Nakakaaliw ang digital "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kapahon, April 5, dahil sa tila "kumpetisyon" between SC host John "Sweet" Lapus and the show's guest co-host na si Binibining Gandanghari. Buong-tapang na sumalang sa lie-detector test si BB, na dating kilala bilang Rustom Padilla.
In fact, unang tanong pa lang ni Sweet kay BB ay kung iniiwasan ba siya dahil panay raw ang imbita nila na mag-guest si BB sa "Don't Lie" segment pero palagi raw itong tumatanggi noong nakaraan.
Sagot naman ni BB, "I'm just busy, bakit naman kita iiwasan? If there's one person na gusto kong makita rito, ikaw yun, ‘no!"
Natatawang sagot naman ni Sweet, "Gusto ko lang malaman mo, the feeling is not mutual!"
But then, sinagot ito ni BB nang, "Pero alam ko, love mo ko..."
Sagot ni Sweet, "E, kasi naman, nakakaloka ka! Noong lumabas ka, wala na 'ko! Tingnan mo ang mga outfits mo, Zorro-inspired. Ako, pang-Indio ang suot ko. Nakakaloka ka!"
In fact, sa buong duration ng episode na 'yon ng Showbiz Central, naka-3 changes of outfit si BB.
During the easy level ng "Don't Lie to Me" segment, tinanong si BB (kahit na baka bored na bored na siya sa issue na ito) kung totoo ba na sumali si Rustom Padilla sa isang gay beauty pageant noon sa Baguio?
"No," ang sagot ni BB at ang result naman ng lie detector test: "Truth".
Kaya tanong ni Sweet kay BB, saan daw ba nagsimula ang tsismis na ito?
"Definitely, it's imbento. I think, lumabas 'yang issue na ‘yan, 1992. Wala...it's not true."
Pero ikaw ba, gusto mong sumali ng isang gay beauty contest or beauty contest for that matter?
"Kailangan pa ba?" nakangiting balik-tanong nito.
For the moderate level, B na B as in blooming na blooming naman daw ang tanong na ito para kay BB. Pero ngayon, nagtataka raw si Sweet kung bakit lalo itong gumaganda. Totoo raw ba na meron dine-date si BB ngayon na isang guwapong Briton at non-celebrity?
"No," again ang sagot ni BB. Result: "Lie".
"Hindi ako nag-lie, ‘no!"
Ani Sweet, "Aba, matagal na ‘yang bulung-bulungan ‘no! Baka naman mali lang ang nationality na nakarating sa amin?"
Paliwanag naman ni BB, "No, let me say this...well, hindi pa siya date. I'm going out, hindi ko naman dine-deny yun. I'm going out. I'm meeting people. Yes, I'm seeing a British guy, but, nothing serious."
Hirit naman ni Sweet sa British guy, if BB is not interested, nandoon lang siya, na sinagot agad ni BB nang, "Uy, wala kong sinasabing I'm not interested!"
Natatawang sabi ni Sweet, "O, ‘di ba, ang galing kong manghuli? Huli ka!"
Nag-react agad si BB at sinabi kay Sweet, "Ikaw ha, you're putting words into my mouth!"
"Aba, sinasabi ko lang, ikaw ang nag-react ng ganyan!" sagot naman ng TV host-comedian.
Another moderate question ang ibinato ni Sweet, na BB pa rin daw, as in, best body. Since alam sa industriya na kaibigan niya si Pops Fernandez, sa kanyang palagay, nagpa-enhance raw ba ito ng labi contrary sa sinasabi nitong lip liner lang ang inilalagay niya sa lips?
Ayon kay BB, it's "No," and the result, another "Lie".
"Wait, aapela lang ako. I said 'No', only because, I don't ask...I always give the benefit of the doubt. If the person doesn't tell me anything, I wouldn't assume, di ba?"
Nabanggit na rin lang ang mga kaibigan mo at yung phone call kay Nadia Montenegro na nandoon daw pala si BB. So, hiwalay na raw ba talaga sina Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto?
"Hindi ko alam...hindi ko alam."
"Ang dami mong hindi itinatanong sa mga kaibigan mo," hirit ni Sweet.
"Alam mo kasi, kapag magkakasama naman kayo, ang dami n'yong pinag-uusapan na hiwalay sa mga bagay na may karugtong sa buhay mo. Yung mga tungkol sa inyo lang ang pinag-uusapan n'yo."
