Kris Bernal reveals why she had pumping scenes with Jake Cuenca removed from film script

Kris Bernal to Kontradiksyon leading man Jake Cuenca: "Doon sa love scene natin, pwede ba you do all the work...kasi mas hasa ka diyan."
by Julie E. Bonifacio
Nov 21, 2018
Kris Bernal on her action film Kontradiksyon: "Maghanap na lang kayo ng ibang leading lady if kailangan niyo ng babaeng nagmo-moan at nagpa-pump, at nagpapakita ng boobs. Huwag na lang."


Aminado si Kris Bernal na sadyang may ipinatanggal siyang mga eksena sa love scene nila ni Jake Cuenca.

Tumanggi si Kris na gawin ang tatlong eksena na nakasulat sa script ng pelikulang Kontradiksyon kunsaan katambal niya ang ABS-CBN actor.

“Kinakabahan ako at sinabi ko talaga na hindi ko yun gagawin.

"I even asked my manager na parang three restrictions. Parang I gave three restrictions for them.

"Sabi ko, ayoko nang may moaning.

“Kasi it was on the script, e, yung parang nagmo-moan, magpa-pump, and parang magpapakita ng chest. Sabi ko, 'no,'" kuwento ni Kris tungkol sa mga ipinatanggal niyang eksena.

“So, yung manager ko had a meeting with our director na, ‘Kris doesn’t want to go with those kind of scenes.’ So, nag-revise ng script. It’s a different attack. More on ano na lang, intimate na lang more than sensual,” paglilinaw ni Kris sa exclusive interview namin sa kanya na ginanap kamakailan sa shooting ng Kontradiksyon.

Written and directed by Njel de Mesa, ang action film na ito ay tungkol sa controversial war against drugs sa Pilipinas. Ito ay produced by Bell Films, ang film production arm ng Universal Records Philippines.

Wala ba siyang ipapakitang "skin" sa love scene nila ni Jake?

“May skin naman but not yung mga topless. Saka ayoko talaga nung nagmo-moan ako on screen.”

Feeling ba niya bold star ang dating niya kapag ginawa niyang mag-topless sa harap ng audience?

“‘Di ba? Saka may pumping pa. Paano yun?

“I mean, kaya ko siyang iarte but then parang, it’s against my values, e.

"It’s against what I believe, e.”

Conservative ba siya in real life?

Pag-amin ng GMA-7 actress: “Yeah, conservative ako in a way na I was raised na laging balot na balot. Saka laging kimi, alam mo yun?

“May cut-off, hanggang ganitong oras ka lang. Hindi ako yung babaeng nagpa-party, umiinom. Never akong naging ganoon. Siguro ngayon as I mature kasi 29 na ako, e. Siyempre pagdadaanan, lahat naman ng tao pinagdadaanan yun.

“But then, may mga restrictions pa rin. Hindi pa rin all-out.

“Babae pa rin ako. Ako, bina-value ko talaga yun."

Sa pag-amin niya, hindi ba siya nag-aalala na baka i-bash siya sa social media dahil sa kanyang sinabi?

“Wala akong pakialam.

“Oo, wala talaga akong pakialam kahit sabihin nilang maarte ako.

“Ready ako sa mga basher.

“Kaya nung sinabi sa akin ni Direk Njel yun, sabi ko, ‘Direk, sorry, ha. Hindi ko siya gagawin kung ipapagawa niyo sa akin yung nasa script.’

"Kasi yun ang nakalagay sa script.

“Sabi ko, ‘Hindi ko gagawin yun.' I mean, maghanap na lang kayo ng ibang leading lady if kailangan niyo ng babaeng nagmo-moan at nagpa-pump, at nagpapakita ng boobs. Huwag na lang.”

Ano ang sinabi ng director nila sa movie?

“He adjusted naman. It’s because parang...I became friends na rin with Direk.

“Nakapag-build na rin kami ng relationship. Nakilala na rin niya ako, e.”

Alam ba ni Jake ang tungkol dito?

“Sinabi ko kay Jake. Sabi ko sa kanya, ‘Jake, sorry, ha. Doon sa love scene natin, pwede ba you do all the work?

"Parang susunod lang ako sa ‘yo kasi mas hasa ka diyan, e. Mas alam mo ‘yan, e.’

“Kasi mas nagpo-portray siya ng sexy roles more than I do. Mas ganoon ang image niya, e.

“Okay naman siya. Gina-guide naman niya ako.”

