Happy Valentine's Day!
It's the season of love, and also the season of hugot lines!
Asahan mong magiging popular sa social media ang mga quotable quotes na ito mula sa iyong favorite romance flicks.
Kahit sinasabing pang-mag-jowa lang ang Valentine's, pasok ang mga lines na ito kahit ano pang relationship status mo—whether taken, it's complicated, heartbroken, forever hoping, NBSB, or happily single!
In time for Heart's Day, nag-compile ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilan sa best hugot lines from 2018 movies.
Pwedeng pwede mong ibanat ang mga linyang ito sa iyong significant other o sa ex mo depende sa pinagdadanan mo ngayong Valentine's.
Check them out to see kung anong bagay para sa iyo!
-
Para sa mga nagsising nakipag-break sa jowa nila:
"Hindi na ako takot na masaktan. Paulit-ulit ko isusugal ang puso ko para lang maramdaman ko ang naramdaman ko sa atin noon."
- Carlo Aquino as Nix in Exes Baggage
-
Para sa mga na-rebound:
"Pakiramdam ko nandito ako para mapatunayan mo na naka-move on ka na sa ex mo."
CONTINUE READING BELOW ↓NOOD KA MUNA!- Angelica Panganiban as Pia in Exes Baggage
-
Para sa mga supportive sa partners nila:
"Huwag mong solohin 'yan. Akin na yung iba."
- JM de Guzman as Lio in Kung Paano Siya Nawala
-
Para sa may photographic memory, lalo na tungkol sa kanilang ex:
"Kahit naman makalimutan mo yung tao, yung pinaramdam niya sa 'yo, hindi mo naman makakalimutan yun, di ba?"
- Rhian Ramos as Shana in Kung Paano Siya Nawala
-
Para sa mga hindi sure sa life decisions nila:
"Kung hindi love, malaking sugal 'yan."
- Anne Curtis as Aya in Sid & Aya (Not A Love Story)
-
Para sa mga takot manakit ng iba:
"Kung tumaya ako sa 'yo, ikaw naman ang masasaktan."
- Anne Curtis as Aya in Sid & Aya (Not A Love Story)
-
Para sa may ex na balik nang balik after silang iwanan:
"Isang beses lang ako napagod pero iniwan mo agad ako. Ganun ba ang pagmamahal mo?"
- Kathryn Bernardo as George in The Hows of Us
-
Para sa mga nagpupumilit bumalik:
"George, I may not have found a reason to stay, but I found a reason to come back."
- Daniel Padilla as Primo in The Hows of Us
-
Para sa mga proud sa ex nila pero may feelings pa:
"You've become the Joanne that you're supposed to be but without me. And it is hard to admit that."
- James Reid as Gio in Never Not Love You
-
Para sa mga hindi pa buo para sa mga nakikipagbalikan sa kanila:
"I made you an ideal man kaya ayaw kong masira ka."
- Bela Padilla as Celeste in Meet Me In St. Gallen
-
Para sa mga persistent na manliligaw:
"Anong pwede kong gawin para maging akin ka?"
- Carlo Aquino as Jesse in Meet Me In St. Gallen
-
Para sa mga nagseselos sa ex ng jowa nila pero ayaw padaig:
"Bakit? Anong meron sa panga niya?"
- Alex Gonzaga as Mary Jane in Mary, Marry Me
-
Para sa mga ayaw magalit sa ex nila (or may feelings pa talaga):
"There's no point in hating someone you used to love."
- Sam Milby as Pete in Mary, Marry Me
-
Para sa mga naghahanap ng karamay at willing dumamay:
"I know what pain feels like. Puwede sana natin itong labanan nang sabay."
- Bea Alonzo as Adi in First Love
-
Advice from a friend para sa mga naghihiganti sa ex nila:
"Relationships are like glass. It is better to leave them broken than hurt yourself trying to put it back together."
- Nico Antonio as Steve in Ang Dalawang Mrs. Reyes