Pagkatapos ng matagal na pamamahinga sa telebisyon, muling nagbabalik si Judy Ann Santos sa isang offbeat role ngayong Disyembre sa drama anthology show na Maalaala Mo Kaya.
Matagal siyang na-miss ng kanyang mga fans kaya isang Pamasko ang mapapanood sa December 13 episode ng palabas na ito ng ABS-CBN.
Bago tumulak si Judy Ann papuntang U.S. para sa kanyang kampanya para sa Ploning, tinapos muna niya ang isang episode na hindi basta-basta malilimutan sa mahabang panahon. Sa direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng at panulat ni Shugo Praico, gagampanan ni Juday ang papel ng isang inang may walong anak. Kahirapan at labis na kalungkutan ang magtutulak sa kanya upang lasunin ang kanyang mga anak pati na ang sarili niya.
Abangan ang madamdamin at napakaespesyal na episode na ito sa MMK ngayong Sabado ng gabi.
Maalaala Mo Kaya(December 13, 2008)
Director: Jerry Lopez Sineneng
Writer: Shugo Praico
Cast:
Judy Ann Santos
Gerald Madrid
Sharlene San Pedro
Carl John Barrameda
Zeppi Boromeo
Hosted by Charo Santos-Concio, ang Maalaala Mo Kaya ay napapanood tuwing Sabado sa ABS-CBN.