Tumatak sa last guesting ni Kim Chiu sa The Buzz ang tungkol sa pamosong linya na nabitawan ng aktres na, “it’s easy to forgive but hard to forget,” noong napag-usapan ang tungkol sa relasyon sa ngayon ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson at dating matalik na kaibigang si Maja Salvador.
Sa thanksgiving presscon noon ng Ina, Kapatid, Anak, unang naging bukas si Kim tungkol sa malalim na sama ng loob na nararamdaman niya para kay Maja dahil sa nabalitang pakikipagmabutihan nito sa ex-boyfriend.
Inakala ng iba na maaaring sa paglipas ng panahon ay mawawala na ang anumang sama ng loob nito sa dating matalik na kaibigan.
Pero sa naging pahayag na ito ni Kim ay mukhang malabo na ngang maibalik pa ang dati nilang pagkakaibigan ni Maja.
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News kay Kim pagkatapos ng interview nito sa The Buzz last Sunday, binigyang-linaw ng aktres na wala siyang galit na nararamdaman kila Gerald at Maja pero di nga lang siya yung taong nakakalimot agad sa ganitong mga pangyayari.
“Wala naman, wala naman talaga, ano lang talaga, yun lang... mahirap kalimutan ang mga ginawa sa 'yo pero mabilis naman akong magpatawad. Okay na, sige, bahala na sila.”
“Malaking lesson? Lesson in life? Di ko na nga alam kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko dun basta wala... nagpapasalamat ako at di ko naman pinagsisihan ang mga nangyari. Ganun naman talaga ang buhay,” saad niya.
Naging emosyonal din si Kim nang magbigay ng mensahe sa kanya ang kanyang mga kapatid.
“Oo, nakakaiyak, yun nga nagpapasalamat ako dahil naa-appreciate nila ang mga ginagawa ko sa kanila,” dagdag ni Kim.
PARTY FOR FANS. Bukod sa pagbibigay ng tulong sa mga kapus-palad na mga nainirahan sa Isla Pulo sa Navotas ay nagkaroon din ng isang talent show cum party si Kim para sa mga tagahanga.
Ito ay paraan ng pagpapasalamat ng aktres sa mga tagahanga niyang labis-labis ang pagsuporta at pagtatanggol sa kanya laban sa mga batikos at negatibong komento
Ayon naman kay Kim, kung may pagkakataon ay pinagsasabihan din niya ang ilan sa mga tagahanga.
“Oo, grabe sila lalo na sa Instagram, sa mga bashers... ganun. Sobrang nakakatuwa. Yung mga pa-birthday nila sa akin ngayon, kung saan-saan na kami umaabot, may mga pahanda sila.
“Thankful, happy, blessed, lahat-lahat ng mga positive na masasabi ko... yun. Hindi ko sila makokontrol kasi di ko naman kilala kung sino sa kanila ang nagsasabi pero minsan nasasabihan ko sila na, 'Tama na, hayaan na lang natin.'
“Sobra akong nagpapasalamt talaga,” masaya niyang pahayag.
REVEALING INSTAGRAM PIC. Marami ang nagulat nang kumalat sa Instagram ang kuha ni Kim na naka-one piece bathing suit kung saan naglagay siya ng mensahe na pasasalamat sa lahat ng mga pangyayari sa buhay niya, maganda man o mapait.
“Sideview lang naman yun. Kung full view, iba yun. Sideview lang, one angle ng body, di nga kita ang tiyan ko.
“Wala lang, since 23 na ako puwede na... hindi na sila magsasabi na, “ay, di pa dapat... ganyan, ganyan.”
“Pero kahit papaano, yun wala lang. Hindi pa, huwag naman muna, okay pa ako ng ganito.”
“Sa Bohol, matagal na yun, pinaghandaan ko talaga para sa birthday ko, hahahahaha!” masaya niyang pahabol.
Agad na tinanong si Kim na baka simula na rin ito ng paggawa niya ng mga sexy at mature na roles na agad naman nitong klinaro agad.
“Sa picture lang. Huwag naman muna, okay pa ako ng ganito,” paglinaw niya.
Naging issue ang pagsasama nila ni Sarah Geronimo sa isang room nung nakaraang Himig Handog 2013 kung saan may mga naglabasang pictures na magkayakap silang dalawa. Isa nga rin sa nagbigay ng mensahe sa The Buzz kay Kim ay ang Pop Princess.
“After nun di ko na siya nakita, e, pero masaya ako na nangyari yun and nag-message sa akin sa The Buzz, nakakatuwa. Oo naman, open... pero dahan-dahanin na lang muna natin, di naman puwedeng biglang close.”
BIRTHDAY GIFT FROM XIAN. Consistent ang kaparehang si Xian Lim na lagi niyang gustong iparamdam kay Kim kung gaano ito ka-espesyal sa kanya. Noong nakaraang birthday ni Kim last April 9 ay isang pares ng hikaw at promise ring ang regalo ng aktor sa kapareha.
“Mayroon siyang jewelry na binigay. Isang hikaw saka promise ring. Wala lang, ewan ko. Nung 19 mismo. Di siya engagement, bata pa ako.
“Nagsyu-shooting kami ng movie nung binigay niya ito sa amin,” dagdag niya.
XIAN-KIM MOVIE. Masaya ring ibinalita ni Kim na isang pelikula na pagtatambalan nila muli ni Xian ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon.
“Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo? Directed by Direk Joyce Bernal under Star Cinema. Sobrang iba, akala ko ako si Eugene Domingo, akala ko ako si KimmyDora, hindi naman lahat.
“Basta abanagan na lang nila, sobrang kakaiba, sobrang exciting, kahit ako nae-excite na rin ako,” pagtatapos niyang pahayag.
“Ilalabas siya by June or July.”
