PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shaina Magdayao, Andi Eigenmann, and Carla Abellana will scare viewers in Shake Rattle and Roll XII

They star in the episodes titled Mamanyika, Isla Engkanto and Funeraria.
by Nora Calderon
Published Nov 30, 2010
In Shake, Rattle and Roll XII, (L-R) Shaina Magdayao topbills the "Mamanyika" episode; Andi Eigenmann leads the cast of the "Isla Engkanto" episode while Carla Abellana stars in the "Funeraria" episode.

Pinili nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo ng Regal Films ang three young actresses na sina Shaina Magdayao, Andi Eigenmann, at Carla Abellana para sa 12th version ng Shake, Rattle & Roll. Ang three-part horror film na ito ay laging entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival taun-taon.


Siniguro nilang babagay sa tatlong bagong prinsesa ng horror films ang bawat character na ginagampanan nila, na malayo sa mga ginagawa nilang teleserye.

Sa ABS-CBN napapanood si Shaina at Andi samantalang GMA-7 star naman si Carla.


Nasa hitsura daw kasi ng tatlong young stars na palaban ang dating nila sa mga intriga at personal nilang problema sa buhay, pero pagdating daw sa balitang multo, may takot din silang nararamdaman.


Aminado si Carla na kinabahan siya nang ginagawa nila ang episode na "Funeraria."


"Noong una, ang worry ko po, baka may hindi magandang mangyari sa shooting dahil talagang sa loob ng funeral parlor kami nag-shooting," kuwento ni Carla sa presscon ng SRR XII na ginanap kamakailan. "Pero wala po namang kababalaghang nangyari. Ako po kasi ay isang teacher na sa kagustuhan kong kumita nang extra, nag-tutor ako sa isang batang nakatira sa kanilang funeral parlor."


Kinuwento rin ni Carla kung paano sila nakatulong sa isang pamilya upang mapalibing ang isang 3-year-old na bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Doon ko po nakita na everyday talaga, may idinadating na patay sa funeral parlor. Three days bago ang last shooting day namin, may idinating patay na 3-year-old girl. Nang bumalik kami para sa last shooting day, naroon pa rin iyong bata, hindi mailibing dahil kulang ang pera nila kaya nag-contribute kami, mula sa mga artista at sa production staff at nailibing din ang bata."


Si Jerrold Tarog ang direktor ng "Funeraria." Love interest ni Carla si Sid Lucero at ipinakiusap niyang huwag silang i-link dahil pinsan ito ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann. Bukod pa rito, matagal na raw may girlfriend si Sid—si Rozie Delgado.


Mahilig palang manood ng horror movie si Carla at paborito niya ang Exorcism of Emily Rose.


"Mamanyika" naman ang episode ni Shaina, na totoong nakaramdam ng takot sa prop na manyika. Sa presscon, naitanong si Shaina kung totoo ang nasa press release na takot siya sa manyika dahil kamukha raw ito ng isa sa ex-girlfriend ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Hindi po naman ako ang gumawa ng press release," nakangiting wika ni Shaina. "Kaya huwag na po lamang tayong magdamay ng ibang tao sa pagpu-promote namin ng movie. Ang totoo po, talagang natatakot ako sa manyika na sa story ay nakita ko sa tabi ng puntod ng namayapa kong ina, si Jackielou Blanco, na isinisisi ko ang kamatayan niya sa ama kong si Ricky Davao. Inuwi at inalagaan ko ang manyika sa bahay, parang kapalit ng nanay ko. Hindi ko alam, sinasaniban pala ito ng masamang espiritu at pumapatay, kaya nakakatakot talaga, bukod sa nagsasalita siya, pumapangit pa ang mukha niya kapag napo-possessed siya.


"Ganoon po ako katakot sa manyika na kung minsan, napapanaginipan ko pa. Kaya ko po namang manood ng horror movie, in fact, favorite ko ang Sixth Sense, pero dito po, sisiguruhin namin at ni direk Zoren Legaspi na matatakot kayo talaga sa aming episode."


Sa isang isla naman nag-shooting ang episode na "Isla Engkanto" ni Andi Eigenmann. Tulad ng ginawa niya para sa Agua Bendita, may mga eksena rin si Andi na kinunan sa dagat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


"Sa aking episode, may eksena ako sa dagat at nagtatanong din ako tungkol sa kapalaran ko sa pag-ibig," kuwento ni Andi tungkol sa episode na pinagbibidahan niya.


"Sa story, may magkakagusto sa akin, pero hindi ko alam na siya pala ang hari ng engkanto. Sa location namin, sabi ng mga tao roon, totoo raw na pinamumugaran iyon ng mga engkanto. E, may eksena roon na kaulayaw ko ang engkanto at nararamdaman ko na parang sinasaniban siya talaga, kaya parang true-to-life ang mga ginagawa kong eksena. Hindi naman ako natatakot, kasi nakaalalay naman si Topel [Lee, ang director ng pelikula].


"In real life, hindi ako talaga matatakutin, ayaw ko ngang matulog na katabi si Mommy [Jaclyn Jose] o bukas ang ilaw sa room ko, gusto ko, madilim. Mga favorite horror movies ko ang Sixth Sense, Let Me In at Pasiyam.


Si Andi lamang ang walang boyfriend sa tatlong actresses pero happy raw ang Christmas niya dahil since may trabaho na siya, may pambili na siya ng Christmas gifts para sa kanyang big family. Bukod daw sa mga cousins niyang narito, darating din lahat ang mga pinsan niya kay Cherie Gil na manggagaling ng New York for the holidays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Click here to visit PEP's microsite

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Shake, Rattle and Roll XII, (L-R) Shaina Magdayao topbills the "Mamanyika" episode; Andi Eigenmann leads the cast of the "Isla Engkanto" episode while Carla Abellana stars in the "Funeraria" episode.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results