PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang Babae sa Sementeryo will open in select cinemas starting November 10

Maria Isabel Lopez and Ella Guevarra topbill this horror/mystery-suspense thriller.
by Mell T. Navarro
Published Nov 1, 2010
Barbara (Maria Isabel Lopez) met a gruesome death in the hands of a mysterious serial killer in the horror/mystery-suspense thriller, Ang Babae sa Sementeryo. "The movie is a police story with suspense and mystery as ingredients to tingle your spine," says supervising producer Junne Quintana. The movie is directed by Neal Tan and is co-produced by former three-term Quezon City councilor Antonio "Ariel" Inton, Jr.

Film producer na ang dating three-term Quezon City councilor na si Mr. Antonio "Ariel" Enrile-Inton, Jr.

Matatandaang pagkatapos ng kanyang last term bilang konsehal ng 4th District ng nasabing siyudad, inasam niya ring tumakbo sa mas mataas na posisyon bilang alkalde nitong May 2010 elections, ngunit nag-withdraw rin ito sa simula pa lamang ng kampanya.

After the elections, kumuha ito ng filmmaking workshop sa Mowelfund Film Institute, kunsaan marami siyang natutunan at mas lumawak pa ang kanyang kaalaman sa daigdig ng pagpo-produce ng pelikula.

Dito siya na-encourage na itayo ang sarili niyang movie outfit, ang AEI Productions.

At bilang first venture, nakisosyo para mag-produce ang bagong tatag na production ni Mr. Inton with XITI Films para sa pelikulang Ang Babae Sa Sementeryo.

Short for Experimental International Trading, Inc., XITI Films is owned by Maria Gracia A. Lara. Ang pelikula ay mula sa screenplay at direksiyon ni Neal Tan.



Ang Babae sa Sementeryo
ay ipapalabas sa November 10, 2010 sa mga piling sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa supervising producer ng Ang Babae sa Sementeryo na si Mr. Junne Quintana nang makausap kamakailan ng PEP (Philippine Entertainment Portal), "Ang pelikula ay isang horror-suspense thriller na may social relevance. In fact, it is also a police story where thorough investigation is conducted to search for truth.

"Three ingredients—exploitation of women, prostitution, and poverty, complete the theme of the movie with a touch of supernatural element embellished with social conscience."

Dagdag pa ni Mr. Quintana, ang story idea ng pelikula ay mula mismo kay Mr. Inton, base sa mga aktuwal na mga nangyayari sa isang remote area na alam nito personally.

Kasama sa cast ang mga beteranong artista na sina Boots Anson-Roa, Roi Vinzon, Tommy Abuel, Maria Isabel Lopez, Ella Guevarra, Mon Confiado, Roldan Aquino, at Mercedes Cabral.

Itinatampok din dito ang pababalik-pelikula nina Isadora (nagbida sa ilang bold films noong '80s), Jigo Garcia, at Brylle Mondejar (na parehong galing naman ng That's Entertainment show ni German Moreno, kunsaan marami ring sumikat na artista).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SYNOPSIS. Ang Babae sa Sementeryo ay isang horror/mystery-suspense thriller tungkol sa mga multo at patayang nagaganap sa loob ng isang sementeryo sa isang malayong lugar sa bandang Norte.

Bukod sa mga misteryong nagaganap dito, mistulang parausan daw ang sementeryo ng mga upahang babaeng nagbebenta ng aliw.

Misteryo para sa mga taong nakatira sa paligid ng sementeryo ang mga bangkay ng mga taong pinatay sa karumaldumal na paraan—tulad ng pagkakatanggal ng mga mata, daliri, at iba pang bahagi ng katawan ng mga ito.

Naging palaisipan tuloy para sa kanila kung demonyo, kaluluwa o tao ba ang pumapatay.

Ang matandang binging si Ilac (Tommy Abuel) naman ang nagsilbing tagapagsalaysay sa tunay na mga nangyayari sa loob ng sementeryo.

Ayon sa kanya, ilang taon na ang lumipas nang mapadpad si Barbara (Maria Isabel Lopez) sa sementeryo at nakipisan sa amang si Ernesto (Roldan Aquino) na noo'y nakatira sa loob ng sementeryo at nagtatrabaho bilang sepulturero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabuntis nito si Barbara at namatay matapos na magsilang ng sanggol na babae si Barbara. Nang lumaki ang sanggol na pinangalanan ni Barbara na Agnes (Ella Guevarra), naging laman na rin ito ng sementeryo.

