PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mocha Girls to perform in Guam, Nov 2-15

The sexy singers will perform at the Island Club Royale in Tamuning, Guam for two weeks.
by Glen Sibonga
Published Nov 1, 2008 | Updated Nov 1, 2008
The Mocha Girls will perform at the Island Club Royale in Tamuning, Guam from November 2-15, 2008.


Very excited na ang Mocha Girls para sa kanilang nalalapit at much-awaited na U.S. tour. First stop nila ang Guam from November 2-15. Laya naman todo paghahanda na ang all-female group na binubuo nina Mocha, Hershey, Grace at Bez dahil ito ang first time nila na makabisita sa Guam at makapag-perform para sa mga Pinoy doon pati na rin sa mga dayuhan.

Nakatakdang magtanghal ang Mocha sa Island Club Royale sa Tamuning, Guam sa loob ng dalawang linggo. Bibisitahin din nila ang kanilang mga kaibigang Pinoy sa Guam na naghahanda ng special welcome party para sa grupo. Ibinahagi nga ng grupo ang kanilang kasiyahan nang makausap sila ng PEP (Philippine Entertainament Portal) kamakailan lang.

"Sobrang excited na kami. Ako nga I can't wait to pack my bags already. We promise to give the people in Guam our hot and explosive performances," masayang pahayag ni Mocha.

Ayon naman kay Hershey, "Napalundag nga ako sa tuwa nang sabihin sa amin ng manager namin na si Byron Cristobal at ng PR Manager namin na si Joyce Pagala na tuloy na tuloy na ang U.S. tour namin."

"Syempre po masaya kami dahil first time namin na makapunta at makapag-perform as a group sa Guam," sabi naman ni Grace.

"Happy po kami kaya naman we guarantee to give the best of Filipino entertainment in Guam," dagdag pa ni Bez.

So, ano bang ginagawa nilang paghahanda para masigurong mag-e-enjoy ang mga makakapanood sa kanila sa Guam?

"Araw-araw po ay nagre-rehearse kami at nag-aaral ng mga bagong dance steps para mapasaya po namin ang mga manonood sa amin sa Guam lalo na ang mga kababayan nating mga Pinoy na nasasabik din sa Pinoy entertainment," sabi pa ni Mocha.

"Pati po ang pagkanta namin ay inaaral naming mabuti para hindi naman po kami mapahiya," ayon pa kay Hershey.

"At saka para makaulit pa!" pabirong sabi pa nina Bez at Grace.

Sa kanilang pagpunta sa Guam sandali ngang iaalis muna nina Mocha at Hershey sa kanilang mga isip ang tungkol sa isinampa nilang kasong libelo kontra sa isang tabloid. Ayaw raw nilang maapektuhan ng problemang ito ang kanilang magandang kapalaran sa ngayon.

"Sa kabila ng kaso, tuloy pa rin ang buhay para sa grupo namin. Pero hindi naman ibig sabihin nito na kakalimutan na namin yung kaso at ang pambabastos na ginawa sa amin. Patuloy pa rin naming ipaglalaban ang karapatan namin. Pero sa ngayon positive vibes muna kami," ani Mocha na sinang-ayunan naman ni Hershey.

Samantala, matapos ang two-week stint ng Mocha sa Guam, pagbalik nila sa Pilipinas ay haharapin naman nila ang pagpo-promote ng kanilang second album under Viva Records tampok ang mga kantang "Deliciosa," "Mobe" at iba pa.

Una nang naging hit ang kanilang kanilang kantang "Patcha" na mula sa kanilang first album with Viva Records.

Magkakaroon din sila ng mall tours para sa kanilang second album sa December at January.

Bukod sa kanilang U.S. tour at bagong album ay busy din ang Mocha sa kanilang regular shows sa Mugen Metrowalk every Tuesday; Bluewave, Macapagal (Wednesdays); Hard Rock Café, Makati (Thursdays) at sa Bagaberde, Roxas Blvd. (Fridays).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Mocha Girls will perform at the Island Club Royale in Tamuning, Guam from November 2-15, 2008.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results