Noong Lunes, February 4, naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para saksihan at panoorin ang taping ng Valentine's episode na ipapalabas sa darating na Sunday, February 10.
Panauhin ang dalawang pares ng mag-asawa—isang ayaw nang makipagbalikan at isang tinanggap pa rin ang mister na umalis ng tatlong taon dahil sa isang babae.
Sa huling part ng show ay si Manny naman ang nagkuwento ng kanyang mga nagawang pagkakamali—pambababae at sugal—at kung paano niya ito nagawang talikuran.














