Si Mark Herras ang naupo sa Intriga Crossfire segment ng Showbiz Central noong Linggo, May 31. Hinarap at sinagot nga niya ang ilang isyung ibinato sa kanya ng mga hosts ng SC.
Ang unang nagbato ng tanong kay Mark ay si Raymond Gutierrez at tinanong nito si Mark kung ano ang masasabi niya sa mga naglalabasan sa mga
tabloids na diumano'y siya ang papalit kay Dingdong Dantes bilang leading man ni
Marian Rivera sa Darna?
"Kasi, yung sa Darna na soap, wala pa naman nagsasabi sa akin na
confirm, ako yung role. Pero inaasahan ko na maraming intrigang darating dahil
siyempre, may mga isyu before with Marian.
"But if ever na mapunta sa akin yun, siyempre, okay. Another project and
another loveteam, if ever."
How will you convince kung sakali at sa iyo mapunta yung role na yun,
how will you convince the Dingdong and Marian fans?
"Well, wala naman akong planong manggulo sa loveteam. Well, tatanggapin
ko ang project. I'll do my job. Kung anuman yung dapat kong gawin sa role na
kasama ng Darna, pero, wala akong any plans na manggulo."
When it was Mo Twister's turn, diretsahan nitong tinanong si Mark na
siguro raw, noong lumabas ang Katrina Halili-Hayden Kho sex video, marami ang
nag-text sa kanya dahil ex-girlfriend niya si Katrina.
Ngingiti-ngiti lang si Mark sa sinabing yun ni Mo. So, ang tanong ni Mo,
are you angry at Hayden?
"Well, siyempre, unang-una, sa lahat ng pinagdadaanan niya ngayon, ang
laking intriga ng nangyari. With Hayden naman, ano bang naisip mo para gawin yun? Siyempre, bad trip, bad trip talaga. Pero
sana, maliwanagan na lahat.
"Pero siyempre, ang pinaka-kawawa ngayon ay si Katrina."
When you see Hayden now, will you say hello or in support with Katrina,
hindi mo na lang siya papansinin?
"Siguro, kapag nakita ko si Hayden, parang siguro tatanungin ko na lang,
if ever may mga questions ako na gustong itanong sa kanya, siyempre, hindi naman
niya sasagutin 'yon. Gusto ko lang malaman kung bakit...kung bakit nangyari 'yon."
Si John "Sweet" Lapus naman, kapag nakita raw niya si Hayden, magpapa-video raw
siya. Ang question naman ni Sweet kay Mark ay sa SOP daw noong Linggo, nakitang
karga-karga ni Mark si baby Jazz, ang anak ni Jennylyn Mercado.
The question is, ano ang personal na nararamdaman mo kay Patrick Garcia—kung si Mark daw ba ay naaawa dahil siya, nakakarga niya si baby Jazz at si
Patrick ay hindi or natutuwa ba siya dahil paglaki ng baby, may chance na siya ang
tawaging daddy or nagagalit ka ba sa situwasyon?
"With Jen and Patrick, out naman ako sa kung ano ang gusto nilang gawin
sa buhay nila. Siguro, I'm hoping, someday, makasama rin ni Pat si Jazz. Ako
naman, bilang ninong, natuwa ako kasi, parang ang bilis lumaki ni Jazz.
Nakakatuwa lang makita siya sa SOP at kasama siya ni Jen."
Kayo ba ni Patrick, magkaibigan? "Okay naman kami ni Pat...before, Fantastikman, kami yung medyo mortal
enemy."
Ayon naman kay Pia Guanio, si Mark daw ay gym mate niya kaya alam daw
niya kung gaano ang pagwo-work hard ni Mark. Sabi rin ni Pia, tila karamihan daw
yata sa ka-batch niya sa StarStruck ay involved in some kind of controversy.
As a guy friend to this women, especially Katrina and Yasmien Kurdi (who
is accusing Baron Geisler of sexual harassment), anong klaseng support ang
ibinibigay mo to your girl friends?
"With Kat, hindi ko pa siya nate-text or nakakausap kasi, alam ko na
magulo pa ang situation. But if ever, may chance na makausap ko siya, siguro
masasabi ko lang, in behalf of StarStruck batch 1, ready kami to support kung
anuman ang kaya naming ibigay for Katrina.
"With Yasmien naman, we're co-manager with Nay Lolit, alam ko...knowing
Yasmien, kaya niyang dalhin ‘yon. Kaya niyang pasukan kung anuman ang gulo na
kaya niyang pasukin. Sabi nga sa akin, o, 'Mark, na-harrased
daw si Yasmien sa taping.' Sabi ko, I'm sure, meron ‘yon kasamang suntok from
Yasmien."
Ikaw ba, nagagalit ka sa mga men who have done some kind of disservice
for your girl friends?
"Well, yes, yes...ako, hindi ko naman kilala si Baron. Pero I know, he's a
good actor. Pero, ‘di ba, hindi mo naman kailangan. At saka, alam ko, kung
pasaway ka, hindi mo naman dapat gawin ‘yon lalo na sa babae. ‘Di ba, may issue
na before na nangyari. Parang konti pa, konti pa...yari ka na," natawa niyang
sabi.
Ayon kay Sweet, nakikita raw niya si Mark kung paano ipagtanggol ang
kanyang mga kaibigan.
For the last question, it was Raymond Gutierrez who who asked kumusta na ang lovelife ni Mark ngayon?
"Ngayon, zero, zero...enjoy ko muna ang life ko. Ayoko muna ng commitment.
Mas enjoy ako na wala akong problema. Hindi ko kailangang magpaalam kung kanino
man, you can do whatever you want to do.
"Tapos, hindi ka mamomroblema kapag nag-aaway kayo ng girlfriend mo. I
mean, steady lang. Bata pa naman ako."
