Naging special guest co-host ng The Buzz noong Lingo, sa mismong araw ng Pasko, si Cristine Reyes.
At sa unang salang niya bilang host ng The Buzz ay live niyang ininterbyu ang boyfriend na si Rayver Cruz.
Narito ang naging pag-uusap ng real-life sweethearts na sina Cristine at Rayver sa The Buzz.
Cristine: Kinakabahan ka?
Rayver: Hindi naman. Kinakabahan ka?
Cristine: Hindi. Ako pa, kinakabahan? Sabi ko nga, baka ikaw ang kabahan. Rayver, itatanong ko sa 'yo...
Rayver: Ayusin mo ha.
Cristine: Tumigil ka! Nag-i-interview ako. Rayver, gaano kasaya ang Pasko mo ngayon?
Rayver: Masaya naman. Parang last year, masaya rin.
Cristine: Yun lang?
Rayver: Oo, siyempre, kasama ko ang family ko. Nandiyan ka pa. Magkasama rin tayo.
GOODBYE 2011! Cristine: Maraming nangyari sa 2011, ano ang pinaka-favorite mo at hindi mo malilimutan ngayong taong ito?
Rayver: Sobrang dami, e. Lahat memorable. Career, 'saka sa personal, lovelife... So, yun, maraming memorable.
Cristine: Sa career mo, ano ang mga hindi mo makakalimutan?
Rayver: A kasi, nakatambal ko si Cristine Reyes.
Cristine: Talaga naman! Talaga naman! Yun lang? Sa ASAP, wala kang ano, kaloka... Ano naman ang pinaka-ayaw mo at gusto mo nang iwan sa 2011?
Rayver: Yun...yung mga pinagdaanan nating isyu. Mga nalagpasan na natin together, so haping-hapi na 'ko.
Cristine: Okay, sa career?
Rayver: Anong gusto kong iwan sa career ko?
Cristine: Hindi! Anong gusto mong marating? Gusto mo nang iwan ang pagka-hiphop mo...
Rayver: Mukha ba akong hiphop ngayon?
Cristine: Kaya nga, e! I'm so proud of you! 'Di ba?
Rayver: I know, right! [sabay tawa] Siyempre, gusto ko rin makagawa ng tatak kagaya mo. Sa box-office mo na movie."
Cristine: Alam ko naman na hindi malayong mangyari yun, kasi talented ka.
Rayver: Ang plastic mo.
COMPLETE THE SENTENCE. Cristine: Labas nga sa ilong, e. Sige, dapat, masagot mo ang lahat ng tanong ko. Gusto ko, honest. Kasi alam ko kapag nagsisinungaling ka.
Cristine: Kinikilig ka sa akin, tuwing...?
Rayver: Tuwing nakikita ko ang dimples mo. Just like now.
Cristine: Ang plastic mo. Naiinis ka sa akin, kapag...?
Rayver: Kung iisa-isahin ko 'yan, aabutin ako ng ending ng The Buzz.
Cristine: Magbigay ka kahit isa lang, para malaman ng tao. Honest nga e...
Rayver: Yung pagka-ano mo....tuliling ba tawag du'n? Tililing, mali pa ko.
Cristine: So, naiinis ka sa akin?
Rayver: Hindi, actually, yun nga ang minahal ko sa 'yo, e.
Cristine: Ang song mo para sa akin ay...?
Rayver: "Mahal na Mahal Kita" by Rayver Cruz. Bili kayo ng album ko, ha.
Cristine: Sample nga.... [At kinanta nga ni Rayver ang isang linya.]
Cristine: Kung may isang dance step na magde-describe sa akin bilang girl friend mo, ito ay...? Sayawin mo, kailangan mong sayawin.
[Sumayaw naman si Rayver ng step na tipong pang-macho dancing or sexy dance.]
Cristine: Ayoko niyan! Bakit 'yan?
Rayver: I-e-explain ko kung bakit.
Cristine: Kadiri!
Rayver: E, kasi naman, sobrang sexy mo, [kaya] sexy dance!
DEREK RAMSAY. Cristine: Okay, 'eto, pinagseselosan mo si...? Kailangan honest!
Rayver: Hindi ko pinagseselosan, ha! Kuya Derek [Ramsay].
Cristine: Talaga? Pinagseselosan mo si Derek?
Rayver: Hindi, may isang part lang sa movie [No Other Woman]. Pero, work 'yun, e... Siyempre, normal lang yun.
Cristine: Anong part yun?
Rayver: Ang dami! Ah, close ko na lang eyes ko. Wala 'yun...
Cristine: Pero, hindi naman seryosong selos?
Rayver: Hindi, kilala mo naman ako.
Cristine: Huli tayong nag-away dahil...?
Rayver: Siyempre, may mga bagay tayong hindi napagkakasunduan.
Cristine: Like?
Rayver: Ugali mo.
Cristine: Ugali ko talaga, 'no?
Rayver: Siyempre, may mga mali ako. May mali ka. Mga simpleng bagay lang naman. Gusto mo talaga akong magsalita?
FORGIVEN. Cristine: Hindi, kakaaway lang kasi namin. Dahil sa inyo, napilitan akong batiin [tawa niya].
