Nag-guest kahapon ng hapon, April 5, sa programang Pasada Sais Trenta ng DZMM teleradyo si John Lloyd Cruz.
Isang ‘quick question’ portion ang naganap sa panayam kay Lloydie ng mga hosts nitong sina Vic de Leon Lima at Karen Davila.
Unang tanong kay Lloydie ay kung sino ang ultimate crush niya sa showbiz aside from his girlfriend na si Angelica Panganiban.
Sagot nito, “Mylene Dizon.”
Hindi na ipinaliwanag ng 29-year-old actor ang dahilan kung bakit si Mylene ang sinasabi nitong ultimate crush.
Next question: older women or younger women?
Saad niya, “Hindi siya nagma-matter. Hindi siya nagma-matter, e... it doesn’t matter.”
CAN’T ACT IN FRONT OF ANGELICA. Posible kayang magkaroon ng pelikulang bida silang magkasintahan?
Mabilis na pagtanggi nito, “No. Di ko kaya. Di ko kayang umarte kaharap siya.
“Yun ngang manood ng sine, yung manood ng pelikula ko, kasama yung pamilya ko tsaka siya, hindi ko kaya. Hindi ko kayang umarte sa harap niya.”
Dito ay inamin ni John Lloyd na hindi niya kayang panoorin ang sarili sa big screen mag-isa. Nakakapanood lang daw siya ng kanyang mga pelikula tuwing premiere night.
Sa tanong kung ano ang kanyang biggest fear, tugon niya, “Losing a loved one or [a member of] my family.”
So, hindi ang pagkalaos ang biggest fear niya?
Pagsang-ayon niya, “A, hindi. Hindi. Kasi dun naman kami lahat pupunta, e, hindi naman 'to forever. Alam ko na a long time ago na hindi naman ‘to [showbiz fame and success] habangbuhay.”
TO BE A GOOD PROVIDER. Ano naman kaya ang kanyang biggest dream?
Saad niya, “One of my biggest dreams is na someday, sana kapag meron na rin akong sariling pamilya, is to be a good provider.”
Bakit kaya niya naisip na hindi siya magiging good provider?
Paliwanag niya, “Hindi, e, kasi mahirap yun, a... hindi mo naman yun…hindi lahat na may chance o nabibigyan ng pagkakataon di ba na…suwerte mo kung kaya mong mag-provide sa pamilya mo.
“Kasi minsan gusto mo, e, di ba pero…alam mo, naalala ko na sinabi sa akin dati…actually nabasa ko lang or napanood ko na sa Pilipinas, pag pinanganak kang mahirap, parang wala ka nang karapatang maghangad na [umangat.]”
WILL NOT ENDORSE A CANDIDATE. Politics?
Saad niya, “As of now, wala talaga akong plano.”
Will he endorse a candidate? “Hindi po.”
Pero may mga lumapit na ba sa kanya para magpa-endorso?
Lahad niya, “Many times. Pero baka minsan, na you know sana hindi ako husgahan ng tao dahil may mga kaibigan tayo, may mga pagkakataon na [mahirap tanggihan ano], na hihingan ka ng pabor, dahil kaibigan mo at mahal mo, but as much as... may ano, may limitasyon.”
ON PAST AND CURRENT RELATIONSHIPS. Happy with Angelica?
Pag-amin niya, “Very much happy.”
May mga babae bang niligawan na binasted siya in the past?
Sagot ni Lloydie, “Well, ano hindi naman…nung nag-mature na tayo…yung ating pananaw sa pag-ibig, parang hindi na tayo naniniwala sa yung ano, courtship ba yun? Courtship stage, yung panliligaw.”
Hindi tuwirang sinagot ni John Lloyd ang tanong. Next question sa kanya ay kung siya ba ang nang-iwan o iniwanan?
Aniya, “To be fair, ilang beses na rin tayong iniwan at may mga pagkakataon din naman na hindi rin natin ginusto, na kung hindi talaga nagwu-work at parang pilit, kailangan mong bumitaw at tanggapin.”
Sino kaya ang pinakamatagal niyang nakarelasyon?
Pabiro niyang sagot, “Wow, baka mapatay tayo diyan.”
Nagkatawanan naman sa radio booth. Pabuntong hininga pa niyang dugton, “My goodness. Mahirap yan ha.”
Pero nagpaliwanag naman siya kahit hindi niya pinangalanan ang mga past girlfriends.
Sabi niya, “Meron akong dalawang almost four years, meron po, meron akong ganun…meron yung alam ng publiko, meron [din yung] hindi alam ng publiko.”
DREAM ROLE AND IDOLS. May dream role kaya siyang nais pang makamit?
Saad niya, “Wala, ang dream ko lang is to portray yung pinakamaraming roles na puwede. Kasi every character is a journey, e.”
Sino naman kaya ang idolo niyang foreign actor? Sabi niya, “Well, dalawa lang yan, e... it used to be dati si Sean Penn, now ultimately for me, the world’s greatest actor is Daniel Day-Lewis.”
Sa local showbiz naman? Dagdag niya, “Well, the likes of my good friend Ronnie Lazaro.”
DEPRESSION. Kasunod na tanong kay Lloydie kung na depressed na ba siya?
Sagot niya, “Depressed? Ito, ito lang yung nakaraan. Hindi naman depressed na matagal, hindi naman matagal because itong It Takes A Man And A Woman, ito yung last, I think... I think ha... hindi ko alam kung baka mas…hindi ko alam…pakiramdam ko sa puso ko baka ito na yung huli [na pagtatambal nila ni Sarah Geronimo].”
Dagdag pa niya, “Parang saying goodbye to these characters, yung character ko sa movie nag-exist yan sa buhay ko for the past many years, tsaka dun sa mga naging pamilya ko sa paggawa ng pelikula.”
