Masasabing naging matamlay ang showbiz career ni Gladys Guevarra nang magsimula siyang mawala sa noontime show na Eat Bulaga. Sumunod pa rito ay ang naging desisyon niyang manatili muna noon sa Amerika kasama ang kanyang boyfriend ngunit eventually, hindi rin sila ang nagkatuluyan.
Pumasok din siya panandalian sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN pero, still, hindi pa rin nito naibalik ang dating init ng career ni Gladys. She left her manager, Jun Nardo, at mas madalas na sa mga comedy bar siya napapanood.
Pero last Sunday, April 5, sa "Intriga Crossfire" ng Showbiz Central, naging honest si Gladys sa mga pagbabagong gusto niyang maganap muli sa kanyang buhay at showbiz career. Kasabay nito ang wish niyang makasama muli sa noontime show at bumalik sa manager na dating nag-aalaga sa kanya.
Raymond Gutierrez threw the first question to Gladys kung may time raw ba na nag-regret siya by leaving Eat Bulaga?
"Noong tumino na ko. Itong huli na medyo tumino na ko at umayos ang pag-iisip ko. Sabi ko, sobrang laki ng pagsisisi. Kasi, napapanood ko sila at nasasabi ko sa sarili ko, parang gusto kong bumalik sa Bulaga! Namimiss ko, namimiss kong talaga! Namimiss ko ang happenings namin doon, everyday. Para ngang bahay yun, bahay namin."
Sino yung pinaka-namimiss niya?
"Si Cindy [Kurleto] nakita ko siya, bumalik na rin. Sila Joey [de Leon], kapag Bulagaan, kung papaano si Chuchay kausapin ni Tito Joey, Tito Sen, sina Bossing, Jose, Ruby, lahat sila..."
Given the chance now at kung may offer ang Eat Bulaga, tatanggapin ba niya?
"Why not?! Tita Malou [Choa-Fagar] go!"
Follow-up question ni Mo, ano raw ba talaga ang namimiss niya, yung Eat Bulaga group or namimiss niya yung pagiging sikat?
"Actually, honestly Mo, hindi ko nga naramdaman sa sarili ko yung sikat. Hindi nga ako sumikat kasi, noong nasa Eat Bulaga ako, ini-enjoy ko lang talaga kasi, ang happy-happy everyday. Yung mga tao, parang naiinggit dahil parang naglalaro lang kami sa Bulagaan...yung kasikatan, hindi pa nga ako sikat, e. Ngayon pa lang, Hahaha!"
Pero hirit ni Mo sa sagot ni Gladys, "you're lying..."
Another question ni Mo kay Gladys: totoo bang ayaw na siyang i-manage ni Jun Nardo dahil medyo pasaway siya?
"Hmmm...before...aminado ko dun. Talagang may attitude problem ako. Kasi, kung meron man isang tao na kilala ang kalokahan ko, si Jun Nardo yun. Pero, hindi totoong ayaw na niya kong i-manage."
Lumaki ba ang ulo mo dahil sumikat ka?
"Well, honestly, kaya ako alis ng alis ng bansa, I was diagnosed of depression and anxiety. Ganoon pala yun...ang daming pumapasok sa ulo mo...sa utak mo...nakakaloka talaga! Tapos, na-train ako noong tumira ako sa Amerika. Normal. Hindi ako nagme-make-up. Nagti-train ako pumapasok sa school. Kasi, nag-culinary [classes] ako, e. Parang ang hirap pala ng buhay. Parang noong nasa Pilipinas ako, ang sarap-sarap ng buhay ko, pero hindi ko na-appreciate. Parang naging palasak ako. Pinabayaan ko. Parang kung ano lang ang nandiyan, hindi ko siya masyadong tine-treasure. Hindi ko binibilang ang blessing ko. Hanggang sa noong mawala, doon ko lang na-realize."
Upon realizing this, did she consult a psychiatrist and take medication also?
"I did...I did."
Tanong naman ni Raymond, kayo ng manager mo, okay ba kayo ni Jun?
"Oo, okay kami ni Jun Nardo."
