PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daisy Siete Season 22: Kambalilong will premiere on April 20

This afternoon show will air its pilot episode on GMA-7 right after "Eat Bulaga."
Published Apr 16, 2009
Jopay Paguia (left) and Sunshine Garcia (right) play twins with swollen noses in the upcoming afternoon show Daisy Siete 22: Kambalilong. It will air its pilot episode on GMA-7 this Monday, April 20.

Ngayong Friday, April 17, final episode na ng Daisy Siete Season 21: Tarzariray, Amasonang Kikay na napapanood daily sa GMA-7 pagkatapos ng Eat Bulaga.

Simula naman sa Monday, April 20, mapapanood na ang season 22 ng Daisy Siete, ang Kambalilong. This time, itatampok sa title role ang mga Sexbombs na sina Jopay Paguia at Sunshine Garcia. Ang buong pilot week ng Daisy Siete Season 22: Kambalilong ay kinunan ni Direk Ruel Ikamen sa Vigan, Ilocos Sur.

Last Monday, April 13, ginanap ang press conference ng Kambalilong at present ang lahat ng bumubuo ng cast sa Mugen Bar sa Metrowalk in Pasig City. Bago nagsimula ang presscon, nagkaroon muna ng isang thanksgiving Mass concelebrated by Fathers Joey and Jerome.

Inusisa ng press kung kasali pa rin ba si Rochelle Pangilinan na tumatayong leader ng Sexbomb Dancers?

"Nariyan pa rin si Rochelle Pangilinan, in a very special role," sagot ni Joy Cancio, ang manager ng Sexbombs at producer ng Focus E na nagpu-produce ng Daisy Siete. "Abangan na lamang ninyo kung ano ang role na gagampanan ni Rochelle."

Bago nagsimula ang presscon proper, ikinuwento muna ng scriptwriter na si Joy Gonzales ang synopsis ng story ng Kambalilong na conceptualized by head writer Suzette Doctolero.

Isinilang na kambal na may malaking ilong sina Jopay at Sunshine. Subalit pero hindi magkamukha ang dalawa. Anak sila ni Weng pero inilihim niya kung sino ang ama nito, si Along (Arnell Ignacio).

Si Jopay ay isang writer ng pang-radyong drama at pocketbook novelist. Pupunta siya ng Maynila para hanapin ang lumayas na kapatid, si Sunshine. Pero ang nahanap niya ay ang pagkakataon na makapagsulat para sa pelikula. Nakilala niya ang bagong artista na si Raine, ngunit ang hindi niya alam na ito ay nawawalang kapatid. Hindi niya nakilala si Sunshine dahil gumanda ito nang inoperahan sa ilong.

Si Sunshine ay ikinahihiya ang kanilang kahirapan at ang kanyang kapangitan kaya ang pangarap niya ay yumaman. Mababarkada siya sa mga mayayamang sina Louise Bolton, Jacky Rivas at Johlan Veluz pero ginagamit lamang siya ng mga ito. Sa Manila, makikilala niya si Dr. Danielle at binago nito ang kanyang kaanyuan, at ginawa siyang si Raine, isang bagong tuklas na artista.

Pansamantalang kinalimutan ni Jopay ang paghahanap kay Sunshine at bumalik siya sa kanilang bayan sa Vigan, Ilocos Sur. Hindi sinasadya, matutuklasan ni Jopay ang lihim ng ina na ginagampanan ni Weng Ibarra. Na-in love pala ito sa isang bading, si Along (Arnell) na nandiri sa nangyari sa kanila at iniwan si Weng na hindi alam na buntis ito. Iyon ang naging inspirasyon ni Jopay para sa isinusulat na script at nanakawin pa niya ang diary ng ina. Nang malaman ni Weng na hindi pa nahahanap ni Jopay si Sunshine, nagkasamaan sila ng loob ng anak kaya babalik na rin si Jopay sa Manila para hanapin ang kapatid. Hindi niya alam, sumunod pala sa kanya si Weng pero mawawala ito sa Manila.

Makikilala ni Jopay si Tariq Jambogana, isang bagitong direktor. Noong una ay hindi sila magkakasundo pero may mamumuong magandang pagtitinginan sa kanila. Darating si Louise na nag-aral pa ng journalism abroad at gusto niyang maging scriptwriter para mapalapit kay Tariq. Isang aksidente ang mangyayari at mapupunta sa kanya ang unang bahagi ng sinusulat na script ni Jopay at nanakawin niya ang concept nito. Magiging sikat namang artista si Sunshine at makakatrabaho niya si Jopay pero hindi niya ipagtatapat kung sino siya talaga.

Marami pang iikot sa story ng mga Sexbombs sa Kambalilong at makakasama rin nila sina Jao Mapa as Robert, JC Cuadrado, ang actor na si James Dan/Gabriel at alaga siya ng pinakamakapangyarihan sa showbiz, si Madame L (Gladys Reyes) na may ipinakatatagong lihim. Sino ba siya talaga?

Best friend naman ni Jopay si Miko (Mico Aytona) at sa kanilang bahay nakatira ang kaibigan. Ang iba pang Sexbombs na kasali sa cast ay sina Danielle Ramirez, Izzy Tirazona, Evette Pabalan, Cynthia Yapchingco, Monic Icban, Mia Pangyarihan, Aifah Medina, Mhyca Bautista, Danica Gulapa, Sheena Flores at Jhoanna Orbeta.


Mapapanood ang Daisy Siete Season 22: Kambalilong mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7 pagkatapos ng Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jopay Paguia (left) and Sunshine Garcia (right) play twins with swollen noses in the upcoming afternoon show Daisy Siete 22: Kambalilong. It will air its pilot episode on GMA-7 this Monday, April 20.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results