PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Poon recounts Kris Aquino's comment about his relationship with Maricar Reyes: “Alam mo steady kayo, there’s a calmness about the two of you na tingin ko na tatagal kayo.”

Richard breaks new ground as he launches his first pop album, Legends
by Melba R. Llanera
Published Apr 27, 2013
Richard on how soon he plans to tie the knot with Maricar: “Minsan gusto kong maging milyonaryo nang isang taon pero ang tagal, e. If you ask me kung kailan ko gusto, as soon as possible sana but let’s see kung paano.”

Matunog ang usap-usapan na mauuwi na raw sa kasalan ang relasyong Richard Poon at Maricar Reyes.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong July ng nakaraang taon at unang kinumpirma ng singer nang mag-guest siya sa programang Kris TV noon namang August last year.

Mula noon ay tahimik at wala namang dinaanang mga intriga ang relasyon ng dalawa.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Richard last Sunday sa ASAP XV, di naman itinago ng singer na napag-uusapan na nila ng kasintahan ang tungkol sa pagpapakasal at kung siya raw ang masusunod ay ayaw na niyang patagalin pa ito.

“I think lahat naman ng couples pag seryoso ka, napag-uusapan naman ninyo yun at one point. Although maraming relationships ang di tumagal pero napag-usapan nila, so I think naman like many couples, napag-uusapan na namin yun.

“Talking about it, pinag-uusapan... yun pa lang ang puwede kong sabihin. Pag mayroon nang ano, malalaman at malalaman niyo naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Puwedeng bukas na? Siyempre you want it as soon, e.

“Minsan gusto kong maging milyonaryo nang isang taon pero ang tagal, e. If you ask me kung kailan ko gusto, as soon as possible sana but let’s see kung paano,” saad ng sentimental balladeer.

KRIS AQUINO'S REMARK. Ang mga malalapit daw niyang kaibigan ang magpapatunay kung gaano siya talaga kaseryoso sa girlfriend sa nararamdaman niya para dito.

“The best gauge siguro is to ask our friends, alam naman nila Ericson... ng office. Alam mo, I like what Kris Aquino said to me off-cam after we guested,” dagdag niyang kuwento.

“Sabi niya, 'alam mo, tatagal kayo.'

Tinanong ko kung bakit niya sinabi yun. Kasi di kami sobrang taas ng kilig.

“Kris said, 'alam mo steady kayo, there’s a calmness about the two of you na tingin ko na tatagal kayo.'

“Ganun ang state namin, di kami yung ano... parang wala lang pero masaya. Good friends, good conversation, good company, she’s very good with her work, sobrang idol ko siyang umarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“By the way may music video ako sa album, siya yung leading lady ko. Pag sinabing iyak, iyak siya agad. Ako, sabi ko nga, buti di ako nag-TV kasi di talaga ako showbiz.

“May mutual admiration kami sa career namin.”

MARICAR'S REACTION. Tinanong namin si Ricahrd kung ano ang reaksyon ni Maricar sa gusto niyang pag-level up ng kanilang relasyon.

“I think any girl naman hoping na ganun. I think any girl will stop work, may kakilala akong girl na will stop to work to have a family.

“Kung hihinto siya? I think so, sinasabi ko sa kanya masyado siyang magaling umarte parang sayang naman if she will stop. Let’s see kung paano.”

“Wala pang definite, I think before I pursue her, I’m not gonna fool her. I’m serious,” diin niya.

Di tinago ni Richard na personal na rin niyang nakilala ang mga magulang ng girlfriend sa Cagayan de Oro (CDO), na inakala tuloy ng iba ay namanhikan na siya sa mga ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I think last year sa Kris TV sinabi ko na kay Kris... yun ba ang term, pamamanhikan?

“Pumunta ako sa CDO, sa parents niya last year pa. Ako kasi ganun para alam lang ng parents na I’m seriously interested in their daughter.

“Yung last year, siguro getting-to-know muna, kasi first time kong makasama ang parents niya in a setting na walang trabaho,” saad niya.

DREAM WEDDING? Ngayong sigurado nang sa kasalan mauuwi ang lahat, may dream wedding daw kaya na gustong ibigay si Richard para kay Maricar?

“Naku, ayokong sagutin yan. Napapagalitan ang mga lalake pag lalake ang nagsasalita. Kailangan daw girl... give it to the girl,” pabiro niyang pagtanggi.

“Di ko alam kasi may nagsasabi, 'Chard, kung nagpaplano ka, it’s either malaking-malaki or maliit na maliit, wag daw gitna kasi pag daw gitna hirap daw, e.

“So, kung gusto mo talaga close, maliiit na maliit lang... kung gusto mong bongga, everybody’s there, parang ganun. Those were bits of advice lang naman, naririnig ko lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NEW ALBUM. Masaya ring ibinalita ni Richard ang nalalapit na launching ng kanyang bagong album entitled Legends kung saan nakapaloob ang mga kantang pinasikat ng mga hinahangaan nating mga pop icons.

“Maglo-launch ako ng album next week, first pop album ko siya after doing five jazz albums.

“First time akong magpa-pop. Galing naman ako dun bago nag-crooner, nagba-banda ako naggigitara ako, kumakanta ako sa pop band ko so wala, wala namang adjustments.

“Twelve songs siya, all covers—Michael Jackson, may Madonna, may Lionel Richel, basta lahat kilalang kanta,” pagtatapos niyang saad.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard on how soon he plans to tie the knot with Maricar: “Minsan gusto kong maging milyonaryo nang isang taon pero ang tagal, e. If you ask me kung kailan ko gusto, as soon as possible sana but let’s see kung paano.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results