All-out support ang former Ilocos Sur Representative na si Ronald Singson sa paggawa ng pelikulang Coming Soon ng Fearless Productions at Brownsugar Entertainment.
Distributed ito ng Viva Films at ipapalabas na sa April 17. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Andi Eigenmann, Boy 2 Quizon, Dominic Roco, Carla Humphries at Glaiza de Castro.
Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula sa Citybest Seafood Restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City kahapon, April 5, inamin ng congressional re-electionist na malaki ang inambag niya para matapos lang ang prinodyus nilang magbabakarda,
BARKADA STORY. Simula niyang kuwento, “All of us were investing our money kasi naniniwala kami sa project. Kaya nung nagkulang yung budget, nag-adjust din kami.
“Like ako, I shelled out another five million pesos as part of my investment. Hopefully, maka-break even lang kami, masaya na rin ako.
“Ang story kasi is about barkadahan and was produced ng magbabakarda na nagsimula lang sa small talks kaya sinuportahan ko na rin.
“This is an indie film na risky ang returns pero since gawa nga ng magkakaibigan kaya napakagaan sa akin.”
Dugtong pa niya, “All of them were very cooperative. Never na naging sakit ng ulo.
“There were times na hirap kami sa schedules pero we went on smoothly naman towards the final days of our shooting. Kaya happy kami lahat.”
Sobrang nakakaaliw nga raw ang movie na pati siya natatawa din habang inuupuan nila ang fnished product at ini-edit ito.
Ani Ronald, “Yeah, sobrang tawa ko talaga.
“Lalo na nga noong nag-e-edit kami. Sa sobrang daming scenes na nakakatawa, hindi na namin alam kung ipapasok namin lahat kasi baka maging magulo na ang istorya.
“So, ini-edit out talaga namin. We had fun, really.”
Ibig ba nitong sabihin ay iiwanan na niya ang pagiging isang foreign concert producer?
Ang concert production outfit niya ang nagdala sa ating bansa ng international artists tulad ni Usher at iba.
“No, not really. Isinantabi ko muna siya,” pagtanggi ng anak ni Governor Chavit Singson. “Sabi ko, try ko munang mag-help sa local film industry natin.
“Alam naman natin ang kalagayan ng ating film industry kaya kung anuman ang magagawa, then, I’m willing to do my part.
“Mahal natin ang industriya na ito kaya tulung-tulong na lang tayo para manatili siyang buhay.”
POLITICAL PLANS. Paano ang politics?
Matatandaang pormal na nag-resign si Ronald bilang miyembro ng House of Representatives noong March 1, 2011 matapos siyang ma-convict for illegal possession of drugs sa Hongkong noong February 14 of the same year.
Sabi ni Ronald, “Siyempre, yun talaga ang priority ako kaya nga sa movie na ito, more on the financing side ako.
“I’m seeking re-election. Okey naman siya at mukhang mananalo naman tayo.
“Sabik na sabik na rin akong mapagsilbihan ang mga taumbayan ng Ilocos Sur so hopefully ay mabigyan tayo ng second chance.
“This is my redemption kaya mas excited ako, mas focused ako at mas hihigitan ko pa yung mga ginagawa ko as compared before.”
ON LOVI POE. Itinanong ng PEP kung nagkakampanya para sa kanya ang minsang na-link sa kanya na si Lovi Poe.
Agad niyang tanggi, “No, no. I think she’s busy with her work.
“Para sa akin yung campaign ko is more of a personal approach. Hindi ako nagdadala ng artista.
“Umiikot talaga ako. Nakikipag-usap sa mga tao. Town hall meetings.”
Gayunpaman ay hindi niya itinanggi na they remained good friends.
“Yes, we are,” pag-amin niya. “We communicate once in a while.
“Alam naman niya na mangyayari yang babalik at babalik ako sa pulitika.
“And I think masaya naman siya for me.”
WOMAN IN HIS LIFE. Meron na bang kapalit ang magandang aktres sa puso niya? O, umiiwas muna siyang ma-involve muli romantically sa kahit sinong babae?
Aniya, “Sa ngayon wala pa naman.
“It’s not that umiiwas ako. Let’s just say na nakatutok ako ngayon sa politics.
“I’m trying to put back my life again and my focus aside from politics ay yung sa business ko.”
Dugtong pa ni Ronald, “The woman in my life now is my daughter who is turning four years old, si Samantha.
“I’m having such a good time with my daughter kasi she’s turning out to be a mature child.
“At her age, nakakapag-usap kami ng masinsinan and I enjoy being a father.”
WISER PINOY VOTERS. At this point, inalam ng PEP sa kanya ang opinion niya tungkol sa drive against political dynasties.
Lahad niya “Well, para sa akin, there’s nothing wrong with that.
“Ang voters natin ngayon ay marurunong na at educated na sila na ‘pag pulitika ang pinag-uusapan... pag ayaw ka ng tao ay hindi ka mananalo.
“At saka yung sinasabi nila na paggamit ng pera para sa mga botante, ang mga tao ngayon kahit tumanggap ng pera, iboboto pa rin nila kung sino ang gusto nila,” pagtatapos niya.
