PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Star Factor grand winner will be revealed this Sunday, December 5

The grand finals will take place at the Ynares Sports Arena in Pasig City.
by Kate Borbon
Published Dec 2, 2010
Gaganapin ang grand finals ng Star Factor ng TV5 ngayong Linggo, December 5, sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Handang-handa na ang Final 4 na sina Christian Samson, Morisette Amon, Eula Caballero at Ritz Alzul sa pinakahihintay na grand finals ng Star Factor ng TV5 sa darating na Linggo, Disyembre 5. Gagawin ito sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.



Isa lang sa kanila ang mapipiling pinakamaningning na bituin sa ultimate battle of talent, personality, charm, good looks at overall star potential para maging karapat-dapat na tawaging kauna-unahang Star Factor Brightest Star.


Sino man ang manalo sa kanilang apat nakasisiguro na silang lahat na magkakaroon ng career sa TV5. Kung gaano raw sila kahanda na sumabak sa showbiz ay ganun din sila kahandang humarap sa mga intriga.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang Final 4 sa presscon na inihanda ng TV5 para sa kanila noong Linggo, November 28, sa TV5 building. Kaagad nga silang isinalang sa pagsagot sa iba't ibang intriga.

CHRISTIAN SAMSON. Si Christian, ang 18-year old Bulakeno dancer, ang nag-iisang lalaki na natira mula sa 18 finalists na naunang ipinakilala sa mga press noon. Kaya ang tanong tuloy sa kanya ay kung advantage ba na siya na lang natirang lalaking finalist?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Feeling ko may advantage yun. Pero sobrang saya ko, sobra kong flattered kasi hindi ko ine-expect na ako lang ang lalaking makakapasok sa Final 4. Yun nga lang minsan nahihirapan akong makipag-bonding sa kanila kasi tatlo silang babae. Pero friends naman po kaming lahat," paliwanag ni Christian.


Sa tatlong babae, sino ang pinakamahigpit niyang kalaban?


"Si Morisette po kasi nung mga nakaraang episodes magaganda po yung mga naipakita niya. Lagi po siyang napupuri ng mga Star Makers."


Sinagot din ni Christian ay isyu ng umano'y pagiging "chickboy" niya.


"Noon po yun. Pero hindi na po ngayon. Simula po kasi nang ma-experience ko na ma-two time ng girlfriend ko na sineryoso ko ay nagbago na po ako. Kaya ayoko na pong gawin ulit yun sa kahit na sinong babae kasi sobrang sakit po. Na-realize ko po na kung ayaw kong lokohin ako, hindi rin dapat ako manloko ng kapwa ko."


Hindi naman itinanggi ni Christian na naging girlfriend niya ang isa sa Star Factor finalist na si Krissha Viaje. Pero hiniwalayan niya na raw ito at friends na lang sila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Bakit niya hiniwalayan si Krissha?


"Actually recently lang namin napag-usapan. Napag-usapan po namin na maging friends po muna kami at wala munang commitment kasi since nandito na ako sa industry na ito, hindi ko naman sinasabing sagabal siya, pero gusto ko rin na ma-pair up sa iba. Ayokong isipin ng mga tao na nakatali lang ako kay Krissha kasi siya ang girlfriend ko. Hindi rin makakatulong sa career naming dalawa yun. Hindi kami maggu-grow pag ganun. Gusto ko independent ako at pwede akong ma-pair sa iba-ibang leading lady."


Hindi ba nasaktan si Krissha sa ginawa niyang pakikipaghiwalay?


"Siyempre po nasaktan. Ayaw nga po niyang makipag-break. Pero naintindihan din po niya. At sabi niya dahil mahal niya ako kaya gagawin niya raw iyon para na rin sa ikabubuti ng careers naming dalawa."

MORISETTE AMON. Ang 14-year old Cebuana na si Morisette ang sinasabing best singer sa lahat ng finalist lalo na't nakakaboses at nahahawig siya kay Pop Princess Sarah Geronimo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


Sa tingin ba niya nakakatulong sa kanya yung paghahambing sa kanya kay Sarah?


