Joanna Rose Bacosa comes out again, asking Manny Pacquiao to recognize their lovechild

by Jojo Gabinete
Dec 15, 2011
Joanna Rose Bacosa on coming out in public again: "Gusto ko pong masabi sa anak ko na pagdating po ng panahon, makita rin ng anak ko na ipinaglaban din siya ng mommy niya para po kilalanin ng ama niya na si Manny Pacquiao."

May sorpresa si Joanna Rose Bacosa kay Congressman Manny Pacquiao, tatlong araw bago sumapit ang 33rd birthday sa December 17 ng Filipino boxing icon.

Si Joanna Rose ay unang lumantad noong 2006 at nagsabing nakarelasyon at naanakan siya ni Manny.

Kahapon, December 14, Miyerkules, muling lumantad si Joanna.

Lumapit siya sa TV5 para makarating kay Manny ang kahilingan niyang kilalanin ng kongresista at boksingero ang kanilang seven-year-old lovechild.

Sa interbyu sa kanya ni Renz Ongkiko, na ipinalabas sa Aksyon Balita, muling ikinuwento ni Joanna ang nakaraan nila ni Manny at ang naganap na out-of-court settlement sa pagitan nila.

THE WAITRESS AND THE BOXER. Ayon kay Joanna, nagkaroon sila ng relasyon ni Manny noong April 2003.

Nagkakilala sina Manny at Joanna noong February 2003 sa isang billiard hall sa Pan Pacific Hotel, kung saan nagtatrabaho si Joanna bilang "spotter" at waitress.

Ayon kay Joanna, "Bale po nakilala ko si Manny Pacquiao noong 2003.

Continue reading below ↓

"Nag-work po ako doon sa City Square sa Pan Pacific, tapos regular customer po namin siya na pumupunta doon.

"Doon po nag-umpisa lahat."

Ang kabaitan at pagiging malambing daw ni Manny ang dalawa sa mga dahilan kaya pumayag si Joanna na makipagrelasyon sa kanya.

Ito ay kahit alam niya na may asawa at mga anak ang sikat na Filipino boxer.


THEIR LOVECHILD. Nang mabuntis si Joanna noong May 2003, pinahinto raw siya ni Manny sa pagtatrabaho at pinalipat sa ibang bahay para makaiwas sa mga tsismis.

Ang kanilang anak, na isinilang daw noong January 2, 2004, ang naging bunga ng kanilang short-lived love affair.

Bininyagan ang bata noong November 6, 2005 sa Immaculate Concepcion Cathedral Parish sa Cubao, Quezon City.

Ang pangalan ni Manny ang nakalagay sa baptismal certificate bilang ama ng bata.

Nakasaad din sa baptismal certificate na "professional boxer" ang propesyon ng biological father ng bata.

November 2005 daw nang huling magkita sa isang hotel sa Cebu City sina Joanna, Manny, at ang kanilang anak.

Continue reading below ↓

Ito ang bihirang pagkakataon na nakunan ng litrato na magkasama ang tatlo.

Ang Cebu trip daw ang huling beses na pagtatagpo nila dahil mula noon ay hindi na raw sinagot ni Manny ang mga tawag sa telepono at text message ni Joanna.

FILING A COMPLAINT. Nagpasya si Joanna na magsampa ng reklamo para magbigay ng sustento sa kanyang anak si Manny.

Ayon kay Joanna, nakatanggap siya ng mga tawag mula sa asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao para hindi niya ituloy ang pagsasampa ng kaso.

Dagdag pa ni Joanna, "Meron pong pinapirmahan sa akin si Atty. Jeng Gacal [Pacquiao's legal counsel].

"Parang nakasulat po doon sa papel na, 'Ako po si Joanna Rose Bacosa, tumanggap ng P500,000 at pumapayag sa P10,000 monthly na support at nangangako na kahit kailan, hindi na magsasampa ng criminal o civil case laban kay Manny Pacquiao.'"

January 2006 naman daw nang makatanggap si Joanna ng phone call mula kay Manny.

Continue reading below ↓

Nagagalit daw sa kanya ang boksingero dahil sa desisyon niya na magdemanda para sa child support.

Sa interbyu kay Joanna ng isang daily broadsheet noong February 2006, ikinuwento niya na hindi naging maganda ang resulta ng pag-uusap nila ni Manny sa telepono dahil umiral ang galit.

Ayon kay Joanna, nagsalita si Manny na ipakikidnap daw ang kanilang anak para walang ebidensiya na nagbunga ang relasyon nila.

Samantala, ipinakita ni Joanna sa News5 ang mga dokumento at ang litrato na kuha sa Cebu City na magpapatunay raw ng relasyon nila noon ni Manny.

Hindi napigilan ni Joanna na mapaluha nang sabihin nito na bukod sa monthly allowance na natatanggap mula kay Manny, gusto niya na kilalanin ng Filipino boxing icon ang kanilang anak.

Ayon kay Joanna, "Gusto ko pong masabi sa anak ko na pagdating po ng panahon, makita rin ng anak ko na ipinaglaban din siya ng mommy niya para po kilalanin ng ama niya na si Manny Pacquiao."

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan ay wala pang reaksiyon ang kampo nina Manny at Jinkee Pacquiao kaugnay ng mga pahayag ni Joanna.

Bukas ang PEP sa anumang sasabihin ng couple.

Read Next
Read More Stories About
Manny Pacquiao, Jinkee Pacquiao
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joanna Rose Bacosa on coming out in public again: "Gusto ko pong masabi sa anak ko na pagdating po ng panahon, makita rin ng anak ko na ipinaglaban din siya ng mommy niya para po kilalanin ng ama niya na si Manny Pacquiao."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results