Senator Tito Sotto bares plan to create National Film Commission

Tito Sotto says the National Film Commission will be patterned after the system used in South Korea.
by Glenn Regondola
Jan 10, 2019
<p>Tito Sotto says the National Film Commission of the Philippines will be patterned after the system used in South Korea.</p>
PHOTO/S: Allan Sancon

Pinag-aaralan ni Senate President Tito Sotto, kasama ang direktor na si Tony Reyes at iba pang kasamahan, ang pagbuo ng isang National Film Commission.

Bilang author sa pag-create ng Film Development Council of the Philippines, naniniwala si Senate President Tito Sotto na hindi na raw totally nakakatulong ang FDCP sa kasalukuyang sitwasyon ng film industry kaya gusto niyang magkaroon ng National Film Commission.

Matagal na raw itong hinihingi ng mga direktor, at maraming may concern sa film industry, para magkaroon talaga ng solid support para dito.

Pahayag ni Senator Tito, "Pinag-aaralan na namin at nagda-draft na kami ng pag-create ng isang National Film Commission.

“Matagal na itong hiniling ng mga direktor, at mga nakakaintindi sa industriya, sapagkat dito, sa kini-create nating National Film Commission, pagsasama-samahin na nating lahat.

“Yung trabaho at poder ng Film Academy of the Philippines, Film Development Council, pati na ang OMB [Optical Media Board], lahat ng involved sa industriya ng Pelikulang Pilipino, pagsasamahin na natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isang umbrella ito, tulong ng gobyerno, subsidy ng gobyerno.

“Para talagang...kapag may magagandang proyekto, may magagandang pagkakataon, ultimo indie...yung independent producers, e, makikinabang.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang press people si Tito Sotto sa presscon para sa pelikulang Boy Tokwa: Lodi Ng Gapo na pinagbibidahan ni Jose Manalo. Ang media launch ay ginanap noong January 6, sa Edsa Shangri-la, Mandaluyong City.

Ang pelikulang Boy Tokwa ang kauna-unahang pelikulang prinodyus ng film company ni Tito Sen (palayaw ni Senator Tito) na VST Productions at dinirek ng longtime friend niyang si Tony Reyes.

Ang plano raw nila rito ay gawin yung ginagawa ngayon sa South Korea na sa pagkakaroon ng isang commission, ay napapakinabangan ito ng entertainment industry doon.

Pagsang-ayon ni Tito Sen, “Exactly!

“Yun talaga ang peg namin, yung nasa isip namin.

“As a matter of fact, hindi lamang sa South Korea, maging sa India at America, tinutulungan ang industriya, tinutulungan sila ng kanilang gobyerno.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, ito ang naiisip naming paraan at sa palagay ko, once and for all, lahat ng naumpisahan nating tulong sa industriya, dito natin mapupulot.”

Kailan naman nila planong isulong ito bilang isang batas?

Ayon sa actor-politician, “Tapos na namin yung draft, kaya lang, kailangan pa namin ng fine tuning nina direk at mga kaibigan niyang direktor at iba’t ibang members ng guild, so yun.

“Maybe after July [2019] na, kasi hindi na aabot, e.

“Hanggang June na lang itong 17th Congress, e. Pero, makakatiyak kayo, sa July, sa 18th Congress, ipa-file natin ito as a bill.

“Hahanap ako ng isang counterpart sa house—nandun naman sina Alfred Vargas at Vi [Vilma Santos], so, sa palagay ko mabubuo natin nang mabilis ito within 2019.”

Ayon pa sa kanya, ang pagbuo niya ng isang komisyon na makakatulong sa ating industriya ay bahagi pa rin ng kanyang pagiging isang alagad ng sining, kahit mas abala na siya ngayon bilang isang public servant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Yung passion [sa pelikula at telebisyon], hindi nawawala sa akin, sapagkat una sa akin, ang showbiz ay therapy ‘yan sa akin, e.

“Sa dami-dami nating problema bilang isang public servant, siyempre, we always look back to being a member of the industry.

“Hindi natin maaaring kalimutan ‘yan.”

Lahat halos nga ng mga kadugo niya ay bahagi na ng industriyang ito. Sa katunayan, ang apo niyang si Mino Sotto ay bahagi ng cast ng Boy Tokwa at nakalabas na rin sa iba pang mga pelikula.


STORIES WE ARE TRACKING


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Tito Sotto says the National Film Commission of the Philippines will be patterned after the system used in South Korea.</p>
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results