Maraming mga tagpo ang dapat abangan ng manonood sa youth drama series na Reel Love Presents Tween Hearts na pinagbibidahan ng GMA-7 tween stars na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jake Vargas, Louise delos Reyes, Derek Monasterio, Joyce Ching, Lexi Fernandez, at Kristoffer Martin.
Sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyang naglayas si Belinda (Bea) kaya mas determinadong hanapin ni Bambi (Barbie) ang kapatid. Sumabit naman sa paghahanap si Jacob (Jake) at Josh (Joshua).
Sa kanilang paghahanap, bumuhos ang malakas na ulan at napunta si Josh at Bambi sa bahay ng dalawang lola na magkapatid, sina Lola Meding at Lola Nena.
Kay Lola Meding natutunan ni Bambi ang kahalagahan ng sisterhood. Naikwento din ni Lola Meding ang panghihinayang niya sa isang lalake na dapat ay magiging karelasyon niya pero hindi na lang itinuloy dahil sa kapatid niyang si Nena.
Na-relate ni Bambi ang sarili niya kay Lola Meding sa relationship niya kay Belinda at kay Josh.
Samantala, sumilong sa isang barn si Jacob at doon niya nakita si Belinda. Pero ayaw ni Belinda na bumalik sa camp kaya napilitan si Jacob na samahan siya doon. Nag-promise si Jacob kay Belinda na hindi niya sasabihin kung nasaan sila.
Humihingi pa rin si Chris (Kristoffer Martin) ang apology kay Aya (Joyce Ching) pero hindi pa rin siya kayang patawarin ng dalaga.
Paggising naman ni Jacob, inaapoy naman ng lagnat si Belinda kaya kailangan na niyang tawagan si Bambi at Josh para dalhin siya sa ospital.
Magkabati na kaya ang magkapatid? Patawarin na kaya ni Aya si Chris? Magpaparaya na kaya si Belinda para sa kapatid na si Bambi?
Abangan sa episode 7 ng Reel Love Presents Tween Hearts ngayong Linggo (November 7) pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA-7.