ni Iza. "Kasi the last time I wanted to donate blood, hindi pumayag. Hindi ako pumuwede kasi mababa yung hemoglobin ko, kasi puyat ako."
SENATOR BONG'S LUCKY CHARM. Balitang gusto uli siyang kunin ni Senator Bong Revilla sa Panday 2 dahil lucky charm daw siya ng actor-politician. Ano ang masasabi ni Iza rito?
"If it pushes through, at kasama pa rin ako sa Panday, nakakataba naman ng puso kasi pangalawa na 'yon.
"Pag kinuha niya ako uli, isang malaking karangalan na makatrabaho siya uli at mapabilang sa cast ng malaking pelikula," sabi ni Iza.
Lucky charm daw kasi siya ni Senator Bong?
"Ang agimat niya ay si Lani [Mercado, Senator Bong's wife]! 'Yan ang katotohanan. 'Yan ang source of strength niya. That woman is tough.
"Kung lucky charm niya ako, e, di salamat. Masaya!" tugon ni Iza, na umiiwas ma-link sa senador.