"Nung una po nakakatulong kasi nagamit ko rin yung para mapansin ako at makilala rin. Pero in the showbiz world dapat kaming mga artista or singers dapat may sariling image at identity. Ang hindi ko lang po gusto ay yung sinasabi na hindi na ako magsa-shine kasi nandun na si Sarah. Kaya ngayon I have to make my own image. It's a big challenge for me para patunayan ang sarili ko," sabi ni Morisette.


Ano naman ang masasabi niya na parang siya ang paborito ng isa sa Star Makers na si Annabelle Rama?


"Hindi naman po siguro. Nakikita niya lang po siguro yung improvement sa akin. And I believe na I'm doing my best sa competition. Fair fight lang po ito."


Para kay Morisette, sina Ritz at Eula ang mahigpit niyang mga kalaban.


"Kasi po may looks po sila, magaganda po sila," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Alam naman daw ni Morisette na hindi siya pangit pero open naman daw siya sa makeover at enhancement para mas ma-improve pa ang kanyang looks at image.


"Sa tingin ko po kailangan ko rin talaga ng makeover. Pero siguro after the contest na po para ma-decide namin kung ano yung kailangang i-improve sa looks ko. Honestly, a little hurt po ako pag sinasabi na ako yung less beautiful sa mga girls. Pero siguro naman po hindi ako kasama sa Final 4 kung wala akong face value."


Between singing and acting, mas gusto niya raw sumikat bilang isang singer.


"Ever since po nung bata ako pangarap ko na talagang maging singer. Gusto kong mag-perform on stage and have my own album. Pero since nandito na ako, kung mabibigyan ng acting projects, I will do my best para magawa ng maayos ang trabaho ko."


Sino pa ang ina-idolize niyang local singers?


"Siyempre kasama pa rin po si Ate Sarah [Geronimo], si Charice and si Ate Lea Salonga. World class talent po kasi talaga sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EULA CABALLERO. Bata pa lang ang ngayo'y 15-year old beauty from Cebu na si Eula ay pinangarap na niyang makita ang sarili niya sa telebisyon. Dahil dito ay pinasok niya ang pagpe-perform sa entablado at teatro sa school kung saan nahasa ang kanyang acting skills.


Ano ang masasabi niya na marami sa mga natanggal na finalists ang nagsasabi na hindi siya deserving na mapasama sa Final 4 dahil kulang daw siya sa talent?


"I know most of them didn't vote for me and some of them say na I'm not deserving. Ang masasabi ko po maybe they said because noong una talaga nung pagpasok ko I'm just holding on to my acting. Parang sabi ko ayokong sumayaw, ayokong kumanta kasi mapapahiya lang ako. But now I know that I have a bit of everything and I think that's enough na rin. And I'm developing those talents para naman dumating yung time na I can dance well na, sing well na. Everything can be done if you practice naman," pagtatanggol ni Eula sa kanyang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Si Christian naman ang itinuturing niyang kalaban sa titulo.


"Kasi nga nag-i-improve din siya. The fact na sa umpisa pa lang sobra na yung talent niya and nag-i-improve pa siya. Tapos he got the looks, sobrang mabenta, ang daming girls na naglu-look sa kanya."


Inamin naman ni Eula na niligawan siya ng Star Factor finalist na si Kevin Francisco. Pero sumama raw ang loob niya rito nang malaman niya na ipinamamalita umano ni Kevin na girlfriend na siya nito.


"Na-shock nga po ako kasi ipinakita ko sa ibang Star Factor finalist yung message ng father niya sa Facebook na sabi, 'A you're the girlfriend of Kevin. Welcome to the family.' Oh my, I didn't even know na kami na pala. Ayoko ng ganun. I must admit na-turn off talaga ako sa ginawa niya. Open naman po yung panliligaw niya dahil nakikita ng iba. Pero parang kabastusan lang po yun na sinasabi niya na kami kahit hindi naman po. I confronted him about his attitude."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RITZ ALZUL. Aminadong mahiyain noong bata pa ang ngayo'y 16-anyos na si Ritz mula sa Pampanga. Kaya hindi niya rin maintindihan kung paano siya napapayag ng kanyang mga guro, kaibigan at magulang na sumali sa isang school beauty pageant noong second year high school siya. Kahit pa tila napilitan lang ay naiuwi ni Ritz ang korona na lubos na nagpasaya sa mga magulang niya.


