Ang Bottom Line With Boy Abunda ang nagwaging Best Talk Show sa Asian TV Awards 2011 na ginanap sa Singapore noong December 8.
Kaya isang mainit na pagbati ang inihandog ng The Buzz family kay Boy kahapon, December 11.
Ayon kay Boy, "I'm very emotional. I'm very emotional. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Tulad na lang noong ako'y nasa Singapore, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
"Sabi ko, 'Lord, give me the word.'
"At kung may ibabahagi ka palang karanasan, when you are with your peers in Asia, these are with brilliant minds in Asian television, parang lumalabas talaga ang pagiging palaban mo bilang Pinoy.
"At ang tawag sa 'yo, hindi ang iyong pangalan kung hindi Philippines.'
"Gano'n kahalaga, mga kaibigan.
"I don't know what I've done. Lord, thank you."
FOR THE VIEWERS. May pakiramdam na ba si Boy na mananalo siya ng naturang award?
Natatawang sabi niya,"Wala. Binibiro nga namin, ito'y biro lang, just before Bottom Line won, siguro mga five awards, lahat, CNN ang nanalo.
"And then, there's a band who performed.
"Sabi namin, 'Kahit sinong manalo, kapag natalo tayo, i-boo natin, ha!'"
Pero nang tawagin ang Bottomline bilang nagwagi, ano ang naramdaman ni Boy?
"Hindi ko alam.
"Sabi nila, tumakbo raw ako.
"I ran to the stage and I don't know what happened next."
Dugtong pa niya, "I don't want to be emotional about it, pero, sasabihin ko po ito: Sa lahat po ng mga batang nanonood ngayon, uulit-ulitin ko po ito, dreams come true.
"Kasi po, noong ako'y nag-uumpisa kasi, nakapagpasalamat na ako.
"Naalala ko pa, Mario's restaurant, kami nina Lui Andrada, Ian [Reyno kapwa ABC-CBN executives], noong unang pinag-uusapan namin ang konsepto ng The Bottom Line
"Lahat po ito, nag-uumpisa sa walang takot na mga konsepto. Contents still come on television.
"Of course, I'd like to say thank you kay kaibigang Cory Vidanes [ABS-CBN channel head], Charo Santos-Concio [ABS-CBN president] , Gabby Lopez [chairman and CEO of ABS-CBN], salamat.
"Sa lahat ng pamunuan ng ABS-CBN.
"Pero, sa aking mga manonood, sobra po ang aking respeto sa inyo.
"Sa mga bata na nangangarap, you know, to get into television, go for that dream.
"Dahil ako, noong ako'y nag-uumpisa, lahat na yata ng salita...
"'You're not gonna make it. You're not goodlooking enough. You're not...you don't have...nagbi-Bisaya ka.'
"Lahat na lang ng kulang.
"Palagi na lamang sinasabi na hindi ka puwede dahil...
"Pero, ang sasabihin ko po, 'Puwede ka dahil sa ikaw ay ikaw.'
"So, let's start from the point of view of strength.
"Whoever you are and if you have a dream, hold on to that dream and work hard, and you'll gonna make it."
BOW FOR BOY. Ayon naman sa co-host niyang si Charlene Gonzalez, kung may hinahangaan daw siya kay Boy ay nang una raw niya itong makaharap sa The Buzz.
Ito ay nang tanungin siya ni Boy kung ninenerbiyos pa rin ba siya.
Hindi raw makalimutan ni Charlene ang sinabi ni Boy na, "Believe it, Charlene, naghahanda pa rin ako and I still get nervous every time I do the interview."
Ayon naman kay Boy, "Ang nais ko lang pong sabihin, mga kaibigan, tama ka Charlene, sa aking karera, wala po akong minamata na bisita.
"I don't condescend on guests.
"Artista, president, o senador, pareho po ang aking paghahanda.
"Kapag ikaw ay humarap sa akin at ako'y humarap sa inyo, I want to assure you na 'yan, with respect and love, dahil sobrang mahal ko po ang aking trabaho."
Dagdag na kuwento pa ni Boy, "On the plane, on our way back to Manila, I happen to sit down beside Rico Wong of San Miguel Corporation.
"You know what he told me, 'You're so blessed because you're gifted.'
"'You know what gifted is, you know what you're doing and you love what you're doing.
"'And people who watch you are happy because you're doing what you love to do.
"So, mga kaibigan, maraming-maraming salamat dahil mahal na mahal ko po ang trabahong ito.
"At ang puhunan po namin dito, hindi lang ako, because I don't do this alone...
"Kung makikita ninyo lang po ang mga tao sa likod ng camera, they are responsible for the show that we do.
"Sila po ang aming mga katulong. Kami po ay nasa harap lamang ng camera.
"With humility, I dedicate this trophy to all of you.
"To everyone in this country who has a dream.
"Para po ito sa inyo.
"At sa atin pong mga kababayan, maniwala po kayo that we have every reason to be proud of this country.
"I love this country. And this trophy is for the Philippines."
