Na-sweep ng Pur Laine ang major awards sa full-length film category ng 2019 Singkuwento International Film Festival Manila Philippines (Year 4).
Ginanap ang awards night sa Leandro Locsin Theater sa building ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Intramuros, Manila, noong February 22.
Nakuha ng Pur Laine ang awards para sa Best Full-Length Film, Best Cultural Film, Golden Philippine Eagle Award (choice ng festival director and founder na si Perry Escaño), at Best Director for Alexander Cruz (Pinoy na based sa Canada).
Nag-tie naman bilang Best Actresses ang dalawang lead stars ng Pur Laine na sina Celestine Caravaggio at Issabelle Lafond, na naninirahan rin sa Canada.
Bukod tanging si Christian Paolo Lat, na nominado bilang Best Supporting Actor, ang nakalipad sa Pilipinas mula sa Canada. Dahil dito, ilang ulit siyang pumanhik sa entablado upang tanggapin ang kanilang trophies.
Ang iba pang nanapanalunan ng Pur Laine ay ang Best Screenplay, Best Cinematography, Best Production Design, Best Original Theme Song, at Best Editing.
Narito ang synopsis ng Pur Laine: "It is a story about an old man who suddenly dies, leaving his most recent wife to sell the house and start a new life. When his daughter from a previous marriage appears and claims the house is hers, all hell breaks loose."
Sumunod namang biggest winner sa full-length category ay ang Kapayapaan Sa Gitna Ng Digmaan na sinulat at dinirek ni Nestor Malgapo Jr.
Nakuha nito ang Best Jury Prize, Audience Choice Award, Best Actor for Richard Quan, Best Original Musical Score, Best Costume Design, at Best Hair and Make-up.
Isang true-to-life story at period drama movie na Kapayapaan Sa Gitna Ng Digmaan. Tungkol ito sa Hapon na si Yoshiaki (played by Richard Quan). Pinakasalan niya ang isang Pilipina at nagkaroon sila ng pitong anak. Dahil ang panahon noon ng digmaan, naipit si Yoshiaki sa bayang sinilangan na Japan at sa pamilya sa Pilipinas.
"In the midst of war, the only thing Yoshiaki wants is, in his own little way, to ensure that Filipinos are safe," ayon sa synopsis ng Kapayapaan Sa Gitna Ng Digmaan.
Nagwagi naman ang fantasy-romance drama na Rendezvous ng Best Supporting Actress for veteran Gina Pareño bilang ina ng isang babaeng umibig sa isang siyokoy sa probinsiya. Sa kanyang speech, nagpasalamat ang 69-year-old actress na si Gina na sa edad niyang ito ay nakakagawa pa siya ng pelikula. Nagpasalamat siya at kinikilala pa rin daw ang kanyang pagganap.
Ang gumanap namang siyokoy na si Tonz Are ang nanalong Best Supporting Actor. Kinilala siya for Rendezvous na mula sa direksiyon ni Marvin Gabas.
Sa filmography ng isang Gina Pareño, siya ay may 13 awards na and 24 nominations (both local and international).
Kabilang sa kanyang award-winning at internationally-acclaimed films ang Kubrador (2006) ni Jeffrey Jeturian at Serbis (2008) ni Brillante Mendoza.
Locally, memorable rin ang kanyang Kasal, Kasali, Kasalo (2006), kunsan muntik na siyang mag-Grand Slam as Best Supporting Actress dahil nanalo siya dito sa apat na award-giving bodies: MMFF, PMPC Star Awards for Movies, FAP Awards, at FAMAS Awards.
Nakamit rin niya ang kanyang first Lifetime Achievement Award mula sa PMPC noong 2010 at Best Actress of the Decade (2000-2009) sa Gawad Urian Awards noong 2011.
Iginawad naman ang Lifetime Achievement Award sa 89-year-old actor/director na si Eddie Garcia. Ang veteran actor ay nag-celebrate ng kanyang 70th anniversary sa Philippine movie industry.
Isang nakakakilabot na standing ovation at masigabong palakpakan ang ibinigay ng audience sa batikang aktor na marami ang nagsasabing panahon na upang iluklok siya bilang National Artist for Film. In his lifetime, Eddie has made over 600 films at nanalo na ng more than 30 awards, both local and international.
At his age, nakatatlo pa siyang pelikula last year (2018)--all lead roles -- at nanalo pa lahat ng acting award: ML (Cinemalaya), Hintayan Ng Langit (QCinema), at Rainbow's Sunset (MMFF).
FIRST BEST ACTOR AWARD IN 25 YEARS
Sa kanyang acceptance speech, inamin ni Richard Quan na 25 years na siya sa showbiz, laging nano-nominate, pero hindi pinapalad manalo ng Best Actor, and historical win ito for Richard dahil finally, he made it, mula pa sa first movie niyang Saan Ka Man Naroroon (1993).
Last year sa 2018 ToFarm Film Festival, nanalo rin si Richard pero as Best Supporting Actor para sa pelikulang 1957. Sa parehong awards night, sinabi ni Richard na tila “lucky charm” niya ang kanyang ina, dahil ka-“date” niya daw ito sa dalawang okasyon.
“Lucky charm yata talaga ang mga nanay,” banggit ni Richard na overwhelmed sa napanalunang tropeo as Best Actor.
