Therese Malvar replaced Kyline Alcantara in past project

Therese Malvar and Kyline Alcantara are part of the new GMA-7 teleserye Inagaw Na Bituin.
by Rommel R. Llanes
Nov 7, 2018
Therese "Teri" Malvar (left) and Kyline Alcantara are part of the new GMA-7 teleserye Inagaw Na Bituin. Kyline says she was supposed to star in the indie film Ang Huling Cha-Cha ni Anita but when she turned it down, the lead role went to Therese. 


Kamakailan ay dumalo ang GMA-7 actress na si Therese Malvar sa 2018 Tokyo Film Festival upang maging representative ng indie film nila na Distance.

Kuwento ni Therese, “Pag-arrive ko pa lang po doon, diretso na po kami ng hotel, the venue of the red carpet, diretso bihis and then lakad na po agad.

“So ang bilis po talaga ng mga pangyayari.”

Parte ang pelikula ng Asian Future Section sa Tokyo IFF. Naiwan pa sa Tokyo si Direk Perci Intalan dahil in competition ang mismong pelikula sa awarding ceremony na ginanap noong November 2.

Ngunit hindi qualified for acting awards ang mga kasali sa Asian Future Section, dahil ito ay kinukuha mula sa mga kalahok sa main competition.

Pero banggit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Therese, ayos lang kung hindi siya nominated sa Tokyo, tutal ay naka-tie naman niya ang sarili niya bilang Best Supporting Actress sa nakaraang Cinemalaya 2018 nitong Agosto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanalo si Therese para sa dalawang pelikula niya, ang Distance at ang School Service (ng direktor na si Louie Ignacio) sa iisang film festival. Unang beses itong nangyari sa history ng Philippine cinema.

Matapos talunin si Nora Aunor sa CineFilipino Film Festival 2013 nang manalo si Therese para sa Ang Huling Cha-cha Ni Anita, at i-tie ang sarili niya ngayong 2018, ano pa ba ang kayang gawin ni Therese bilang aktres?

Tumawa si Therese bago sinabing, “I just like what’s happening now.”

May nagbiro na ang susunod niyang gagawin ay talunin at lamunin sa aktingan si Kyline Alcantara, dahil magkasama sila sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Inagaw Na Bituin.

“Hindi,” ang tumatawang bulalas ng ni Therese. “Share-share-an kami.”

Sa hiwalay na panayam ng GMA News kay Kyline, inamin nito na may proyekto siyang tinanggihan kaya napunta ito kay Therese.

Kuwento ni Kyline: “One little fact, yung role niya dati sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita was dapat for me. But I chose Annaliza."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Annaliza ay ang 2013 teleserye ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Andrea Brillantes, Kaye Abad, at Carlo Aquino.

Dahil sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita, nanalo si Therese ng Best Actress award sa 1st CineFilipino Film Festival 2013. Tinalo ng young actress si Nora Aunor na isa sa mga nominees ng naturang film fest.

Sa past interview rin ay sinabi ni Kyline na pinaghahadaan niya ang pagsasama nila ni Therese dahil alam naman ng lahat na napakahusay na aktres ni Therese.

“Hala, ako nga ang natatakot, e,” at muling tumawa si Therese.

Sa murang edad na 17, nakapag-uwi na si Therese ng ilang acting awards.

Humakot si Therese ng mga tropeo para sa pelikulang Hamog, kabilang na ang Best Actress sa 11th Cinema One Originals Film Festival, Screen International Rising Star Asia Award sa 15th New York Asian Film Festival, Award of Distinction sa 7th Inquirer’s Indie Bravo, Silver St. George Best Actress sa 38th Moscow International Film Festival, at 9th Ani ng Dangal Award.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2017, kinilala siya ng Film Development Council of the Philippines bilang isa sa mga nararapat bigyan ng Artistic Excellence Award. Nanalo rin siya bilang Best Supporting Actress sa Eddys 2018 para sa Ilawod.

Sa isang episode ng Ang Pinaka ng GMA ay kasali ang pangalan ni Therese sa Most Promising Kapuso Teen Stars ng GMA.

Sa naturang listahan o survey ay number one si Bianca Umali, two si Jillian Ward, three si Miguel Tanfelix, four si Pauline Mendoza, five si Mavy Legaspi, six si Kyline, seven si Therese, eight si Kate Valdez, nine si Will Ashley at ten si Klea Pineda.

Reaksyon ni Therese tungkol dito, “Kinilig po ako nang bongga kasi mine-message ako ng mga classmates ko 'tapos nasa group chat namin, nag-picture po sila na, ‘Uy, nandito ka!’

“Kinilig po ako sa title, hindi ko po in-expect yun so thankful po ako sa GMA, kinilig po talaga ako sa episode na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BELATED 18TH BIRTHDAY CELEBRATION

Ginanap ang debut party ni Therese noong Sabado, November 3, although ang tunay niyang birthday ay noon pang September 16.

Regalo kay Therese ng GMA Artist Center at GMA-7 ang kanyang party.

Si Elize Padilla ang gumawa ng gown niya na "inspired by the stars and the sky."

Paliwanag ni Therese, “‘Cause I love the stars so much. Parang it’s an instrument for someone to keep on dreaming and to reach for the stars.”

Ang gowns ni Therese ay ombre o blending ng shades of blue.

Ang cake naman niya ay handpainted rin na gawa ng Cake Studio na first Filipino na nagha-handpaint ng cakes.

Ang ilan sa mga Kapuso na kabilang sa 18 roses niya ay sina David Licauco (na siyang escort ni Therese), Kelvin Miranda (ng Bubble Gang), Ricky Davao, at Rodjun Cruz.

Imbitado niya si Mikael Daez na co-star niya sa Legally Blind pero nasa abroad ang Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually yung mga na-invite ko po mostly sa artista ng GMA, sa Legally Blind pero dahil long weekend yun puro sila nasa travel. Sayang!”

Kasama naman sa 18 stars niya (instead of candles) sina Janine Gutierrez at Lauren Young na kasama rin niya sa Legally Blind.

S Iza Calzado na co-star ni Therese sa Ilawod at Distance ay imbitado rin pero nasa sariling bachelorette party ang aktres sa Bali, Indonesia kaya hindi ito nakarating.

“But she really wanted to, gustung-gusto niyang pumunta sana kaso hindi siya makakahabol talaga.”

Celestial ang theme ng debut ni Therese kaya may stars.

Ang co-star niya sa School Service na si Ai-Ai delas Alas ay gusto sanang imbitahan ni Therese pero hindi niya nagawa.

“Kasi nahihiya po ako,” aniya.

Birthday wish naman niya ay maging matagumpay ang Inagaw Na Bituin.

“Success sa mga teleserye. Sana mas humaba and then magustuhan ng masa.”



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Therese "Teri" Malvar (left) and Kyline Alcantara are part of the new GMA-7 teleserye Inagaw Na Bituin. Kyline says she was supposed to star in the indie film Ang Huling Cha-Cha ni Anita but when she turned it down, the lead role went to Therese. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results