Paano mo gagampanan ang papel ng isang patay?
Ngayong Sabado, November 8, abangan ang true story na ito na pagbibidahang muli ng multi-awarded character actress na si Gina Pareño. Base sa isang tunay na kwento ang episode na ito ng Maalaala Mo Kaya. Isang mahabang byahe ang tatahakin ng karakter ni Gina kasama si Ketchup Eusebio.
Mahirap paniwalaan pero totoong nangyari ang kwentong ito na aantig sa puso ng lahat ng makakapanood, sa direksyon ni Jeffrey Jeturian at panulat ni Benson Logronio.
Samantala, nagpapasalamat naman ang pamunuan at staff ng MMK sa tropeo na natanggap nila para sa kategoryang Best Drama Series na iginawad sa 2008 Catholic Mass Media Awards.
Maalaala Mo Kaya (November 8, 2008)
Director: Jeffrey Jeturian
Writer: Benson Logronio
CAST:
Choring Gina Pareño
Mio Ketchup Eusebio
Grace Jan Marini
Lorna Nikka Valencia
Luz Jaja Gonzales
Ang Maalaala Mo Kaya ay napapanoood tuwing Sabado ng gabi at ang host nito ay si Ms. Charo Santos-Concio.