Nasorpresa ang karamihan nang dumalo si Governor ER Ejercito sa UNA (United Nationalist AlIiance) Grand proclamation Rally last Monday, April 1, sa San Pablo, Laguna, at sumayaw ng "Gangnam Style" ng halos tatlong minuto kasama ang Freestylers, na grupo ng dancers mula sa Pilipinas Got Talent.
Nagkataon din na noong araw na yun ay kaarawan ng kanyang maybahay, si Pagsanjan Mayor Maita Sanchez, na kinantahan ng birthday song ng mga taga-Laguna.
Matapos nito, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Ejercito ng kanyang wish para sa asawa.
Ang unang wish niya, “Well, after living together, loving each other for 25 long years, silver anniversary na namin, I’m still hoping for the best, na umabot kami ng 50 years or lagpas pa. Dahil ano e, we’ve been together through thick and thin for 25 years.”
Pangalawa, binanggit niya ang pinakaaasam-asam daw niya ngayon na muli silang magkaanak.
“So marami kaming pinagdaanan, yung success namin ngayon nangyari because we try to understand the character, attitude of each other.
“We have four children, 3 boys and 1 girl, and we're planning to add 1 more baby. Sana nga kambal na e, para isang ire na lang para maging anim na.
"Kasi, we lost two babies na, e. We lost Maria Angelica Victoria in 2004, and we lost another baby in 2010.”
Dagdag pa ni Gov. ER, “We lost two babies already, so we hope that with my age— me, I’m 49, Maita is 43— I hope sa age namin ay makabuo pa kami ng kambal.
Pangatlo, sana hindi magbago ang kanyang asawa, "I wish that she will always be forever beautiful, dahil maganda naman talaga asawa ko, mabait, malambing, and maging understanding.
"I hope she will be stronger pa and [become] a better partner pa sa mga darating na taon.”
HEALTH IS WEALTH. Sa ngayon, abala silang dalawa sa pamumuo sa kanilang bayan sa Laguna.
Dahil dito, medyo napapabayaan na nila ang kanilang kalusugan kaya, ang isa pang wish ni ER para sa asawa at para na rin sa kanya, ay good health.
“Twenty-five years is no joke. So wish ko na nawa’y makaabot kami ng 50 years anniversary or hanggang 75 years kasi mahal na mahal ko si Maita.
"I hope tumagal pa ang buhay naming dalawa dahil maraming umaasa sa amin.
“Ako, bilang governor ng Laguna, siya, bilang mayor ng Pagsanjan. Maraming umaasa sa amin.
"So, I hope na yung health namin, hindi mag-give up kasi very strenuous... There’s a lot of pressure and stress sa trabaho namin."
"Kaya siguro nawalan kami ng dalawang baby noong 2004 and 2010, dahil sa stress."
Aminado siyang prone sa stress si Maita dahil maraming pinagkakaabalahan ito.
"I hope na maka-adopt na rin siya sa pagiging Mayor and masanay na siya sa stress at pressure at magiging relaxed siya sa kanyang position.
"Kasi hindi lang siya mayor ng Pagsanjan kundi First Lady rin siya ng Laguna at saka president siya ng Mayors' League ng Laguna.
So, there’s a lot of pressure and stress talaga.
“So wish ko na yung health naming dalawa, maging maayos pa sa mga darating na panahon para magkaroon pa kami ng anak."
Pagdidiin pa ng aktor, "Yung love andiyan na, yung health lang ang concern ko.
"Napakarami na naming naramdaman ngayon nagmula noong naging mayor ako at governor... so yun lang ang concern naming dalawa dahil sa lifestyle ng pagiging public servants.”
