Marami ang nag-aabang. Ngayon, muli na silang makikitang
magkasama.
Matagal ding hinintay ng sambayanan na makitang umaarte sa iisang proyekto ang isa sa pinaka-successful na tambalan sa telebisyon at pelikula. This Saturday, December 6, marks the grand reunion of Jericho Rosales and Kristine Hermosa. Their tandem sparked box office TV and movie hits, namely Pangako Sa 'Yo, Sana'y Wala Nang Wakas, Ngayong Nandito Ka, Trip, and Forevermore. Nakilala rin sina Echo at Kristine abroad dahil pinalabas ang teleseryeng Pangako Sa ‘Yo sa ibang Asian countries tulad ng Malaysia at Indonesia.
Ang Maalaala Mo Kaya ang unang programang
pagsasamahan nilang muli.
Sa susunod na taon, magsasama ulit sina Echo at Kristine
sa mga proyekto, kaya naman nagpatikim na ang ABS-CBN ng maagang Pamasko sa
lahat ng mga manonood nito by bringing them together sa isang totoong kwento
tungkol sa pag-ibig na galing sa gayuma at pag-ibig na makakaalagpas sa gayuma. Ang kanilang love story ay set noong panahon ng 1960s at dapat abangan ng manonood kung paano magkakatrabaho muli ang dating magkasintahan na sina Echo at Kristine.
Sa thanksgiving press conference ng Kahit Isang Saglit, nagkuwento si
Echo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang role dito sa
episode na na-shoot nila sa Laguna. "Sutil ako na lalaki at nakita ko si
Kristine na alaga ng pamilya. Ako, parang bad boy na James Dean-type and
eventually, na in love. May catch dun kasi may ginawa akong kalokohan para
magkagusto siya sa akin. Ayaw ako ng family niya [Kristine's character kasi nga
loko-loko ako."
Nang tanungin siya tungkol sa kissing scene nila ni Kristine, ang nasabi na lang ni Echo: "Hindi kami makapag-kiss, hindi kami maka-concentrate kasi tawa kami nang tawa. Kasi naman, first day namin, first time namin magtatrabaho after five years, then maghahalikan kaming dalawa. One take lang yun. Panoorin n'yo na lang."
Sa direksyon ng award-winning director na si Jerry Sineneng, na direktor din ni Jericho sa Kahit Isang Saglit, makakasama rin nina Echo at Tin sa episode na ito sina Tonton Gutierrez, Sylvia Sanchez and Lauren Young.Panoorin ang much-awaited reunion nina Echo at Kristine ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya na ipapalabas sa ABS-CBN.