Paano mag-celebrate ng Pasko ang ating mga kapuspalad na mga kababayan? Ito ang tatalakayin ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi, December 20. Pagkatapos ng "Lason" episode ni Judy Ann Santos at "Gayuma" episode nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, isang simple pero napaka-emosyal naman na kwento ng isang mag-lolo ang mapapanood natin ngayong gabi.
Bida dito sina Sophia Baars, na kilala bilang Lavinia sa TV adaptation ng Princess Sarah at ang batang Anne Curtis sa Dyosa, at si Spanky Manikan, na tumatak bilang Silva sa Lobo. Gaganap sila bilang maglolo na ang tanging hiling lang ay magkaroon ng isang magandang Pasko at Santa Claus na magbibigay kay Jojie (Sophia) ng regalo.
Makakasama rin nila ang mga award-winning actors na sina Angel Aquino, Yul Servo, Daria Ramirez at ang Goin' Bulilit star na si Jane Oineza.
Wag na wag palalampasin ang special Christmas episode na ito ng MMK ngayong Sabado, December 20.
CAST:
Jojie Sophia Baars (Princess Sarah's Lavinia/ Young Dyosa)
Lolo Saning Spanky Manikan
Linda (Jojie's mother) Angel Aquino
Rogelio (Jojie's father) Yul Servo
Lola Egle (Jojie's grandmother) Daria Ramirez
Jerelyn (Jojie's older sister) Jane Oineza
Roderick (Jojie's younger brother) Timothy Chan (Sakal, Sakali, Saklolo)