Sila ba, nagtatanong sa ‘yo?
"Hindi. Ang relasyon naming magkakaibigan, kung ano ang gusto mong i-share, i-share mo. Yun ang klase ng...kasi, mahirap magtanong especially sa mga bagay-bagay na mahirap magtanong, marami kayong nababasa, naririnig, kapag pareho-pareho kayong mga artista, you just take it what it is. Kapag nandiyan siya, kung ano ang gusto niyang sabihin, pakinggan mo lang. Hayaan mo lang siyang mag-unload nang mag-unload."
NATURAL ENHANCEMENT. During the difficult round, BB pa rin as in, Body Beautiful, size 3 raw sa pambabae ang sukat ng damit ni BB. Kaya ang tanong ni Sweet, may pina-enhance na raw ba ito sa kanyang katawan or mukha?
BB answered, "Yes" and the lie detector agreed.
"Well, I enhanced everything...I mean, natural. I don't go dun sa mga cosmetics surgery."
So, paano yung natural enhancement?
"Well, like for example, dito sa posture ko, I think, I'm enhanced kasi noon, ang posture ko, pang-lalaki.. And since nag-aral ako ng pilates and I'm doing yoga, I'm doing ballet, I think, na-e-enhace ang posture ko. Exercise, so nae-enhance yung beywang, yung hips.
"Yung retoke, definitely wala. Yung sa mukha, I always massage myself. Galaw-galaw baka pumanaw. No-no sa akin ang walang galaw-galaw, Hahaha!"
FAMILY MATTERS. For the Now or Never question, BB pa rin daw as in bonggang-bongga. Sa iyong palagay, 100 percent ba ang pagtanggap ng pamilya Padilla kay BB Gandanghari?
"No," ang sagot ni BB at ang resulta naman ay "Truth".
May particular person ba sa kanyang pamilya or buong Padilla in general?
"No, I think, kay Robin din naman nanggaling na meron pang shock factor. So, hindi naman dahil sa hindi nila ko sinusuportahan or hindi nila naiintindihan. Meron lang shock factor, so, that means na parang hindi pa nila matanggap 100 percent but I'm sure, they are getting there.
"I'm sure kung ang tanong sa akin kung ang pagmamahal ay hindi nabawasan, I could say yes kasi alam ko na hindi naman nabawasan yung pagmamahal."
Meron ka bang ginagawang effort para unti-unti, matanggap nila ang katauhan ni BB?
"Nag-uusap-usap naman kami. Ang reality, we haven't really seen each other since I came back from the U.S. Si Mama ko, nag-uusap naman kami the whole time and we're okay. Actually, binibiro ko nga siya noong minsang nag-uusap kami na, 'Ma, nagbi-break out ako, magkakaroon na yata ako.' Hahaha!"
"Sabi naman niya sa akin, 'Oo, anak, ganyan talaga!' Hahaha!"
But do you plan to invite your family para ipagluluto sila or wala ka lang time sa ngayon?
"Oh, definitely! It's not sa walang time. I'm sure, we'll have time kung gugustuhin namin. I think, sa lahat sa ngayon is parang, chill lang muna. Let's do our thing. One day, magkakausap tayo, magkakaintindihan tayo."
For the last question, ano raw ang plano na ngayon ni BB? Does she want to be an artist, host, ramp model, or director?
"Kasi if you're gonna ask me kung sino ba si BB, I think, is an artist. So, I wanna act, I wanna do some hosting jobs, lahat ng mga bagay na may kinalaman sa performing, I wanna do. So, yun ang mga pinagpe-prepare-an namin. That's why I'm here and I'm here to stay."
Tatlong truth at dalawa lang ang lies sa pag-upo ni BB sa "Don't Lie To Me." Pero hindi doon nagtapos ang segment dahil nagpaligsahan pa sa pagrampa sina Sweet at BB.
But before their modeling showdown, hinamon ni Sweet si BB ng rematch next week kung pupuwede pa raw si BB, dahil aminado raw siyang milya-milya ang lamang na puntos ni BB sa kanya sa dahilang hindi siya handa.
Ayon naman kay BB, "If you're inviting me, I'll be here for you, Sweet."
