PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jodi Sta. Maria joins the cast of Tayong Dalawa

She is cast as the sister of Mylene Dizon and a staunch defender of Kim Chiu and Jiro Manio.
by Kate Borbon
Published Mar 5, 2009
Jodi Sta. Maria is cast as Angela Rodriguez, the sister of Loretta (played by Mylene Dizon). See her act as the defender of Kim Chiu in the ABS-CBN primetime teleserye Tayong Dalawa.


Ilang buwan ding hindi napanood sa primetime television si Jodi Sta. Maria-Lacson kaya naman excited siya sa muling pagbabalik sa pagganap niya sa isang challenging role sa ABS-CBN-CBN primetime drama series na Tayong Dalawa.

"Nung sabihan ako na magiging part ako ng Tayong Dalawa, na-excite talaga ako kasi ilang months din akong hindi nag-work. Tapos ang gagaling ng mga artista na kasama rito sa Tayong Dalawa. Magaling ang direktor. Maganda ang istorya. Maganda ang ratings. Ano pa ba ang hahanapin mo? At saka napapanood ko talaga siya. Actually, hindi pa nga siya napapalabas, nakikita ko pa lang yung teaser at trailer, sabi ko, wow astig to!" bungad ni Jodi nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Bagama't may ilan pa rin siyang guestings sa ibang shows ng ABS-CBN tulad ng Ligaw na Bulaklak at Dragonna at gayundin sa mga talk shows, huling napanood si Jodi sa primetime bilang Carmela sa Palos.

Ngayon sa Tayong Dalawa ay binibigyang buhay niya ang karakter ni Angela Rodriguez, ang kapatid ni Loretta, played by Mylene Dizon. Sa pagkamatay ni Loretta sa panganganak, si Angela ang magiging tagapagtanggol ni Audrey, played by Kim Chiu. Si Angela rin ang ang magpoprotekta kay Audrey at ng mga kapatid nito laban sa kanilang malupit na amang si Stanley (played by Spanky Manikan) at mapang-aping si Lola Lily (portrayed by Anita Linda).

"It's about time na may magtanggol naman kina Audrey, na inaapi-api ni Spanky. Para kasing minamaltrato na niya ang sarili niyang anak e, dugo't laman niya si Audrey. Hindi niya dapat ginaganun."

Hanggang matapos ba ang Tayong Dalawa ay nandun ang character mo? "Sana po."

Paano mo ide-describe si Angela?

"Si Angela yung matapang at palaban na kapatid ni Loretta. Galing siya ng Amerika, kung saan nagtrabaho siya roon pero nag-TNT [tago nang tago]. Umuwi siya ng Pilipinas para makasama ang may sakit niyang nanay, na naunang namatay kay Loretta. Si Loretta kasi yung martir, na tine-take niya lang yung pang-aapi sa kanya ni Stanley, para makatulong nga sa pamilya. Ako as Angela, hindi ako pwedeng basta api-apihin o agrabiyaduhin. I'm sure may back story din si Angela na mari-reveal din sa soap."


TAYONG DALAWA CO-ACTORS.
Sa mga artistang kasama niya rito sa teleserye, kanino siya humahanga talaga?

"Actually, ang madalas ko pa lang nakakasama ay si Tito Spanky. Dahil lagi kaming nandun sa bahay niya, at saka sina Kim at Jiro [Manio, na gumaganap na kapatid ni Kim]. Natutuwa ako kay Tito Spanky kasi napaka-professional niya at saka ang dami niyang input. Kumbaga hindi siya nahihiyang mag-suggest kung ano yung gusto niyang gawin."

May big reveal din si Jodi tungkol sa malaking kaibahan ng ginagampanang karakter ni Spanky kumpara sa totoong buhay.

"Si Tito Spanky, napaka-loving niya. Kasi nga may baby kami sa set. Nakikita ko na nilalaro niya, kinakausap niya. Yung ang nami-miss niya kasi yung mga anak niya malalaki na. Dun pa lang nakita ko na napaka-loving father pala ni Tito Spanky. Ibang-iba siya dun sa character na pino-portray niya na mapang-api talaga, na kulang na lang mapatay niya yung mga bata sa pananakit niya."

Pero sa lahat ng artista sa Tayong Dalawa, kanino ka kinakabahan na maka-eksena?

"Actually, sa kanilang lahat. Kasi nga mga award-winning actors and actresses sila, di ba?"

Pinaalala naman ng PEP kay Jodi na award-winning din naman siya. Patunay na rito ang natamo niyang Best Actress award sa 10th Cinemanila International Film Festival sa kategoryang Digital Lokal. Nanalo siya sa kanyang pagganap bilang loka-lokang babae sa pelikulang Sisa.

"Pero kasi most sa kanila mga veteran na e. Ang dami-dami na nilang napatunayan. So, kumbaga sa level nila, marami pa akong bigas na isasaing at kakainin."

Ano naman ang comment niya sa akting ni Kim Chiu, na madalas niya ring kaeksena?

"Nakakatuwa si Kim kasi very open siya and she listens talaga kung ano yung ipapagawa sa kanya. She comes to the set prepared. She knows her lines. Very professional na bata. Si Kim ay masarap na katrabaho."

Mapapanood sa ABS-CBN ang Tayong Dalawa, weeknights pagkatapos ng I Love Betty La Fea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jodi Sta. Maria is cast as Angela Rodriguez, the sister of Loretta (played by Mylene Dizon). See her act as the defender of Kim Chiu in the ABS-CBN primetime teleserye Tayong Dalawa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results