When it was BB Gandanghari's turn to ask, sinabi niya na naaiintindihan daw niya si Gladys. Pero yung depression and confusion, yun ba ang dahilan kung bakit pagdating sa love life, ganoon din, two-timer siya?
"Two-timer? Saan galing yun?
Or meron bang time na nagkaroon ka ng dalawang love?
"Hindi totoo ‘yan," giit ni Gladys. "Actually, noong umalis ako...o sige, papangalanan ko na, akala ko, si Phillip na yung makakasama ko. He's my American-Filipino boyfriend. Pero after noon, na-realize ko, siyempre, si Phillip, Filipino siya pero born and raised siya sa New Jersey so, parang Amerikano pa rin ang kultura niya. Doon ako nahirapan."
Hindi raw siya nakapag-adjust, so BB asked, ano ba ang hinahanap niya sa isang lalaki?
"Hindi particularly kay Phillip, siguro, yung hinahanap ko yung buhay ko rito. Ang hirap dun."
So, sa kabila ng pag-e-enjoy mo dun, namiss mo ang pagiging ikaw?
"Yes, namiss ko ang mag-perform. Namiss ko ang pagkanta."
John Lapus asked, napabalita na noon na magma-migrate na siya at magpapakasal na sila ni Phillip. So, once and for all, ano talaga ang rason ng break-up nila?
"Umalis ako. Hindi ko siya kinaya."
Hindi ka na nagpaalam, basta umalis ka na lang?
"Totoo...kasi, tinaguan ko talaga siya. Sorry ha, Phillip...pero okay na kami. Nakapag-usap na kami. ‘Di ba, umuwi ako ng Pilipinas at pumasok ako sa ibang show. Then, pagbalik ko ng Amerika, sobrang dami na niyang binibintang sa akin. Na kesyo nagkaroon ako ng relasyon dun sa isang kasama ko sa show, madumi na."
Si Phillip din ba yung nababalita ngayon na pakakasalan na raw ang isang sexy star?
"I don't know...wala akong alam."
NEW MAN IN HER LIFE. Ang last question naman ni Sweet, ito raw huling alis ni Gladys, ang sinabi niya nagpunta siya sa Amerika, pero ang totoo, nag-series of concert siya sa Middle East kasama niya ang banda niya. Totoo ba ito?
"Sa Middle East ...pero, dapat kasi pupuntahan ko si Phillip, tapos na yun. Yung Daniel, sa L.A. Magkasunod lang! Hahaha! Pero hindi sabay. E, sa Amerika naman, magagawa mo lahat ng gusto mo, walang mga mata. Yung Daniel, ipinakilala ‘to ng family ko sa akin, si Daniel Smith."
American ba ‘to?
"Oo...ang unang usapan namin, magpupunta ako sa L.A. at magpapakasal kami sana ...ito yung time na sobrang luka-luka talaga ko. Parang na-frustrate nga ako na akala ko si Phillip na, basta yung susunod na magiging boyfriend ko, pakakasalan ko na talaga. Ganoon ako kaluka-luka noon!
"Dapat pupunta talaga ko ng L.A. kaso, na-late yung padala niya ng ticket. Hello, siyempre, siya ang bibili ng ticket! Ang haba ng hair ko noong time na yun. So, sabi ko, i-move muna natin, gagawin ko muna ang show sa Middle East. Actually, nagkaroon ng pagtatago kasi, gusto ko ng gawin yung pagpapakasal kay Daniel, pero ayoko lang sabihin kahit kanino talaga."
‘Yung Daniel, papakasal pa ba kayo?
"Nandiyan pa rin siya sa Amerika. Actually, nakikiusap nga na bumalik na ko."
Raymond then asked, kung papamiliin ka ngayon ng bibigyan mo ng priority, love life or career?
"Career!"
Sa huli, may paumanhin na binigkas si Gladys. Aniya, "Gusto ko lang din sabihin sa ibang tao na...ewan ko kung nabigyan ko ng hindi maganda dati or napakitaan ko ng pangit before sa ibang Gladys po ako ngayon. Gusto kong bumalik sa trabaho with a vengeance. The more, the more professional me. ‘Yan ang gusto kong i-share."
