PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Watawat recalls the creation of the Philippine flag

This period film stars James Blanco as Andres Bonifacio and Carlos Morales as General Emilio Aguinaldo.
by Mell T. Navarro
Published Jan 18, 2010
James Blanco (left) plays Andres Bonifacio while Carlos Morales (right) portrays General Emilio Aguinaldo in the upcoming period film Watawat.

Pinasok na rin ng mga aktor na sina Carlos Morales at James Blanco ang pagpo-produce ng pelikula. At hindi lang basta ito ordinaryong pelikula in terms of genre dahil isa itong period movie na pinamagatang Watawat.

Maliban sa pagiging executive producers nina Carlos at James ng Watawat, gumaganap rin sila sa pelikula bilang Philippine national heroes. Carlos plays General Emilio Aguinaldao, samantalang si James naman ay gumaganap sa papel ni Andres Bonifacio.

Mula sa Ghalaxy Pictures and Cinecilio Film Productions, ang nasabing pelikula ay film debut ng first-time director na si Dave Cecilio at silang dalawa ni Deo Divinagracia ang may likha ng istorya.

Tampok sa period film na ito ang tungkol sa pagkakalikha ng Philippine flag at kung paano ito naging bahagi ng Philippine history. Ang ibang cast members ng pelikula ay sina Chin-Chin Gutierrez, Urian awardee Mercedes Cabral, Kisza Divinagracia. Silang tatlo ang gumaganap na mga babaeng naghabi ng kauna-unahang watawat ng Pilipinas.

Kabilang rin sa cast rin ng Watawat sina Monsour del Rosario, Justin Cuyugan, Mosang, Dan Fernnadez, Angie Ferro, Nathan Lopez, Maricar Madrid, Mara Lopez, Gigi Pirote, Dick Lindayag, Herminia Concpecion, and Fria Rivas.

Noong December 12, 2009 ay nagkaroon ng trial screening sa University of the Philippines Baguio. Kahit hilaw pa ang pelikula ay pina-preview na ito doon, as requested.

Ngayong January 2010 talaga ang officially start ng screenings at kasalukuyan nang iniikot ng mga tao sa produksiyon ang pelikula. Kabilang sa mga schools and universities na ito ay ang Baguio Colleges Foundation, University of Baguio, UP Baguio, University of Cordillera, STI College, Data Center Colleges, St. Louis University, etc.

Kung hindi magbabago ang schedule, ang target screening ngayong January 15-21 ay sa Olongapo City area naman like sa OCNHS at fourteen (14) public elementary and high schools sa Sta.Rita at Subic, etc. Gaganapin ito sa SUMVAC Theater in Subic Freeport Zone.

Sa February, target naman itong i-tour sa Nueva Ecija and Bohol, sa March sa Cebu and Davao at may plano ring international screenings soon.


SYNOPSIS: Isa itong paglalakbay sa nakaraan. Ang Watawat (Flag) ay pagsasapelikula ng isang bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas noong panahong nililikha ang sagisag ng kalayaan para sa deklarasyon ng Unang Republika ng bansa.

Mabubuo ang simbolong ito sa pagsisikap ni Doña Marcela Agoncillo (Chin Chin Gutierrez) base sa kahilingan ni Heneral Emilio Aguinaldo (Carlos Morales) na makalikha ng watawat. Ginawa nila ito habang nakatira sila noon sa Hongkong dulot ng pananakop ng bansang Espanya.

May limang araw ding hinahabi ni Ginang Marcela ang watawat, katuwang ng kanyang anak na si Enchang (Kisza Divinagracia) at Delfina Natividad (Mercedes Cabral). Dito mabubuo ang isang obrang kumakatawan sa hugis, kulay, at wangis ng kagitingan at katotohanan sa likod ng mga pagpupunyaging makamtan ang minimithing kalayaan.

Maraming kulay ang pinagmulan ng watawat. Pula, asul, itim puti at dilaw.

Maigting ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino noon laban sa mapanupil na mga dayuhan. Naging pinuno ng pag-aalsa sina Dagohoy at Diego Silang hanggang sa binuo ni Andres Bonifacio (James Blanco) ang Katipunan. Nagdulot rin sa pagsang-ayon ni Aguinaldo sa Pakto ng Biak-na-Bato ang
rebolusyong ito. Sa walong sinag ng araw ay sa walong lalawigan din naramdaman ang mga unang pag-aaklas.

Sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 ay naging makasaysayan ang pagwawagayway ng opisyal na watawat ng Unang Republika. Naganap ito sa gitnang bintana ng tahanan ni Heneral Aguinaldo.

Ito ang naging araw ng ganap na kasarinlan. Subalit sinundan ito ng marami pang rebolusyon laban sa mga Kastila, Amerikano at iba pang himagsikan mula nang pinapatay si Dr. Jose Rizal at ang Supremo.

Maraming katotohanan ang isinisiwalat ng kasaysayan at tumutulay ito sa kasalukuyan. Piping-saksi ang kapirasong tela sa mga tunay na pangyayari noon man at ngayon.

Ang kislap ng watawat ay patuloy na magniningning habang may bayang magiliw ang patuloy na kikilala sa kahalagahan nito.

Production staff: Story by Deo Divinagracia and Dave Cecilio
Director of Photography: Marvin Reyes
Music by Miguel Cortez
Sound by AMI Wild Sound
Edited by Thop Nazareno, Wardrobe by Ronnie Martinez
Assistant Directors sina Cicero Danseco, Deo Divinagracia, Edmund Mijares, Alex Brin, Ricci Rono, and Carlos Morales.
Production Manager: Christopher Manabal,
Assistant Production Managers: Chemuel Santos at Nini Cruz,
Executive Producers: Carlos Morales and James Blanco


DIRECTOR'S PROFILE: Si Director Dave Cecilio ay ipinanganak sa Paranas, Samar noong March 6, 1972. Tubong Bacoor, Cavite City, siya ay anak nina Domingo Cecilio at Nora Cecilio.

Kabilang sa kanyang professional qualifications ay ang mga sumusunod: Filmmaker and Writer sa International Academy of Film & Television, Big Foot Entertainment , Hollywood Boulevard (Mactan Lapu-lapu City, Cebu).

Isa rin siyang TV commercial director, nagtrabaho sa International Institute for Film & Arts (IIFA) sa Makati City. Isa rin siyang registered nurse, naging product specialist, dating guro at professioanal medical representative, kunsaan nagkamit siya ng maraming karangalan sa larangang ito.

Kabilang sa kanyang skills ang basic video editing, ang pagiging creative art director, choreographer, digital graphic artist, visual designer at event hosting.



Ang Watawat ay ine-endorso ng Department of Education, Culture, and Sports (DECS).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Screenings of Watawat are as follows:


January 18-22

Week-long showing in SUMBAC Subic Freeport Zone, Olongapo City

January 18
SPED-G / James Gordon I.S. / RSHS

January 19
Ilalim E.S. / Tabacuhan ES /Wesley School OC

January 20
Gordon Heights ES / Kalalake ES & HS / Tapinac

January 21
Sta.Rita ES & HS

January 22
Baretto ES & Baretto NHS

January 26-30
Baguio City & Nueva Ecija

February 2010
Columban HS & OCNHS Olongapo City / St. Joseph's College

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Blanco (left) plays Andres Bonifacio while Carlos Morales (right) portrays General Emilio Aguinaldo in the upcoming period film Watawat.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results