Kris Aquino finally allows James Yap to have better relationship with Bimby

by Bernie V. Franco
Feb 18, 2014
Ibinunyag ni Kris Aquino na nag-text sa kanya ang dating asawang si James Yap upang batiin siya sa kanyang kaarawan at pasalamatan sa pagiging mabuting ina nito sa kanilang anak na si Bimby.

Dahil sa mga kaganapang ito, tila unti-unti na ring nagkakatotoo ang birthday wish ni James na magkaayos sila ni Kris pagkatapos ng ilang taong hindi pagkakaunawaan.

Read: James Yap's birthday wish is for him and ex-wife Kris Aquino to kiss and make up

Sabi naman ni Kris, sinadya niyang pumunta ng Singapore noong February 15 upang mabigyan ng sapat oras ang mag-ama na magsama.

“I purposely was not here ‘coz I went to Singapore with Liz Uy, nagbakasyon…

“Kasi, I didn’t want to be here on the 15th, because I didn’t want Bimb to feel na nasa bahay ako.

"Baka maging hadlang ‘yon para sa desire niyang umalis at batiin si James.”

Dugtong pa ni Kris, “Honest to God, when the yayas were sending me all the pictures na nung silang tatlo magkakasama, nung tiningnan ko silang lahat—and this was in Singapore—naiyak ako.

“Sa totoo lang, kasi parang we took so long to reach this point, for both of us.

Continue reading below ↓

"And it took so long for me to feel comfortable already.

“Siguro all it took is for James to acknowledge na naging or mabuting nanay talaga ako kay Bimb.

"And nung ibinigay niya sa akin 'yon, handang-handa akong ibigay sa kanya na magkaroon sila ng magandang relationship."

Kinailangan lang daw talaga ng oras upang sa gayon ay maghilom ang kanilang mga sugat.

“Ang tagal… almost four years, but thank God… peace, love, harmony,” sabi pa ni Kris.



JAMES GREETS KRIS. Ibinunyag din ni Kris na binati siya ni James sa kanyang 43rd birthday noong February 14.

“James actually text me and greeted me… deadma sa PPO [Permanent Protection Order]!” ani Kris.

Hindi man ibinigay ng korte ang PPO ni Bimby mula sa ama, ipinagkaloob naman ang PPO kay Kris mula kay James noong Mayo 2013.

Dahil hindi makakalapit si James kay Kris, hindi siya maaaring lumapit kay Bimby hangga’t kasama ng bata si Kris.

Continue reading below ↓

Sakop din ng nasabing PPO ang mga yaya, katulong, at mga bodyguard. Kaya kung sino man sa mga ito ang kasama ni Bimby ay hindi basta-basta makakalapit si James.

Saklaw rin ng PPO ang pagpapadala ng text messages o mga tawag.

Pagpapatuloy ni Kris sa text message ni James, “Sinabi lang niya, 'Happy birthday, Kris. Thank you for being the best mom to Bimby.'"

Dahil wala raw siyang number ni James, hindi agad nalaman ni Kris na si James ang nag-text, kaya tinanong pa niya kung sino ito.

Matapos ang tatlong oras ay sumagot at nagpakilala si James.

Sumagot daw si Kris via text message at pinaalalahanan si James tungkol sa mga bata.

“So, sabi ko, 'Alagaan mo yung dalawang bata and, please, huwag mong awayin kasi building bridges ito ngayon,'” sabi ni Kris.

BIMBY’S BLESSING. Tinanong din daw ni James sa kanya kung siya ba ang nagturo kay Bimby ng isinulat nito sa birthday card na ibinigay sa cager.

Continue reading below ↓

Sa personalized card na ibinigay ni Bimby sa kanyang ama, naroon ang mensaheng: “I wish you get married soon.”

Itinanggi ni Kris na itinuro niya iyon sa anak.

"Kay Bimb talaga nanggaling 'yon, kasi nga we all have acceptance.

"And then Bimb told me something wonderful kanina, 'Mama, because you brought me home my games, I want you to be happy. You can already have boyfriend but no breaking up.'

“Hindi ba, ang cute? Kasi ang six-year-old, gusto ng kaligayahan para sa parehong magulang.

“Yun lang ang hinihingi niya: 'Huwag niyo nang guluhin kung papasok kayo sa relasyon, make sure for keeps,'” lahad ni Kris.

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino, James Yap
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Ibinunyag ni Kris Aquino na nag-text sa kanya ang dating asawang si James Yap upang batiin siya sa kanyang kaarawan at pasalamatan sa pagiging mabuting ina nito sa kanilang anak na si Bimby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results