PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Cruz says separation from husband Cesar Montano made her a better and stronger person

The FHM Philippines April issue cover girl cites the difference between her first FHM photo shoot 13 years ago and her
by Rommel R. Llanes
Published Apr 22, 2013
May obserbasyon na tila blessing in disguise ang dulot ng pakikipaghiwalay ni Sunshine Cruz sa asawang si Cesar Montano dahil muling nabuhay ang career ng aktres. Iba naman ang tingin ni Sunshine na dulot sa kanya ng hiwalayan: “Separation is always…not happy. Malungkot ‘yan, e. Siyempre kasi merong mga bata na naaapektuhan. Merong pamilya na nasisira. Pero, whatever it is, sabi ko nga, good or bad, I can honestly say na it made me a better person. It mad

May kaunting lagnat man, hindi binigo ni Sunshine Cruz ang mga naghihintay na fans niya sa Robinson’s Galleria Movieworld para sa kanyang autograph signing kagabi, April 21.

Pinirmahan niya ang mga dalang FHM April issues ng kanyang fans at nakipag-picture taking pa sa mga ito.

Si Sunshine ang cover girl ng FHM April issue.

Pero bago ang autograph signing, nakapanayam muna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang comebacking actress.

Kinumusta sa 35-year-old mother of three ang naging experience niya sa pag-pose muli sa FHM.

Si Sunshine kasi ang unang Filipina cover ng Philippine franchise FHM noong April 2000, matapos lumabas ang unang issue na ang Hollywood actress na si Alicia Silverstone naman ang nasa cover.

May pagkakaiba ba ngayon mula sa unang sabak niya sa sexy photo shoot ng magazine?

“Difference? Well, kahit naman yung unang cover ko sa FHM, proud din naman ako dun. So, maybe the only difference is the maturity sa emotion, yung facial expression natin… Yun, yun lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba na kasi ngayon, e. Unlike before, wala naman… May stylist na ba before? Parang wala naman…

“’Eto lang isusuot mo, ‘eto, ganyan. May swimming pool, kailangan naka-two piece.’

“Unlike ngayon, meron nang nag-iisip, may mga ideas kung ano ang isusuot, may concept kung ano yung buhok, yung makeup… So, I think that’s the difference.”

Aminado si Sunshine na na-miss niya ang pakiramdam ng nagtatrabaho muli sa loob ng industriya ng showbiz bilang artista, na nasa spotlight muli.

“E, 13 years ba naman akong nag-aalaga lang ng family, which I don’t regret, don’t get me wrong. It’s a blessing to take care of my family and my children.

“Pero ngayon, parang different level na naman. After 13 years of taking care of your family, nandito ka ngayon, naka-high heels ka na naman, naka-dress ka, nag-o-autograph signing ka. Exciting, nakakatuwa,” sabi pa ni Sunshine.

NO QUESTIONS ABOUT KRISTA. Siyempre pa’y hindi maiiwasang tanungin ang Dugong Buhay actress tungkol sa babaeng naiugnay sa kanyang asawa na si Cesar Montano—si Krista Miller.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis namang nakiusap si Sunshine na kung puwede’y huwag nang magtanong tungkol kay Krista.

“Ay, let’s not talk about that… people that are not involved here…” natatawang pakiusap ni Sunshine.

Ang tanong kasi’y tungkol sa balitang ginaya raw ng isang panlalaking magazine ang layout ng cover naman ni Krista.

Tinanong muli si Sunshine kung ano ang pakiramdam na ginagaya siya.

“Next question, please,” ang pag-iwas na lang ni Sunshine.

Ni-rephrase na lang ng mga nag-i-interview sa aktres ang tanong.

Paano raw kung may nanggagaya sa itsura niya?

“Di ba, sa mga gay pageants, marami diyan, Sunshine Cruz, di ba?

“For me, that’s flattering. Basta’t makapal ang nguso, makapal ang bibig at nakapulang lipstick o nakabaltak ang buhok, Sunshine Cruz, bongga yun for me,” patuloy na sagot ni Sunshine.

Napansin ng mga umi-interview kay Sunshine na sa kabila ng pagkakaroon niya ng lagnat nang gabing iyon, magiliw pa rin siyang nakikipag-usap at maaliwalas ang aura niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala raw ni katiting na lungkot dulot ng paghihiwalay nila ni Cesar.

“Yeah, why not? Do I have the right to complain or mourn? No.

“Ang daming blessings na dumarating. May work, kaya nga nagkakasakit na tayo sa katatrabaho, but still, I don’t complain. Kahit ba nagkakasakit tayo. Kasi blessing ‘yang dumarating. Nabibigyan tayo ng opportunity para mag-work.