Kasama ang inang nagbebenta ng aliw sa ilang parokyano. Halos gutumin ni Barbara ang anak, hanggang sa tuluyan na rin niya itong ibugaw.

Namatay si Barbara sa isang nakapangingilabot na paraan ng pagkakapatay. Ang anak nitong si Agnes ay kinupkop ng madreng si Sister Sol (Boots Anson-Roa). Si Arnel (Roi Vinzon) ang bagong hepe ng naturang bayan ang pilit na tumutuklas sa nangyayaring patayan.

Sa pagtatagni-tagni ng bawat kuwento ng ilang mga tauhan, tulad nina Ilac, Uming (Mon Confiado) na isa ring sepulturero, at Aliway (Mercedes Cabral) na isa namang bayarang babae ay nadiskubre ni Arnel na ang salarin sa tatlong babaeng pinatay sa loob lamang ng isang buwan ay ang anak ni Barbara na si Agnes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuklasan ng mga madre ang tinatago nitong mga ilang parte ng katawan ng mga biktima. Nakabalot ng diyaryo ang ilan, habang ang iba'y nakasilid sa garapa na may formalin.

Natapos man ang kuwento at nalutas man ang kaso, patuloy naman ang hiwagang bumabalot sa nasabing sementeryo. Patuloy sa paglabas ang mga kaluluwang hindi matahimik at nagdudulot ng sindak at palaisipan sa mga nakakakita rito.

LOCATION AND SHOOTING. Ayon pa rin kay Junne, "Nag-shoot kami sa San Jose del Monte Cemetery at sa St. Joseph Parish, at ang ilan sa cast ay mga local residents na. Si Roi Vinzon, sa Bacolod na nakatira. Lumuluwas lang siya kapag may work dito sa Manila.

Sa hiwalay namang panayam ng PEP sa director nitong si Direk Neal, sinabi nitong naging smooth-sailing ang takbo ng produksyon ng Ang Babae Sa Sementeryo, mula sa shooting hanggang sa post production.

"Never kaming naka-encounter ng anumang major problems with regards to the filming hanggang sa editing, paglalapat ng musika at mixing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Gathering din ito ng ilang artistang hindi naging aktibo noong nakaraang mga taon tulad nina Isadora na nakilala at nagbida sa mga pelikula noong 80's.

"Sina Jigo Garcia at Brylle Mondejar na mga miyembro noon ng That's Entertainment ay nagbabalik-pelikula. During their first scene, halos mangatog ang tuhod ng dalawa dahil kinalawang na raw sila when it comes to acting at nanibago sa bagong teknolohiya.

"Pero at the end of the day, na-enjoy nila ang trabaho na patuloy nilang hinahanap-hanap at ngayon ay naging katuparan. Lalong gumaling sa pag-arte si Isadora na hinangaan ng mga tao sa set. Malamang dumami pa ang mga proyektong gagawin niya.

"Ninety percent ng buong pelikula ay kinunan sa loob ng sementeryo. Wala man kaming naramdamang kakaiba o nakitang mga pangitain, pero ang kaba at takot ay naroon pa rin, especially during the night kunsaan inaabot kami hanggang madaling-araw.

"Since public cemetery ang aming location, di maiiwasang makaamoy kami ng masansang na amoy dahil maraming bukas na nitso ang nasa loob ng sementeryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung eksena kunsaan nagparaos si Mercedes Cabral at isang extra sa loob mismo ng bukas na nitso, nasa tabi pa nito ang isang sakong naglalaman ng mga buto ng patay nanakalibing dito.

"Exciting at masaya naman ang naging experience ng lahat dahil kakaiba ang pagbuo naming ng pelikulang ito," kuwento pa ni Direk Neal.

PRODUCTION STAFF.


Producers: AEI Productions and XITI Films

Direction and Screenplay: Neal Tan

Producer: Ariel Inton

Supervising Producer: Junne Quintana

Assistant Director: Joshua Pacquiao

Story Idea: Ariel Inton

Director of Photography: Renato "Atoy" Devera

Production Design: Cyrus Khan

Editor: Rocky Ko

Music: Sherwin Castillo

Prosthethic Make-up: CecilleBaun

Make-up: Oscar Buara

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbara (Maria Isabel Lopez) met a gruesome death in the hands of a mysterious serial killer in the horror/mystery-suspense thriller, Ang Babae sa Sementeryo. "The movie is a police story with suspense and mystery as ingredients to tingle your spine," says supervising producer Junne Quintana. The movie is directed by Neal Tan and is co-produced by former three-term Quezon City councilor Antonio "Ariel" Inton, Jr.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results