Cristine: Dugtungan mo 'to ha... I'm sorry, dahil..?
Rayver: I'm sorry dahil, siyempre, may mga pagkukulang din ako sa 'yo. And, aaminin ko, hindi naman ako perfect.
Pinipilit kong maging [perfect] para sa 'yo dahil sobrang mahal kita.
Pero, may mga panahon na talagang darating tayo sa mga pagsubok, dahil lahat naman na yun ay malalampasan natin dahil nagmamahalan tayo.
Cristine: E, kasi, kakaaway lang namin. Thank you dahil...?
Rayver: Masasabi ko na itong taon na 'to ay napaka-special para sa akin and sobrang happy ako this year. Kumpleto, kumpleto ang taon kong ito.
Cristine: Sa mommy mo, thank you dahil...?
Rayver: Sa mommy ko, thank you dahil kahit anong mangyari palagi siyang naka-suporta sa akin all the way.
Cristine: Sa mga kapatid mo, thank you dahil...?
Rayver: Sa mga kapatid ko kasi, hindi sila nagkulang sa akin bilang kuya ko. Nandiyan sila palagi sa akin para gabayan ako at tumayo bilang parang ama sa akin dahil ako ang bunso at sila ang nagga-guide sa akin.
Cristine: Nami-miss mo ang daddy mo? [Sumakabilang buhay noong nakaraang taon ang ama ni Rayver.]
Rayver: Oo naman. Sobra! Sobra kasi, kapag may mga times na kailangan mong makausap ang tatay mo, na hindi mo puwedeng sabihin sa mommy mo. Nakaka-miss.
Cristine: Hindi ko kasi siya tinatanong tungkol do'n kasi, alam ko, sensitive siya ro'n. Okay, ngayon, para sa 'yo, Love is...?
Rayver: Love is worth fighting for.
Cristine: We both have dreams na gusto nating matupad. Ikaw, para sa sarili mo, ano pa ang gusto mong gawin para sa career mo?
Rayver: More projects na magaganda. Like, magkaroon ng proyekto na tatatak sa mga tao. Drama siguro.
MY SINGER BOYFRIEND. Cristine: Pinangarap mo ba na magkaroon ng concert kasi, alam ko, idol mo si Gary V?
Rayver: Oo, pangarap ko rin yun.
Cristine: So, ipu-pursue mo 'yan sa 2012, ang iyong singing? Ano pa ang pangarap mo, Rayver?
Rayver: Sobrang dami kong pangarap sa buhay, lalo na sa family ko. Yung mga hiling ng nanay ko, unti-unti kong tutuparin.
Cristine: Like, ano ang hiling niya?
Rayver: Gusto raw niya ng car. So, unti-unti.
Cristine: Do you believe na tayo na ang magkakatuluyan?
Rayver: Well, aminin na natin na mahirap mag-expect sa kahit na ano, mahirap magsalita nang patapos.
Pero, kung ako ang tatanungin kung ikaw ang gusto kong makasama sa habambuhay, oo naman!
Bakit hindi? Kasi, nasa 'yo lahat. Maalaga ka. Responsible. Wife material and nakita ko naman kung paano mo 'ko suportahan sa lahat ng ginagawa ko.
Cristine: Talaga? Kahit inaaway kita?
Rayver: E, kasi, sanay na 'ko. Sinanay mo na ko sa mga ganoon mo. Bale-wala na yun sa magagandang bagay na nangyayari sa atin.
POKWANG. Cristine: Anyway, sa pagpasok ng 2012, mero'n ka kaagad movie kasama si Ate Pokwang, A Mother's Story?
Rayver: Siyempre, ako ang anak ni Ate Pokwang dito. Ako ang anak niya na may tampo sa kanya kasi iniwan niya ko. Iniwan niya kaming magkapatid nang matagal, for seven years. OFW siya.
[Sumasabat ng tanong si Cristine habang nagsasalita si Rayver, kaya humirit ang huli ng, "Nagsasalita ako, 'di ba?" Sagot naman ni Cristine, "Sorry naman," at saka ito natawa.]
Cristine: Ito ang launching movie ni Mommy Pokwang. And first movie produced ng The Filipino Channel. Sa iyong palagay, bakit dapat naming panoorin ang A Mother's Story?
Rayver: Marami...maraming dahilan. Unang-una, maraming makaka-relate. 'Tapos ang performance ni Mommy Pokwang dito, sobra, sobrang galing niya rito.
"Hindi ko ine-expect na ganito siya kagaling na aktres kasi nakikita natin siya na nagpapasaya ng mga tao. Pero ngayon naman, pupusta 'ko, papaiyakin niya kayong lahat dito.
Cristine: A, talaga? 'Di ba, minsan ang mga komedyante kapag sila ang nagpaiyak talagang...
Rayver: Ang galing mo! Host ka na!
Cristine: Ano ba? 'Wag mong sirain ang career ko rito ha! Ikaw naman, mapapaiyak mo ba ko rito?
Rayver: Ilang beses na ba kitang pinaiyak?
Cristine: Marami na.
KISS AND MAKE UP. Sa huli, hiniling ng studio audience na mag-kiss sila, na pinagbigyan naman nila.
Cristine: Sige na nga, Pasko naman, bati na tayo!
