Sa nakaraang MYX Music Awards 2009 na ginanap sa Meralco Theater sa Pasig City, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler.
May kasamang tsinitang babae si Baron na tila date niya para sa gabing yun. Gayunpaman, ibinitin na lang muna namin ang pagtatanong tungkol sa kasama niya at ang tinanong agad namin sa aktor ay kung gagawa pa ba siya ng indie films kunsaan nakilala ang husay niya sa pag-arte via his film Jay.
Matatandaang sa isang interview sa kanya na lumabas sa PEP (click here to see related article), may mga binitawan siyang salita na tila nagpapahiwatig na ayaw na muna niyang gumawa ng indie films at magko-concentrate muna sa paggawa ng mga proyektong mas kikita siya ng pera.
"Hindi po totoo yun," sabi ni Baron. "Ang sabi ko, okey naman sanang gumawa ng indie, pero kailangan ko ring kumita. Kasi minsan sa indie, 'indi' tama ang bayad, which is true. Pero gagawa po ako ng indie for sure, kasi nandun po ang passion ko, e. Actually, meron po akong dalawang lalabas na film, yung Forgotten War at saka yung Padyak. Abangan lang po natin yun. Sa March 4 yung Padyak, si Direk Aloy, si Direk Carlo Cruz, napakagaling na director."
Ani Baron, isang karangalan para sa kanya ang makatrabaho si Carlo Cruz na kinokonsidera niyang isang henyo pagdating sa filmmaking. "Gumradweyt si Direk Carlo Cruz sa Australia, so...I'm very lucky to be...I'm very blessed to be with this genius...yung mga ganitong kagaling na tao, mga henyo."
More on his indie film The Forgotten War, tungkol daw ito sa mga Pilipinong lumaban sa Korean War, ang giyerang naganap nung '50s na naghati sa Korea into the communist North Korea and the democratic South Korea. For an indie film, tila malaking proyekto talaga ito, considering sa Korea pa ito magpi-premiere.
"I heard sa Seoul daw kami magpi-premiere. So, inaabangan ko lang po yun., sana makarating ako ng Korea kasi hindi pa po ako nakakapunta ng Korea.
"It's not just an indie movie na kailangan lang gawin, it's actually for the veterans na mga Filipino na lumaban po sa Korean war, Korean conflict. Ako naman po nandun ako dahil yung tatay ko lumaban din po, e. Sa Korean conflict dun siya nabomba kaya nagkaroon ng back injury. So, parang ginawa ko 'tong movie na 'to hindi lang para sa mga Pilipino kundi para na rin sa tatay ko...Ayun, sobrang happy ako [about the movie]."
At this point tinanong na namin sa kanya kung sino ang babaeng kasama niya.
"The girl that I am with..? We're dating. Her name is Chelsea. Chels..."
Yun lang daw muna ang puwede niyang sabihin tungkol sa kanyang date nang gabing yun.
