What if the life of your one true love is about to end?
Yan ang
simple yet very powerful na mensahe ng episode na dapat abangan sa July 18 episode ng Maalaala Mo Kaya.
Ang real-life couple na si Billy Crawford at Nikki Gi ay magkakapareha muli sa nakakaiyak na proyekto na ito.
Una silang nagkatambal sa Valentine episode ng Your Song Presents: Feb-ibig. Sa MMK episode mamayang gabi, si Billy ay gaganap na isang pastor and wedding singer named Toto. Mamahalin niya ang isang bulag na babae named Nene na nakilala niya sa isang wedding. Sa tindi na pagmamahalan nina Toto and Nene, mapapatunayan nila na ang pag-ibig ay mas higit pa kaysa sa kamatayan.
Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya, hosted by Charo Santos-Concio, tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng The Singing Bee.