Proud na proud nga ang parents niya sa kanya kaya naman minsang may naging pasaherong model-agent ang kanyang ama na isang taxi driver ay sinamantala nito na ibida si Ritz. Noong araw ding yun ay masayang umuwi ang kanyang ama dala ang balita na may VTR schedule na ang anak.


Matapos maging isa sa mga talent ng bagong Jollibee Yum commercial, tuluyan nang naalis ni Ritz ang pagiging mahiyain niya at nakagiliwan na niyang humarap sa camera.


Natatawa na lang si Ritz kapag napagkukuwentuhan ang kanyang nakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Kasi hindi ko po talaga akalain na magagawa ko yung mga bagay na iyon. Tapos ngayon nandito na ako sa Star Factor. Nagpapasalamat talaga ako sa parents ko dahil sila ang nag-e-encourage sa akin at sumu-support sa akin."


Kahit daw maging artista na si Ritz after ng Star Factor, pangarap pa rin niyang maging beauty queen.


"Plano ko pa rin pong sumali sa mga beauty pageants. Dream ko rin po kasing i-represent ang Pilipinas sa isang international beauty pageant. Sa tingin ko hindi naman po magiging hadalang yung pag-aartista ko sa pagsali ko sa pageant. Kasi katulad po ni Ms. Ruffa Gutierrez, kahit na artista siya noon, sumali pa rin siya sa Binibining Pilipinas and eventually nanalo pa siya sa Miss World beauty pageant (as Second Princess)."


Idol niya raw talaga si Ruffa.


"Gusto ko pong ma-achieve kung anuman yung na-achieve niya bilang artista, beauty queen at TV host. Gusto ko rin pong pasukin ang hosting pag nabigyan ako ng chance."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Si Christian din ang itinuturing niyang mahigpit na kalaban sa Star Factor.


"Kasi nga po simula umpisa pa lang siya na po yung laging may positive comments. Siya po yung nakikita kong parang paborito ng mga Star Makers."

Mapapanood ang grand finals ng live sa TV5 sa Linggo, December 5, sa pinagsamang timeslot ng P.O.5. at Star Factor simula 1:00 p.m.


Magtatagisan ng galing ang Star Factor Final 4 para makamit ang grand prize package na P1 million cash tax-free, P1 million management contract sa Talent5 (ang talent management and development division ng TV5), isang 4-year college scholarship sa AMA Education System, at isang 3-bedroom, 2-storey house and lot mula sa Moldex Realty.


Ang Star Makers na sina Audie Gemora, Joey Reyes, Raymund Isaac, Ryan Cayabyab at Annabelle Rama ang magde-deliberate kung sino ang pipiliin nilang grand winner matapos mapanood ang inihandang production numbers ng Final 4.


Sa pangunguna ng Star Host na si Ruffa Gutierrez, lalong magniningning ang Star Factor Grand Finals dahil sa celebrities na dadalo. Co-host ng special program sina John Estrada, Amy Perez, Richard Gomez at Lucy Torres habang may special performances sina Mocha Uson, Wendy Valdez, Princess Ryan, Milagring, Luningning, Mariposa, Edgar Allan Guzman, Rainier Castillo, Rodjun Cruz, Chris Cayzer, Gerald Santos, Tom Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, Gloc 9, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Jay Durias, Pops Fernandez, Ariel Rivera at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Free admission ang Star Factor Grand Finals sa Disyembre 5 pero may scheduled pre-distribution ng tickets hanggang Disyembre 3, alas dose ng tanghali hanggang alas singko ng hapon sa Ynares Sports Arena, Pasig.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gaganapin ang grand finals ng Star Factor ng TV5 ngayong Linggo, December 5, sa Ynares Sports Arena, Pasig City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results