Kukunan pa lang ang love scene nina Kris at Jake nang makausap namin ang Kapuso star sa set ng Kontradiksyon last Sunday.

“Kinakabahan ako [sa love scene],” natatarantang sabi ni Kris.

“More than crying, more than being vulnerable and all, yun ang pinakamahirap sa akin, because it’s so hard to make it look real. But faking when, you know, faking the scene.

“Ang hirap, e, especially when, you know, for example you’re not really in love with the person.

“But here, kailangan ipakita mo na gustung-gusto mo siya. Di ba, ang hirap aktingin noon? Paano?

“‘Yun nga, e, doon ako hirap na hirap. Saka at the same time parang I can’t imagine it doing it to another guy I just met.

“Ngayon ko lang nakasama. Hindi kami nakapag-bonding. Though, hindi naman ‘to ang first time ko to do a love scene. I’ve done this with Aljur [Abrenica] before, different leading men.”

Kumusta naman ang paggawa ng action movie for the first time?

“It’s something I really wanted to do for a long time. It’s because for so long na-stuck ako for being kawawa, api-apihan, sweet. Pero rito palaban ako, e. May sarili ako’ng ipinaglalaban.

“And, gusto ko rin yung pagiging rugged ko, yung pagiging bastardo ko, yung ganoon. Na mas free ako to do whatever I want rather than being, you know, caged ka sa soap, e, dahil kailangan mabait. Hindi lumalaban. Iyakin. Lagi lang nasa isang tabi, ganyan. Sanay na sanay na ako sa roles na ‘yan. Kabisado ko na ‘yan, e.”

How was it working with Jake for the first time?

“I had a hard time at first because uh, I know that Jake is a very good actor. He has won many awards already.

“So, I was kinda intimidated at first. But then he made sure that I’m comfortable with our scenes. Talagang nakikipagusap siya sa akin.

"Talagang trina-trato niya talaga ako na parang kapatid. Pwedeng kausapin. Pwede mong i-confide.”

Kapatid lang talaga? Hindi ba pwedeng maging Kapuso o Kapamilya niya si Jake?

“Oo, yun nga, e. Pero ginawa niya talaga na maging kumportable ako sa kanya. Kasi nung una talaga naiilang talaga ako.

"Ang bait ni Jake and he’s very professional when it comes to time and pag eksena talaga kahit nagtatawanan kami before the scene, talagang pagdating sa eksena he always pulls it off.

“And to think na magkaiba kami ng network, yun nga ang mahirap kasi we never had communication at first, alam mo yun? Hindi pa talaga kami nagkikita talaga."

Dagdag pa ni Kris, hindi pa sila nagkikita kahit sa ibang celebrity events.

Paano unang nagpakilala sa kanya si Jake?

“Oo, talagang sabi niya, ‘Hi, I’m Jake,’ ganoon. Pormal talaga, and kasi si Jake ang tagal na rin sa industrya, di ba? Beterano na talaga si Jake."

After Anne Curtis and Erich Gonzales, si Kris naman ang babaeng bibida sa action movie. Si Anne ang naging bida sa action film na BuyBust samantalang si Erich naman ang bida sa action film na We Will Not Die Tonight.

“Oo, uso nga ata.

“Ano naman, I think time na rito let the people see na, ‘Oh, she can do something action. She can be a super hero in the future ba.’ May ganoon? Hahaha!”

Gusto ba niyang gumanap na isang superhero someday?

‘Why not ‘di ba? ‘Yan ang dream ko.”

Is it true na nagkasama sila ni Jake sa isang gym?

“Ah, we did one time, we worked out together. It’s just once maybe because gusto rin naming comfortable sa isa’t isa.”

Mukhang kakaiba ang mga ngiti ni Kris?

“Huh? Hindi, no. I have a boyfriend, e.”

Alam ba ni Jake na may boyfriend na siya?

“He knows. Ipinakilala ko siya kasi one time my boyfriend visited. Ipinakilala ko siya.

“No, hindi naman siya nagselos kay Jake. He’s not the type na get jealous sa ka-love team ko or pinagbabawalan ako. Hindi siya ganoon.

“He’s mature enough to understand my job. He just doesn’t watch love scenes or kissing scenes, ganoon. But he has so much respect for my job,” pagtatapos ni Kris Bernal.


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on her action film Kontradiksyon: "Maghanap na lang kayo ng ibang leading lady if kailangan niyo ng babaeng nagmo-moan at nagpa-pump, at nagpapakita ng boobs. Huwag na lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results