“Ang dami nga diyan, mas magaling pang umarte, mas bata, pero walang trabaho.

“Ako, binibigyan ng trabaho. So, walang karapatan ako para magreklamo at maging hindi masaya.”

May mga nagsasabing blessing in disguise ang nangyaring hiwalayan nila ni Cesar—muli kasing nabuhay ang career ni Sunshine.

Pero sa tingin ng aktres, iba naman ang nakuha niya mula sa hiwalayang ito.

“Separation is always…not happy. Malungkot ‘yan, e. Siyempre kasi merong mga bata na naaapektuhan. Merong pamilya na nasisira.

“Pero, whatever it is, sabi ko nga, good or bad, I can honestly say na it made me a better person. It made me a stronger person,” ani Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A LOVING FATHER. Kuwento pa ni Sunshine, kahit hiwalay na sila ni Cesar, magkaibigan pa rin naman sila.

Hindi rin daw nagkukulang si Cesar pagdating sa pag-aalaga sa mga anak nila.

“In all fairness to Buboy [palayaw ni Cesar], pag may shooting ako, like kanina, kasi umaga na ‘ko natapos ng taping for Dugong Buhay, yung mga bata, sa kanya natulog.

“Basta ‘pag may work ako, nasa kanya yung kids. Hinahayaan ko.

“Kasi si Buboy naman, mapagmahal ‘yan and very generous sa mga kids.

“So, kagaya ng sinasabi ko lagi, I have no right na ilayo ang mga anak ko sa kanya, kasi mapagmahal siyang ama.”

Wala pa naman daw silang pormal na usapan ni Cesar tungkol sa hatian ng oras sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Basta’t kapag hindi lang daw siya puwede para alagaan ang tatlo nilang anak na babae, naroon naman daw agad si Cesar para umako ng pag-aalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HER KIDS’ REACTIONS. Nabanggit na rin lang ang kanilang tatlong anak na babae, nakita na ba ng mga ito ang kanyang FHM cover?

“Nung sample pa lang, when they emailed it to me, pinakita ko na agad sa mga bata.

“And then ang sabi, ‘Wow, mommy. You’re so nice, you’re so sexy. Ganun naman…”

Nung lumabas na raw ang magazine at ipinakita niyang muli ang mga pahina naman kung saan lumabas ang mga larawan niya, maingat daw niyang binuklat ang FHM sa kanyang mga anak.

“Of course, may mga pahina tayo na for adults lang, kaya nandun ako, nakaantabay, nakagabay sa kanila. Kung ano lang yung pages ng mommy nila, dun ko lang nilagay, ‘tapos ipinakita ko naman sa kanila.

“Kasi it’s all about them, even yung story ng interview, it’s all about how I love my children.”

Nakikita ba niya in the future na susunod sa mga yapak niya ang mga ito o kahit isa man lang sa mga ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If you ask them, kung mag-artista, they will always tell people, ‘Only if we finish our studies.’

“So, yun pa lang, I’m very confident na yung mga magiging desisyon nila sa buhay, puro tama.

“Kasi gusto muna nilang makatapos ng pag-aaral. At the same time, they are God-fearing kids. So, I know that they will be deciding what’s best for them in life.”

CESAR’S REACTION. Si Buboy naman, ano ang reaksyon nito sa FHM cover niya?

“Nakita niya naman… sabi ko nga, kung gusto mo, papirmahan pa kita ng ano, e…” natatawang sabi ni Sunshine.

“Siyempre, like other people, meron namang mga tao na biglang nagdya-jump…parang jump into conclusion ba?

“Yung nagdya-judge na… E, tingnan n'yo muna, tingnan n'yo muna, basahin n'yo muna bago kayo mag-judge.

“Kasi yung iba parang sinasabi na, ‘O, bakit ka nag-pose ng ganito? Blah-blah-blah...tatlo na ang mga anak mo…’

“E, wala namang akong ibang gustong patunayan dito, kundi…ang gusto ko lang naman na ipakita, especially, sa mga mothers, na not because you have children, hindi mo na puwedeng mahalin ang sarili mo at maging maalaga ka sa katawan mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May obserbasyon na tila blessing in disguise ang dulot ng pakikipaghiwalay ni Sunshine Cruz sa asawang si Cesar Montano dahil muling nabuhay ang career ng aktres. Iba naman ang tingin ni Sunshine na dulot sa kanya ng hiwalayan: “Separation is always…not happy. Malungkot ‘yan, e. Siyempre kasi merong mga bata na naaapektuhan. Merong pamilya na nasisira. Pero, whatever it is, sabi ko nga, good or bad, I can honestly say na it made me a better person. It mad
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results