Sa March 13 episode ng Tayong Dalawa, ikinagulat ng manonood ang sinapit ni David Garcia Jr. (Jake Cuenca)
sa istorya. Hindi inaasahan ang kakaibang insidenteng naganap na bumawi sa
kanyang buhay.
Sa isang military operation na ginawa sa bundok, naiwan si Dave (Jake) samantalang si JR (Gerald Anderson) ay nakasakay sa helicopter na sumagip sa Amerikano na nabawi nila mula sa mga rebelde. Nagkaroon ng explosion at mukhang napasama si Jake sa mga nasawi.
Natagpuan na lang ni JR ang dog tag ni Dave na nabahiran ng dugo at pati na rin ang headgear niya na may litrato ni Audrey na nakatago dito. Dahil sa malungkot na pangyayaring ito, magdadalamhati ang
pamilya na Dave pati na rin ang mga kaibigan nito.
Sa kabilang dako, susubukan
naman ni Ramon (Coco Martin) na patayin si Leo (Baron Geisler). Magiging
matagumpay kaya ang masamang plano nito ni Ramon? May mamamatay na naman ba sa
kwento? Papaano na lang tatanggapin ni Audrey (Kim Chiu) at ni JR (Gerald
Anderson) ang nangyari kay Dave?
Alamin ang mga
kasagutan sa patuloy na gumagandang mga eksena sa Tayong
Dalawa, weeknights pagkatapos ng I Love Betty La Fea sa ABS-CBN.