PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

UPDATED: Muli has been approved without cuts by the MTRCB

This indie film starring Sid Lucero, Cogie Domingo and Arnold Reyes has been given a rating of R-18.
by Ricky Calderon
Published Aug 16, 2010
The MTRCB wanted to shorten the 44-second love scene between Sid Lucero (left) and Arnold Reyes (right) in the indie film Muli. However, during the second review of the film, it was approved without cuts and given a rating of R-18.

Hindi alam ng writer-director na si Adolf Alix, Jr. ang dahilan kung bakit on hold ang status ng rating na ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa movie niyang Muli na tinatampukan nina Sid Lucero at Cogie Domingo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Adolf noong Biyernes ng gabi sa UP Film Center kung saan nagkaroon ng screening ng Muli. Ang indie film na ito ay unang ipinalabas sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong July at nagkaroon din ng special screening noong August 6 sa UP Film Center pa rin.

"Hindi ko po alam kung bakit ganoon ang desisyon ng MTRCB. Ipina-review po namin ang Muli noong Wednesday. After noon, ang sabi po nila sa amin ay mayroon silang putulan. 'Yung unang scene nina Arnold [Reyes] at ni Sid [Lucero]. Sabi nila, parang igsian lang daw pero naroon pa rin ang scene," pahayag ni Direk Adolf.

"Sabi ko naman po, puwede po bang huwag na lang putulin? Kasi kung isa-suggest niyo lang po, babawasan ninyo lang, e, halos 44 seconds lang 'yung eksena. Bawasan ko ng two seconds or four seconds, in effect, naroon pa rin siya? Sir, paano po kung ayokong putulan, sabi ko? So umakyat uli sila. Parang ang nangyari, wala siyang review kasi hindi naman na-X ang movie. So ang sabi nila, magkakaroon na lang ng second review kasi ayoko ngang putulan.

"Nagtataka lang ako kasi wala naman sila [MTRCB] na rating na on hold. Kasi, di ba po, ang history po ng MTRCB, para magkaroon ka ng second review according sa rules nila, kailangan X ang rating sa unang review ng pelikula mo. So kung hindi X ang unang review, bakit tayo magkakaoron ng second review?

"Pero susunod kami sa proseso kasi gusto kong maipalabas ang pelikula namin in its integral form kasi sa tingin ko naman po, kung papanoorin naman nila, kailangan naman talaga ang eksena. Hindi naman nandoon iyon, para lang nandoon," paliwananag pa ng direktor.

"Kasi importante yung eksena kasi 'yung ang mag-eestablish sa karakter ni Sid na bading siya. 'Yun ang unang scene niya with a man saka 'yung love niya for Arnold kaya niya ginawa. Kasi later may tragedy naman na mangyayari.

"Ang sabi lang nila sa akin, mag second review. Okay lang po. Ang tanong lang naman po kasi ng producers ko, ibig sabihin magbabayad na naman kami ng P10,000 para sa review. Actually, mga P8,000 plus 'yung notary pa. E, for a small film like Muli, na independently produced, mabigat naman po iyon.

"Hindi ko po alam kung ano ang stand. Kasi po pag tinatanong ako ng mga tao kung ano ang rating ng movie, hindi ko po alam kasi nga po ang sabi ng MTRCB ay on hold? Ano po ba ang ibig sabihin ng on hold at bakit po may ganoon rule?

"Hindi ko po alam kung bakit ganoon. Sumusunod lang naman ako kaya nga we submitted our film for review. Ang MTRCB ang body na magde-decide. Pero kung may bagong rule, kung unrated ang film, e, anong rule po iyon? Nagtatanong din po ako."

Willing naman si Adolf makinig sa sinasabi ng MTRCB kaysa naman daw basta putul-putulin lang ang pelikula niya. HIndi naman daw kasi pinatatanggal ng MTRCB ang eksena kundi pina-iiksian lang.

"Kung ayaw talaga nila, e, siguro i-X na lang nila ang eksena. Kung talagang di talaga fit for public viewing, di dapat sana binigyan nila ng X-rating. Ayaw naman nila bigyan ng X dahil pag ipinalabas, alam naman nila na babalikan din sila kasi di naman talaga X.

