Mabigat pero totoong nangyayari. Ito ang naging reaction ng ilan sa mga entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na naimbitahan sa shooting ng Sagrada Pamilya na kinuhanan sa Kamias, Quezon City.
Ilang araw
matapos ang pananalanta ng bagyong Ondoy, naganap ang shooting kunsaan ang
mismong bahay na pinagsu-shootingan din nila ay isa sa inabot ng matinding
baha.
Present sa
naturang shooting ang ilan sa mga bida ng pelikulang Sagrada Pamilya na sina
Emilio Garcia, Snooky Serna at Lovi Poe.
Sila ang bumubuo sa Sagrada Pamilya at ang ironic dito, kabaligtaran sa
totoong kahulugan ng title ng movie ang kuwento ng pelikula.
Kuwento ito
ni Merle (Snooky Serna) na sa kagustuhang maingat pa ang antas ng
pamumuhay ng kanyang pamilya at mapag-aral ang matalinong anak na si Kat, napilitan itong mangibang-bansa sa Europe
para mag-trabaho bilang nurse.
Naiwan sa
Pilipinas ang kanyang mag-ama na sina Kat (Lovi Poe) at Johnny (Emilio
Garcia). Dalawang taon lang halos
nag-trabaho sa ibang bansa si Merle pero na-discover niyang nawawala ang
kanyang mag-ama. Nang matagpuan niya ang mga ito, matinding pagka-shock ang
naranasan niya dahil sa naging matinding pangungulila sa kanya ng asawa at sa
kinahinatnan ng kanyang nag-iisang anak.
Incest,
rape and sad plight ng isang OFW family ang matutunghayan sa pelikulang ito na, aminin
man natin o hindi, tahasan nang nagaganap sa ilang pamilya sa bansa ngayon. Matapang itong ilalahad sa panulat ng batikang
manunulat na si Raquel Villavicencio under Legadas Entertainment and directed by Joel Lamangan.
Masasabi
rin na mature at mas daring pa ang mga character na ginagampanan ni Lovi.
Although ayon sa kanya, mas iba raw ang Sagrada Pamilya since she makes it a point to arrive on the set na in character na dahil sa intensity ng role niya. Isa siyang rape
victim ng ilang beses ng sariling ama. Boyfriend naman niya rito si Felix Roco.
Matatandaan na may theme na incest rin ang naunang indie film ni Lovi titled Walang Hanggang Paalam. Ito ay napili bilang entry sa Netpac competition ng Cinemalaya 2009.
Ayon kay
Direk Joel, "Lovi is a revelation in this film. I have discovered a good,
natural and sensitive actress in her.
Watch out for her."
Bukod sa
mga artistang nabanggit, mapapanood din sa Sagrada Pamilya si Gloria Diaz bilang lola Carmen ni Kat. Kabilang rin sina Robert Arevalo, Jim Pebangco at Rico Barrera.
