Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

(UPDATED) Award-winning director Marilou Diaz-Abaya passes away

by Erwin Santiago
Oct 8, 2012
Pumanaw na ang award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya ngayong gabi, October 8, sa St. Luke's Hospital, Global City, Taguig City. Siya ay 57 years old.

Pumanaw na ang award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya pagkatapos ng ilang taong pakikipaglaban sa breast cancer.

Binawian ng buhay si Direk Marilou kaninang 6:45 ng gabi, Oktubre 8, sa St. Luke's Hospital, Global City, Taguig City.

Siya ay 57 years old.

Nakagawa ng 21 feature-length movies si Direk Marilou sa loob ng mahigit tatlong dekada.

Ilan sa mga ito ay ang critically-acclaimed films na Brutal (1980), Moral (1982), Karnal (1983), Baby Tsina (1984), Kung Ako'y Iiwan Mo (1992), Ipaglaban Mo The Movie (1995), Milagros (1997), Sa Pusod ng Dagat (1997), Jose Rizal (1998), Muro Ami (1999), at Bagong Buwan (2001).

Ang huling pelikulang ginawa niya ay ang Ikaw Ang Pag-ibig (2011).

Naulila ni Direk Marilou ang asawa niyang si Manolo Abaya at dalawang anak na lalaki na sina Marc at David.

Nakaburol ang mga labi ni Direk Marilou sa Ateneo chapel, Gonzaga bldg., Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Katipunan Ave., Quezon City.

Continue reading below ↓

Gaganapin ang libing sa Sabado, October 13, sa Loyola Memorial Park, Parañaque.

Read Next
Read More Stories About
Marilou Diaz Abaya, death
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw na ang award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya ngayong gabi, October 8, sa St. Luke's Hospital, Global City, Taguig City. Siya ay 57 years old.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results