Patuloy na hinahangaan at dumarami ang Romanian fans ng Filipina singer na si Bella Santiago.
Pagkatapos manalo ni Bella sa The X Factor Romania last year, ngayon ay isa siya sa six finalists ng Selectia Nationala. Ang mananalo sa song contest na ito ay ang magiging representative ng bansang Romania sa Eurovision Song Contest 2019.
Ang Eurovision Song Contest 2019 ay nasa ika-64th edition na. Naka-schedule itong ganapin sa convention center na Expo Tel Aviv sa Tel Aviv, Israel.
Higit na 42 countries ang magku-compete dito, karamihan ay member countries ng European Broadcasting Union.
Ang two semi-finals ng contest na ito ay gaganapin sa May 14 at 16. Ang grand finals naman ay gagawin sa May 18, 2019.
Nakalaban ni Bella ang 11 contestants sa first semi-final round noong January 27. Merong 13 contestants pa na maghaharap sa February 10 para sa second semifinals.
Umabot sa 126 ang submitted songs at 24 entries ang napili para sa Selectia Nationala semi-finals.
Ang awit ni Bella na “Army of Love” ay napili ng jury bilang isa sa dalawang wildcard songs dahil may dalawang singers na nag-withdraw sa contest.
Sinulat ng 29-year-old singer ang awit na “Army of Love” kasama si Alexandru Luft.
Sa bandang dulo ng kanyang kanta ay nag-rap ng Tagalog lines si Bella na tubong Dasmariñas, Cavite.
Noong 2018 ay sumali na si Bella sa Eurovision Romania kasama ang Romanian band na Jukebox. Nakuha nila ang 4th place sa finals.
Panoorin ang performance ni Bella Santiago ng "Army of Love":