Present sa press conference ng Baler, official entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival, ang singer-actress na si Sarah Geronimo dahil siya ang kumanta ng theme song ng pelikula. Marami na tuloy ang humuhula na posibleng manalo ang Baler ng Best Theme Song dahil sa magandang interpretasyon ni Sarah ng kanta.
"Hopefully po, di ba? Kasi ang ganda-ganda po ng kanta. It's all about true love. Parang"Kahit Isang Saglit," kasi si Sir Louie Ocampo rin po yung nag-compose, kaya ang ganda-ganda rin po ng melody," sabi ni Sarah sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Sa naturang presscon, ang pagiging "diva" niya sa nakaraang concert na Divas 4 Divas ang itinanong kay Sarah. Napakaganda kasi ng pagbibigay-puri sa kanya ng apat na divas na sina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez at Regine Velasquez. Sa finale ay tinawag at pinaakyat pa siya sa stage. Sinabi pang "diva" rin daw siya. Ano ang masasabi ni Sarah dito?
"Oo nga po, parang nakaka-speechless," nakangiting sabi ni Sarah. "Ang hitsura ko pa po noon, parang may pimples, haggard! Kasi, biglaan po kasi yun. Pero siyempre, nakakaiyak po. Pinaakyat pa ako sa stage.
"Sabi ko nga po kay Ms. Reg [Regine], ‘Huwag na! Huwag na!' Kasi, yung hitsura ko, yung damit ko. E, nahiya naman po ako. Umakyat na rin po ako. Siyempre po ang sarap! Sino ba naman po ako para i-acknowledge nila?" natatawa na tila nahihiya niyang pahayag.
"A VERY SPECIAL LOVE" SEQUEL. Nakakadalawang shooting days na rin daw si Sarah para sa sequel ng blockbuster film na A Very Special Love, kung saan si John Lloyd Cruz pa rin ang katambal niya.
"Okey naman po. Puno ng tension noong first day. Ganoon yata kapag first day, parang nakaka-ilang takes!" natatawa niyang kuwento.
Kumusta naman sila ni John Lloyd, mas kumportable na ba silang dalawa?
"Opo, kumportable na po ngayon," sagot ni Sarah. "Actually, yung first part, kumportable na rin po. Ngayon nga lang po, hindi pa lang kami nagkakaroon ng eksena together pa. So, hindi ko pa po masabi."
Umaasa naman si Sarah na mas magugustuhan daw ng mga tao ang Part 2 ng very successful movie nila.
"Sana po talaga mas maganda. Yun naman po ang aim namin. Mas maganda, mas magugustuhan nila. Kahit na hindi malagpasan, sana mapantayan man lang noong una."
Feeling pressured na ba siya?
"Opo, pero hindi na muna po namin iisipin yun. Basta pagtatrabahuhan po muna naming mabuti at huwag ie-encourage ang negative vibes," aniya.
Kung sa Part 1 ng A Very Special Love ay nabitin ang kissing scene nila ni John Lloyd, ngayong Part 2 kaya ay itutuloy na ba nila ito?
"Secret! Abangan!" natatawang sagot ng Pop Princess.