“Kung ang award na ito or ang festival na ito ay makakatulong sa aming pelikula, very much welcome sa akin, I’m happy for that,” sabi ni Richard, na nagsabing naniniwala siya sa objective ng Singkuwento Film Fest upang maging venue ng mga baguhang filmmakers.
Pinasalamatan rin ng aktor ang kanyang direktor, ang co-actors, production crew, discoverer, ang first film producer na si Armida Siguon-Reyna (for Saan Ka Man Naroroon) na pumanaw kamakailan lang.
“Salamat sa lahat, down to the crew na nagbibigay ng kape. Sabi ko nga, hindi lang makapag-kape, masisira na ang mood ng actor, makakaapekto na ito sa performance niya, so everybody sa set is important para sa performance ng isang actor, even maliit na tao whoever he is sa industriya."
Pinasalamatan rin ni Richard ang kanyang discoverer na si Eddie Pacheco.
“I will always be grateful to the late Tito Eddie Pacheco, he was the editor of Journal, siya ang first person na naniwalang puwede akong maging aktor.
“Ang first producer na naniwala sa akin, si Tita Midz, the late Armida Siguion-Reyna, maraming maraming salamat, may she rest in peace."
Si Armida Siguion-Reyna ang nag-produce ng 1993 movie na Saan Ka Man Naroroon na pinagbibidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.
Pagpapatuloy ni Richard Quan na miyembro ng Iglesia Ni Cristo: "Gusto ko ring i-acknowledge si Ka Eduardo Manalo. Maraming salamat sa inspirasyon at guidance."
“This event looks like a competition, pero sana, let’s this be a celebration, motivation, and inspiration sa atin to be better kung anuman ang ginagawa natin para makatulong in the future sa pag-angat ng industriya!
“Higit po sa lahat, gusto kong ibalik sa Panginoon ang lahat ng kapurihan. Maraming salamat po!” sabi ng ng aktor sa kanyang makabuluhang speech.
Ang dalawa pang naging finalists sa naturang category ay ang Promdi starring Kiko Estrada, directed by Charlotte Dianco at ang Playground with newbie actors as lead stars, sa direksiyon ni Dave Cecilio.
SHORT FILMS AND DOCUMENTARY FILMS
Samantala, narito ang winners sa Short Film and Documentary Film categories ng SIFFMP 2019:
Biggest winner among the 25 competing short films ang “Ang Nagliliyab Na Kasaysayan Ng Pamilya Dela Cruz” ni Miguel Louie De Guzman, grabbing the following awards: Best Short Film, Best Actress for Angeli Bayani, Best Screenplay, Best Costume Design, at Best Original Theme Song.
Ang pelikula ay tungkol sa buhay ng mga Pilipinong magsasaka at sa pakikipaglaban nito para sa kanilang mga karapatan.
Pumangalawa naman ang “Ang Lumunod Sa Atin,” isang suspense thriller na umikot ang kuwento sa kung sino ba ang pumatay sa kapatid ng bida.
Nagwagi ito sa mga kategoryang Best Sound Design, Best Musical Score, Best Editing, at Best Director para sa first time filmmaker na thesis film pa lang ang nasabing pelikula, si Sonia Regalario.
Sa Best Actress, ka-tie ni Angeli si Cataleya Surio (for “Paano Bihisan Ang Isang Ina”), na isang torera ang role. Tampok rin sa nasabing short si Orestes Ojeda. Ang isa pang entry ni Cataleya ay ang “Limang Oras” kung saan ang beteranang aktres namang si Lui Manansala ang nagwaging Best Supporting Actress.
Best Actor winner si Felipe Martinez (isang gay senior make up artist by profession na lumalabas rin bilang aktor) for “Wa, Nan”. Naka-long red gown pa ito nang tanggapin ang kanyang Best Actor award, at makabuluhan ang speech niya dahil aniya, nawa’y maging “boses” ang kanilang pelikula ng mga taong may HIV o AIDS at mawala ang stigma ng publiko dito.
Best Supporting Actor ang 11-year old kid na si Alexis Negrite for “Delta” at Best Child Performer ang 7-year old na si Miel Espinoza for “Kung Di Man Dumating Ang Gabi.”
Narito ang iba pang winners sa Short Film competition:
Jury Prize Award – Wa, Nan
Best Cultural Film, Best Production Design, Best Hair And Make-up – Dalit
Golden Philippine Eagle Award – Theo
Best Cinematography – Ang Huling Bucketlist
Audience Choice Award – Bisperas
Sa Documentary category, may 5 short documentary films ang naglaban-laban.
Narito ang mga nanalo:
Best Documentary Film – Takip Sining ni Juan Reynald Fontanilla
Jury Prize Award – Liwanag
Best Director – Arby Laraño and Christine Laraño for Liwanag
Golden Philippine Eagle Award – Landong ni Ma. Toiza Gorantes
Nagsilbing jury members sina Direk Joselito Altarejos, Noy Lauzon, at Marinel Cruz para sa full-length and documentary film categories, samantalang sina Direk Zig Dulay, Film Development Council of the Philippines executive director Will Fredo, at producer Albert Almendralejo naman para sa short film category. Ang President ng SIFFMP ay si Roberto Reyes Ang.
Ang tentative delayed telecast ng awards night na ito ay sa March 23 (Sabado), 8:00 PM sa IBC-13.
Ang nasabing festival ay produced ng MPJ Entertainment Productions (ni Perry Escaño) in association with Asian Television Content Philippines Corp. (headed by Engineer Rey Sanchez), NCCA, at FDCP.