Fan Face-Off Edition naman ang ipinakita sa 2nd year anniversary presentation pa rin ng Showbiz Central noong Linggo, June 28. Si Jolina Magdangal nga at ang kanyang more than one decade ng loyal na tagahanga na si Poncing Catibog ang sumalang sa Fan Face-Off edition ng "Don't Like To Me" segment ni John Lapus sa naturang GMA-7 talk show.
Eleven years na
raw solid fan ni Jolina si Poncing na ang turing na sa kanyang idolo ay little
sister. Kaya ang tanong ni John kay Jolina ay kung kinakabahan daw ba ito na
ang fan niya ang kanyang ka-face off?
"Kinakabahan
ako kasi, 11 years na nga niya akong kilala. Kaya baka mamaya may sinasabi ako
na hindi ko maalalang nasabi ko pala. Uy, Ate Poncing, umayos ka ha!"
natatawang warning pa ni Jolina rito.
Ang unang tanong ay kung totoo raw ba na may bagong manliligaw ngayon si Jolina dahil iba ang glow nito ngayon, after niyang makipag-break kay Bebong Muñoz last year?
Parehong
yes ang naging tugon ni Jolina at ng kanyang fan at parehong truth ang lumabas.
Tanong ni
Sweet kay Poncing ay kung nakita na raw ba nito ang manliligaw ni Jolina? "Sa
picture..."
So, noong nakita mo sa picture, pabor ka ba? "Of course!" mabilis na sagot nito.
Kaya tanong
ni Sweet kay Jolina, kailan daw ba ito makikilala?
"Makikilala n'yo rin siya," natatawang sabi ng aktres.
Hopefully
this year? "Oo naman!
Siyempre, naman."
Sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), inamin ng dalaga na may napupusuan siyang lalaki na nanliligaw sa kanya ngayon. Ayaw pa niyang sabihin kung ano ang pangalan nito pero sinasabing bahagi siya ng music industry. (Click HERE to read related article)
Marami ang
natuwa sa balik-tambalan n'yo ni Marvin Agustin. At kaya naman daw maganda ang
chemistry n'yong dalawa, dahil once and for all, totoo nga bang nagkaroon ng
relasyon nina sina Marvin at Jolina?
Both
answered a no, but the result also revealed a lie for both of them.
"Parang ano naman, parang nagkaroon kami ng understanding ni Marvin noon na may gusto kami sa isa't-isa. Pero, ang sinasabi n'yo kasi, naging mag-on kami. Ang sinasabi ko, hindi. Kasi, wala namang naging official na tayo na. Sinasabi niya oo raw, pero, hindi. Baka akala niya, oo na," paliwanag ni Jolina.
Niligawan
ka ba ni Marvin noon, hindi mo lang sinagot?
"Hindi...naging sweet naman siya sa akin...dati," natatawang sabi ni Jolina.
Ikaw ba,
kayong mga fans ni Jolina, payag ba kayong si Marvin ang makatuluyan nito in
the future?
"Kung saan siya liligaya," sagot naman ng loyal fan ni Jolina.
Sa huli, natatawang nag-promote nga si Jolina ng kanilang komediserye na Adik Sa ‘Yo, kunsaan first time raw yata siyang nabuntis at napakaraming kissing scene na nagagawa niya na hindi raw niya maintindihan.
