PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Concepcion leads cast of Pinoy Scout, which will premiere on December 10

Marco Manalac plays a rebel while Abby Cruz plays Mariang Makiling in Sam's first indie film.
by Mell T. Navarro
Published Dec 5, 2010
Sam Concepcion (left) and Marco Mañalac (right) star in the film Pinoy Scout, which is directed by Neal Tan (middle). The film will have its premiere on December 10, 2010 at SM Manila.

Bidang-bida na sa kanyang first full length indie film ang young actor-singer-endorser na si Sam Concepcion via Pinoy Scout. Ito ang bagong pelikula mula sa Exogain Productions ni Donna Sanchez, na siya ring nag-produce ng indie films na Tulak ni Rafael Rosell, Tarima ni Fanny Serrano, at HIV (Si Heidi, Si Ivy, at Si V) ni Jake Cuenca.


Tulad ng tatlong pelikulang nabanggit, si Direk Neal Tan ang siya ring direktor ng Pinoy Scout ni Sam. Kasama sa pelikula sina Boots Anson Roa, beauty queen-turned-actress Abby Cruz, comebacking actor Gino Ilustre, child actor JP Mesde, at Poly Sanchez. May malaking role rin si Marco Mañalac bilang isang rebelde na makikipagkaibigan sa karakter ni Sam. Si Marco ay nakilala bilang bida sa stage play na Equus some months ago, kunsaan nagkaroon siya ng frontal nudity.


Huling napanood si Sam sa first full-length mainstream movie na Cinco, pero napanood siya sa isa sa limang episodes ng naturang Star Cinema movie. Kasama pa niya dito sina AJ Perez at Robi Domingo, mga kapwa miyembro ni Sam sa Gigger Boys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Dito sa Pinoy Scout ay solong bida si Sam na regular na napapanood sa ASAP XV ng ABS-CBN at isa sa mga talents ni Carlo Orosa. Premiere showing ng movie sa December 10, 2010 sa SM Manila.

Ang iba pang gumaganap na scouts sa pelikula ay sina: Eugene Lester Lin, Oliver Christian Liu, Hans Christian Chua, Ashcan Gyllen Gallos, Neil Caronan, Niko Sanches Lok, Clyde Augene Ang, at Julius Czar Advincula.


Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Direk Neal sa pamamagitan ng email, kinuwento niya ang buod ng Pinoy Scout, na siya ring may likha ng script.



SYNOPSIS.
Siyam na crew members ng Boy Scouts ang nagtungo sa bundok para magtanim ng puno bilang parte ng kanilang Biodiversity Campaign Activity. Ang nasabing crew ay hinati sa dalawang grupo, ang Green group at Clean group.

Si Lester (Sam Concepcion) na isang rover scout ang head ng crew kasama ang walo pang senior scouts. Sa hangaring maproteksiyunan ang Inang Kalikasan, nagpamalas ang mga kabataang ito ng kani-kaniyang kakayahan para sa kanilang misyon. Nakapanlulumong isipin na isa lamang ang Mt. Azarcon sa maraming kagubatang namemeligro dahil sa pagsasamantala ng ilang kapitalista at mga mapagsamantala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Halos mapanot na ang bundok dahil sa mga illegal na pagtotroso. Humarap sa maraming pagsubok ang grupo at ang isa kanila, namaga ang leeg ng 'di malaman na dahilan.

Nagkataon namang nakita sila ni Gener (Marco Mañalac), isang rebeldeng hinahanap ang kaniyang kapatid na dalawang araw ng nawawala. Agad na sumaklolo si Gener at dinala sila sa ina nitong si Marta (Boots Anson Roa) na isang albularyo.

Ang mga naiwang tropa naman ay naligaw sa bundok sa paghahanap sa nawawala nilang kasamahang si Maxi na noo'y nabighani sa isang di pangkaraniwang nilalang na bigla na lamang sumulpot, isang diwata (portrayed by Abby Cruz). Maraming engkuwentro at engkanto ang naganap na pangyayari bagay na pumukaw ng kanilang damdamin at natuto bunga ng kanilang karanasan.

Sinamahan ni Lester si Gener sa paghahanap sa kapatid nitong si Udong (JP Mesde). Nadiskubre naman ng kabilang tropa ang ilan pang patuloy na pumuputol ng mga matatandang punongkahoy. Ano ang gagawin ng mga Boy Scouts tungkol sa problemang ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais iparating ng pelikula na matutunan lamang ng bawat Pilipino ang tamang pagrespeto at malasakit para sa iba, walang away o gulo, tatahimik ang mundo.


Ang isang pang mahalang aral na gustong ipahiwatig ng Pinoy Scout ay dapat alagaan ang ating mundo para sa kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon.

"PERFECT SCOUT LEADER." Ayon kay Direk Neal, Lamang-Lupa ang original title ng nilikha niyang script na naging Pinoy Scout. Paano ba nagsimula ang material o script niyang ito?

"Noong 2002, nang sinabihan ako ni Donna Sanchez [producer] na gumawa ng isang material after matapos naming gawin ang HIV material, nag-submit ako ng maraming scripts, pero ang Lamang-Lupa ang nagustuhan niya dahil malinaw ang layunin at advocacy ng kuwento para mapanood ng mga estudyante.

"Inilapit nila yung script sa Boy Scout of the Philippines at napagkasunduang namang susuportahan nila ang pelikula at nabuo nga ang Pinoy Scout.

"Nag-conduct kami ng series of audition among boy scouts to play themselves hanggang sa napili namin ang walong boy scouts from different schools. It was really a wonderful experience to work with real boy scouts. Lahat sila ay nagpakita ng kanilang galing at profesionalism kahit baguhan lamang sa larangan ng pag-arte," sabi ni Direk Neal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kamusta naman ang lead actor niyang si Sam Concepcion at iba pang niyang cast?

"Sam is perfect for the role as scout leader," sambit ni Direk Neal. "This is his first indie film at sa kabila ng kanyang hectic schedule, natapos namin kaagad ang pelikula.

"Marco Mañalac is also new in movie acting after his first stint as one of the lead characters sa stage play na Equus. Medyo nakontrol ko lang nang kaunti ang intensity ng acting niya, dahil nasanay siya sa stage, at hindi naman naging mahirap sa kaniya ang mag-adjust.

"Abby Cruz plays Maria Makiling here. Maraming transformation ang nangyari sa kanyang karakter sa pelikula.

"Nagbabalik din ang magaling na si Gino Ilustre bilang illegal logger at malaking bagay si Tita Boots Anson Roa bilang ina nina Marco at JP Mesde. Hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang proyekto dahil sa mabuting layunin nito.

"All the rest of the cast really shared their support sa pagbuo ng pelikulang ito. This is for general patronage, maaliw tiyak ang mga kabataan specially sa mga eksenang habulan at katatakutan with special effects," kuwento ni Direk Neal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRODUCTION STAFF. Ang bumubo ng production staff ng Pinoy Scout:

Production Company: Exogain Production

Producer: Donna Sanchez

Writer/ Director: Neal Tan

Supervising Producer: Luz De Leon

Production Manager: Mario De Leon

Director of Photography: Renato "Atoy" De Vera

Editor: Rocky Ko

Production Designer: Cyrus Khan

Associate Director: Danilo Nazareth

Assistant Director: Joshua Pacquiao

Make-up Artist: Oscar Buara

Music and Sound: Sherwyn Castillo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Concepcion (left) and Marco Mañalac (right) star in the film Pinoy Scout, which is directed by Neal Tan (middle). The film will have its premiere on December 10, 2010 at SM Manila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results