PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jose Manalo and Wally Bayola will host GMA-7's Wow Hayop

This show will premiere on March 18 as part of the Bilib Ka Ba Nights of the Kapuso Network.
by Kate Borbon
Published Mar 16, 2009
Jose Manalo (left) and Wally Bayola will host GMA-7's Wow Hayop! Featuring Animals Are People Too! It will take over the former timeslot of Masquerade on Bilib Ka Ba Nights.

Marami na ang bumibilib sa comic tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola. Unang nakitaan ng chemistry sa pagpapatawa sina Jose at Wally sa Eat Bulaga at magpahanggang ngayon ay napapanood sila sa longest-running noontime variety show. Nagkaroon rin sila ng show na H3O noon with Gladys Guevarra sa QTV-11. Nakapaglabas na sila ng recording album under Sony BMG Music. Nagbida na rin ang dalawang komedyante sa pelikulang Scaregivers na pinalabas noong November 2008.

Ngayong Marso, patuloy tayong pabibilibin nina Jose at Wally dahil sila ang napili ng GMA-7 na maging hosts ng pinakabagong Bilib Ka Ba Nights show ng Kapuso Network, ang Wow Hayop! Featuring Animals Are People Too!, na mapapanood tuwing Miyerkules, simula sa March 18.

Ayon sa program manager ng Wow Hayop na si Enrilyn Calaycay, iba ang Wow Hayop sa ibang shows na nagpapalabas din ng animal videos. Kung sa ibang shows daw ay tipong bloopers ng animals ang ipinapalabas na katulad sa Bitoy's Funniest Videos, sa Wow Hayop daw ay kakaibang side ng mga hayop ang ipapakita. Tampok sa Wow Hayop ang mga animal videos na nagpapakita ng talino, galing, tapang, damdamin at nakabibilib na mga talento ng mga hayop na katulad din sa mga tao. Galing ang mga videos na ito sa series na Animals Are People Too.

Tampok din sa Wow Hayop ang iba't ibang pets o alagang hayop ng mga celebrities. Kung paano sila inaalagaan, pinapakain, pinapaliguan at itinuturing na miyembro ng pamilya ng kanilang among sikat.


BIG BREAK. Malaking break nga ang Wow Hayop para sa tandem nina Jose at Wally, dahil ito ang first show nila na silang dalawa lang ang mapapanood ng mga tao. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Jose at Wally sa presscon ng Wow Hayop last March 11 sa 17th Floor ng GMA Network. Ang unang tanong ng PEP sa kanila ay kung ano ba ang challenge na hatid sa kanila ng show na ito?

"Bukod po sa bagong project ito ay ibang show po ito compared sa mga gag show. Kasi tampok po dito sa show yung mga animal videos kung saan ipinapakita yung mga hayop na may kakaibang talents. Hindi naman po ganun kahirap gawin yung show. Ang pinaka-challenge lang po sa amin dito ay yung tanong na kung mapapantayan o mahihigitan ba namain yung ratings ng papalitan naming show, yung Masquerade," sabi ni Wally.

Ayon naman kay Jose, "Challenge po para sa amin itong Wow Hayop, kasi dalawa lang kami ni Wally. Sa Bulaga kasi marami kami. Sa H3O, tatlo kami, kasama si Gladys. Tapos hindi ito yung ordinaryong show na ginagawa namin sa Zirkoh at Clownz. Siyempre kailangang mapaganda namin, maayos pati yung delivery ng lines namin. Yung ratings naman hindi ko masyadong iniisip yung ganun. Pag inisip mo kasi yun, baka mas lalong pumangit yung kalalabasan, baka mapuwersa. So, kung ano lang yung dapat kami, yung characters na gagampanan namin sa show, yung lang dapat. Hindi kami dapat magpa-pressure."



NO COMPETITION. Hindi kaya ika-insecure nina Ariel at Maverick, hosts ng papalitan nilang show na Masquerade, ang pagdating ng tandem nila?

"Hindi naman, magkakaibigan naman kami. Wala naman pong competition. Nagkita nga kami ni Ariel noon e. Siya pa nga ang nagsabi sa akin na kami nga raw yung kapalit. Actually, hindi naman talaga kapalit kasi natapos na yung show nila, kami lang yung magtutuloy sa timeslot na iyon," paliwanag ni Jose.



SHOWCASE OF TALENTS. May iba pa ba kayong talents na ipakikita dito sa Wow Hayop, bukod doon sa mga napapanood sa inyo ng mga tao, lalo na sa Eat Bulaga?

"Yun nga yung pagpapalit namin ng mga characters. Kasi sa bawat video na ipalalabas namin, sa bawat intro nun, iba't iba yung magiging characters namin," ani Jose.

Dito ba sa Wow Hayop ay magkakaroon kayo ng chance na makahawak mismo ng mga buhay na hayop?

"Meron, dadating yun. Pero nung pictorial namin, may mga hayop na," sabi ni Jose.

Singit ni Wally, "May parrot, may cat, may rabbit. Tapos yung malaking dog, St. Bernard ba yun? Ang laki ng ulo, mas malaki pa sa ulo namin. Parang any moment kakainin kami."

Mag-i-imitate ba kayo ng animals sa show?

"Malamang, baka," sabi ni Wally. "Baka mag-mascot kami, ganun. Kasi ang gusto nga ng GMA, malayo dun sa usual character na nakikita ng mga tao sa Eat Bulaga, sa H3O. Kailangan lumayo."


PILOT EPISODE. Nag-e-enjoy ba kayo sa taping?

"So far, yung kunan naming pilot episode, masaya e. Sabi ko nga huwag sanang tanggalin yung taw ng crowd, ng mga staff dun sa studio, e. Tawanan kami nang tawanan dun. Masaya talaga," pagse-share ni Jose.

Ano ang ma-e-expect ng mga tao sa pilot episode?

"Unang-una, mapapamahal sila dun sa hayop. Baka magkainteres sila na mag-alaga ng hayop," sambit ni Jose.

Dagdag pa ni Wally, "At protektahan at pangalagaan yung mga hayop. Sa first episode mapapanood nila yung penguin na namamalengke, yung nagpe-painting na elephant, yung swan na nagkagusto sa swan boat at iba pa."

Animal lover talaga si Wally. Sa katunayan ay may alaga siyang 11 na shih tzu dogs.

"Masarap kasing mag-alaga ng hayop. Ako kasi yung mga inaalagaan ko mga play dogs, parang toy pets ganun. Panglandian lang," natatawang sabi pa ni Wally.

Mapapanood ang Wow Hayop! Featuring Animals Are People Too! tuwing Miyerkules sa Bilib Ka Ba Nights block ng GMA-7 after ng GMA Telebabad. Magsisimula ito sa March 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jose Manalo (left) and Wally Bayola will host GMA-7's Wow Hayop! Featuring Animals Are People Too! It will take over the former timeslot of Masquerade on Bilib Ka Ba Nights.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results