Nagkaroon ng thanksgiving mass para sa success ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Enteng ng Ina Mo—na pinagbibidahan nila Ai-Ai de las Alas at Vic Sotto, at directed by Tony Y. Reyes.
Ang thanksgiving mass ay ginanap kahapon, Martes, December 27, sa Recreational Center Clubhouse ng Ayala Hillside, Capitol Hills, Quezon City.
Dito nga'y nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) upang makapanayam ang box office queen na si Ai-Ai de las Alas. (CLICK HERE to view photo gallery)
Ano 'yong feeling na first day, top grosser na agad ang Enteng ng Ina Mo?
"Happing-happy kasi nga...wala, ahm...nakakatuwa kasi, masaya dahil nag-history kami," masayang saad ng comedy actress.
Aniya nga, "Historical na naman yung opening.
"So masaya yung feeling na part ka ng history ng Philippine cinema."
Sabi nila pang-best actress muli ang ginawa niya sa pelikulang ito, ano ang masasabi niya dito?
Agad namang sumang-ayon si Ai-Ai, "Oo naman. In every film naman na ginagawa ko. yung best ko talaga.
"And siyempre. wala namang taong hindi nag-e-expect at hindi gusto ng award."
Dagdag nga ni Ai-Ai, "I think lahat ng artista gusto ng award.
"So blessing kung mapunta sa 'kin.
"Blessing pa rin, kasi kahit wala akong award, blockbuster naman yung movie."
Para kanino niya inalay ang pelikulang Enteng ng Ina Mo?
"Ahm...inaalay ko sa mga mamamayang Pilipino.
"Na bahagi ng puso ko yung ibinibigay ko sa kanila.
"Buong pagkatao ko yung ibinibigay ko sa kanila pag umaarte ako," punung-puno ng kagalakang sinabi ng aktres.
Aniya pa, "And I think nakikita naman nila 'yon, kaya naa-appreciate nila yung film namin."
DESERVES TO BE BLESSED. Noong ginanap ang thanksgiving mass at naghatid ng sermon ang pari, nabanggit nga nito na sadyang likas na mabait ang comedy actress at mapagbigay nga ito.
Madalas itong nagse-share ng kanyang tagumpay at hindi raw nakakalimot magpasalamat sa Poong Maykapal.
Kung kaya't deserved daw nito ang lahat ng blessings na natatamasa niya ngayon sa kanyang buhay.
"Naku, nakakatawa naman 'yan," sabay ngisi ni Ai-Ai.
Paliwanag niya, "Siguro tina-try ko lang maging mabait at tina-try ko din na hindi lang ako makapanakit ng tao, hindi mang-api ng tao, or hindi manggamit ng tao.
"Basta anything tungkol sa kapwa ko, I'm trying, 'di ba?
"Sabi nga nila, 'If you choose to be kind and right... I choose to be kind.'"
BEAUTIFUL CHRISTMAS GIFT. Kinamusta din ng PEP ang naging Pasko ng comedy actress kasama ang kanyang pamilya.
"Okay naman. Kasama ko yung mga bata, buong pamilya," masayang balita ni Ai-Ai.
Tuwang-tuwa din nitong ibinalita, "Yung aming bagong part of the family si Seth Andrei.
"Masaya kami kasi meron na naman kaming bagong baby rin."
EXCITED FOR 2012. Sa sunud-sunod na blessings na natamasa ni Ai-Ai ngayong taon, ano naman kaya ang inaasam niya sa taong 2012?
"Ahm...more movies and more soap and more commercials...
"And ahm...more charity works," nakangiting tugon ni Ai-Ai.
NEW YEAR'S RESOLUTION. Meron bang New Year's resolution ang isang Ai-Ai de las Alas?
"Ayon, hindi na kami maghihiwalay ni Enteng," puno ng kagalakang pahayag ni Ai-Ai tungkol sa karakter ni Vic Sotto sa Enteng ng Ina Mo.
So meron ng Enteng ng Ina Mo 2012?
"Yes, Enteng 2012!
"Watch for it!" sabay ngisi ng comedy actress.