PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heart Evangelista wants to take a rest after Forever: "Ayokong magbakasyon sa kahit na ano. Gusto ko lang magpahinga."

Heart will not campaign for boyfriend Chiz Escudero.
by Rose Garcia
Published Apr 9, 2013
Sa mga pinagdaanang kontrobersiya ni Heart Evangelista nitong mga nakaraang linggo, ang tanging gusto lamang daw niya ngayon ay magpahinga. Sabi ng aktres, “Actually, hindi naman sa Forever… siguro sa lahat. Napagod ako, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa ikalawa sa huling taping day ng Forever sa Kalayaan Avenue, Quezon City, kahapon, April 8.

Sa Biyernes, April 12, na ang finale ng afternoon series na ito ni Heart sa GMA-7.

Ano ang pakiramdam na nasa mga huling araw na sila ng taping?

Sagot ng aktres, “Sad, pero gusto ko na rin matapos kasi gusto kong magpahinga ng konti.”

Napagod ba siya sa Forever?

“Actually, hindi naman sa Forever… siguro sa lahat. Napagod ako, e.”

Ang tinutukoy ni Heart ay ang kontrobersiyang pinagdadaanan niya dahil sa pagtutol ng kanyang mga magulang sa relasyon nila ni Senator Chiz Escudero.

Saan niya gustong magbakasyon?

“Hindi ko lang alam kung paano, I still have to figure it out.

“Siguro, punta muna ako sa kapatid ko sa Amerika.

“I’m still thinking about it. Kasi, ayokong magbakasyon para mag-shopping.

“Ayokong magbakasyon sa kahit na ano. Gusto ko lang magpahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero, hindi ko rin alam kung ano talaga.

“Kasi, gusto ko rin magtrabaho kung meron naman, tatanggapin ko.”

Bukod sa hosting, puro teleserye ang mga proyekto ni Heart sa GMA-7 simula nang maging Kapuso siya.

Hindi ba niya naiisip na mag-sitcom naman?

“Gusto ko. Noong medyo bata ako, nakakagawa ako,” pag-alala niya.



FOREVER. Ano ang mami-miss niya sa Forever?

“Siguro yung staff, kasi close na kaming lahat.

“Masaya naman dito, yun siguro, at saka sila Direk Ricky Davao.

“Lahat naman, every show, you get close to the staff.”

In general, may natutunan ba siya sa Forever?

“Well, everything’s the same naman in every show.

“We all have relationship in everyone in the show and siguro ano, iisipin mo…

“Kasi, may mga pinagdaanan ako noong times na ito and trabaho kung trabaho.

“Pero kapag may mga pinagdadaanan ka, minsan din, hindi rin… dito ko naranasan na hindi rin puro trabaho.

“They are also there for you when you need it.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kumusta ang mga kasamahan niya sa Forever sa panahon na sumabog ang isyu sa pagitan nila ng kanyang mga magulang at ni Chiz?

“Sobrang bait,” sambit niya.

“There was a time kasi… noong time ng mga pangyayari na may mga presscon, hindi talaga ako nakatrabaho ng siguro mga two hours, talagang hindi.

“And they’re the ones na, ‘Hindi na muna. Mag-early dinner na muna tayo.’”

Ano ang ginawa niya sa dalawang oras na iyon?

“Wala, umiyak lang ako nang umiyak noong time na yun.

“Pero hinayaan lang nila ako. May mga nag-pray para sa akin, ganyan,” nakangiting sabi ni Heart.



NOT CAMPAIGNING. Nabanggit ni Heart na gusto niyang magbakasyon. Pero kasagsagan ngayon ng kampanya para sa eleksiyon sa Mayo.

Wala ba siyang planong tulungan sa pangangampanya ang boyfriend niyang si Chiz Escudero na tumatakbo muli bilang senador?

Sagot ni Heart, “Wala, wala... ayaw niya to begin with na i-involve ako. You know, even before it all happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, you know, hiwalay yun.

"Not naman he wants to prove, pero gusto niyang ipakita na hindi yun ang relasyon. Hindi lang tungkol doon ang relasyon namin.

“We’re together because of the two of us. Not because of anything else.”

Pero pag-amin ni Heart, “Of course ako, I really want.

"Nagkakaintindihan naman tayo. Alam naman natin ang totoo o hindi.

"Sabi ko, tutulong na lang ako. Pero no, ayaw niya.”

HOLY WEEK PHOTOS. Noong Holy Week ay nakita sa Instagram account ni Heart ang mga ipinost niyang pictures noong nagbakasyon siya.

Kuwento ni Heart, “Nasa beach ako kasama ko ang best friend ko.

“Si Chiz kasi, nasa Sorsogon siya kasama ang mommy niya.

“I was in Ilocos, merong beach doon.”

Nag-post din si Heart ng kanyang paintings.

Sabi niya tungkol dito, “You know, survival mode.

“You’ll do everything you can to express or release how you feel.

“Natutuwa nga ako na marunong akong mag-paint.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung hindi siguro, nade-depress ako. At least, I have an outlet.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa mga pinagdaanang kontrobersiya ni Heart Evangelista nitong mga nakaraang linggo, ang tanging gusto lamang daw niya ngayon ay magpahinga. Sabi ng aktres, “Actually, hindi naman sa Forever… siguro sa lahat. Napagod ako, e.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results