"Weird lang po talaga kasi para kang nasa balag ng alanganin na on hold ang naging desisyon ng MTRCB sa rating ng Muli," sabi pa ni Adolf.

Was he surprised sa naging desisyon ng MTRCB? "Opo kasi hindi ko naman po alam na may ganoong rule. So hindi ko po sure. Sa akin naman, ang importante, susunod lang kami kung ano ang rule nila. Kaso 'yung mga tao lang po na hindi pamilyar sa ganoong sitwasyon ang nagugulat. Lalo na po ngayon, kung kailan dulo na. Di ba, tentatively, baka magpalit ng pamunuan and members ng MTRCB kasi co-terminus sila sa term ng presidente," sabi niya.

Gusto rin linawin ni Direk Adolf na wala siyang intensiyon na awayin ang MTRCB sa ginagawa niyang pagpapa-intrerview at pagpapahayag ng kanyang saloobin.

"Ang akin lang po opinyon, bako po mapuna pa sila (MTRCB) kasi parang gumagawa sila ng bagong rules. Iyon lang po. Ako naman po, confident lang ako kasi kahit na ipalabas at willing ako na sumailalim ang movie ko sa second review kasi po, naniwala ako na pag pinanood nila, wala naman pong dapat igsian. Yung ipinalabas po sa Cinemalaya ay rough cut dahil sa bagyo po noon. Pero itong maayos na version, walang objectionable. ang gusto nga nila ay suggestion lang. Hindi nga nila mabigyan ng X na rating ang movie so wala talagang dapat ma-X sa pelikula. Bigyan lang sana nila ng chance na maipalabas ito ng buo," mahabang pahayag ng direktor.

"Kasi sayang din naman ang paghihirap namin para mabuo ang pelikula saka 'yung hirap ng mga artista tapos parang mababalewala lang kung di maipapalabas. Pero naniwala naman ako sa second review. Baka naman sakali."

When you submitted the film for review, were you expecting the worst?

Ani Adolf, "Nag-expect ako ng X kasi 'yung ibang movies ko, trailer pa lang na-X na. Yung Aurora, double X kaya hanggang ngayon ay di pa naipalabas. Given na iyon. As of now, iba naman itong pelikula at 'yun nga, pag pinanood mo naman ang pelikula justified naman lahat ng mga eksena.

"Siguro naman din po 'yung track record ko bilang director ay hindi naman masama. Nariyan naman po ang mga pelikula ko na magpapatunay na hindi naman ako naglalagay ng mga eksena na di naman kailangan o kaya just for the sake na mailagay ito."

Sabi pa ni Adolf, yun lang naman daw eksenang iyon sa kama nina Arnold Reyes at Sid Lucero ang pinuna ng MTRCB sa kabubuuan ng pelikula. Maliit na bahagi lang daw ito, kumpara sa tatlong love scenes na ginawa naman nina Cogie at Sid na mas mainit ang dating.

"Kaya naman po ayoko itong putulan. Saka di naman po nila pinapatanggail kundi pinaiiksian lang. So kung iigsian lang eh maigsi na nga, parang nagpagod lang tayo. Tapos gagastos pa kami uli. Kung ililipat namin ang eksena, gagastos pa kami uli sa editing. Yun lang po ang point ko. Hindi ko naman po inaaway ang MTRCB. Sila naman po ang nagbigay ng ganoong rule na on hold muna ang rating ng Muli. Nagtatatanong naman po ako sa naging ruling nila," pagwawakas ni Direk Adolf Alix.

Nakatakdang magkaroon ng second review ang MTRCB para sa Muli bukas, August 17.


UPDATE: Sa pamamagitan ng text message, sinabi ni Direk Adolf sa PEP na approved without cuts by the MTRCB ngayong araw na ito sa second review na ginanap kanina. Nabigyan rin ang Muli ng rating na R-18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The MTRCB wanted to shorten the 44-second love scene between Sid Lucero (left) and Arnold Reyes (right) in the indie film Muli. However, during the second review of the film, it was approved without cuts and given a rating of R-18.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results