PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gelli de Belen on being married to Ariel Rivera: "I couldn't ask for more."

Gelli de Belen reminds her sons to choose a partner who is family-oriented.
by Glenn Regondola
Published Apr 7, 2014
Handa raw si Gelli de Belen na isakripisyo ang kanyang showbiz career sakaling dumating ang panahong kailangang mag-migrate ng kanyang pamilya sa Canada. Pahayag niya, “Kailangan ko lang maghanap ng gagawin ko dun kasi baka mababaliw ako. Kailangan kong mag-adjust, kailangan kong gumawa ng paraan. Mahihirapan ako, pero kasama ko ang pamilya ko. At saka, yung sa career dito, puwede naman akong pumunta dito, puwede naman akong pabalik-balik, ‘di ba?

Sa TV5 series na Confessions of A Torpe ay ginagampanan ni Gelli de Belen ang papel na si Luz, isang babaeng na-in love sa kanyang kaibigan na si Tupe na ginagampanan naman ni Ogie Alcasid.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Gelli sa taping ng Confessions of A Torpe sa Sta. Ana, Manila, noong Huwebes, April 5, ay isa ito sa mga naging biru-biruan sa kanya.

May pagkakataon bang nagmahal siya ng kanyang kaibigan sa kanyang buhay?

Natatawang pagtanggi niya, “Wala, wala… ‘Pag friend, friend.

“Inisip ko tuloy… wala talaga, puro may malisya lahat.

“Wala akong friend na may malisya, they are just my friends.”

Ang mister ba niyang si Ariel Rivera ay naging kaibigan muna niya bago naging sila?

Sagot ni Gelli, “Wala, boyfriend ko talaga yun at ngayon, asawa ko na, wala tayong magagawa.

“Kaya ex-boyfriend ko na siya kasi mister ko na siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IDEAL HUSBAND. Pinuri naman ni Gelli si Ariel sa pagiging ideal husband nito.

Aniya, “Nung maging mag-asawa kami, whooop, sobrang ano...

“Kaya nga lagi kong sinasabi sa mga bagets [her two sons] na, ‘Whoever you would end up with, i-check niyo muna.’

“Like, kung paano siya sa pamilya niya, kung paano siya sa mga magulang niya.

"Malamang sa malamang, kapag nagkapamilya na siya, ganun din siya.

“Meaning to say na kung ano ang kinalakhan niya, kung ano ang kinasanayan niya, yun din siya.

“Kasi, ganun ang concept niya sa pamilya, e.

“So, kung nagkaroon siya ng sariling pamilya, ganun din siya... ia-adapt niya.”

Sabi pa ni Gelli, “Whereas sa iba, kung halimbawa galing siya sa broken na pamilya, bumabawi naman.

“Pero ang pinakaano niyan is how he treats his family, it's not what his family is.

“It's not what the state of his family but what he is to his family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun naman talaga ang importante dahil nangyayari naman talaga na naghihiwalay ang ibang mag-asawa.”

Ang dalawang anak na lalaki nina Gelli at Ariel ay sina Joaqui, 14, at Julio, 13.

Pagsisisihan niya ba kung sakaling hindi sila ni Ariel ang nagkatuluyan?

“Oo,” mabilis na sagot ng TV5 contract star.

“Ngayon na alam ko na siya. Ngayon na aware ako na... I couldn't ask for more.

“1997 pa kami ikinasal, in December, so almost seventeen years na rin.

“Meron ding konting problems, pero hindi siya ganun kalaki.”

Dugtong pa niya sa pambubuking sa kanyang asawa, “OC [obsessive-compulsive] siya.

“Oh, my gosh, ganun siya.

“Halimbawa, dito niya inilagay ang cell phone niya sa parteng ito ‘tapos alis na siya. ‘Tapos itinabi ko at inilagay ko diyan.

“Pagbalik niya, hahanapin niya 'yan doon sa dating lugar na nilagyan niya.

“’Nasaan na? Nasaan na ang cell phone ko? Nasaan na? Nasaan na?’

“Hay talaga, ganun siya!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yung mga medyas niya, may pangalan… meron siyang fetish sa socks.

“Andami niyang socks, pero 'pag nare-realize niya na sobrang dami na, ipinamimigay din niya.

"'Tulad noon sa typhoon [Yolanda], ang daming socks na dinonate namin."

MIGRATE IN CANADA. May panahon noon na binalak nilang mag-asawa na mag-migrate sa Canada, kung saan permanent resident ang status ni Ariel.

Ito yung panahong medyo nag-lie low si Ariel sa kanyang singing career at naging matamlay rin ang film producers sa paggawa ng mga pelikula.

Natatawang kuwento ni Gelli kaugnay nito, “Heto kasing si Ariel, napaka... ‘pag naisipan niya kahapon, gusto niya kaagad gawin ngayon.

“Ganyan ‘yan, e.

"Kapag naisip niyang gusto niyang gawin yung ilaw ngayon, kahit puwede namang bukas dahil gabi na ngayon, hindi, ipagpipilitan niyang tatapusin niya ngayon. May ganun siya.

"So, naisipan niya ngayon, ‘tapos kinabukasan may presscon, naikuwento niya kaagad.

“Sabi ko sa kanya, ‘Teka, ‘di pa nga tayo... wait!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But the real deal is, at the moment, ang mga bata ay magka-college dun [sa Canada].

“Pero kami, we have to work here [sa Pilipinas]. Ano ang ipambabayad namin dun sa college?”

Pero siya ba mismo ay nakikita niya ang sarili na lilipat at maninirahan sa Canada?

Sagot ng 40-year-old actress, “Kung nasaan ang pamilya ko.

“So, kung kinakailangan kong mag-move dun.”

Handa ba siyang isakripisyo ang kanyang showbiz career?

Tugon ni Gelli, “Oo. Kung kinakailangan, ‘di ba?

“Kailangan ko lang maghanap ng gagawin ko dun kasi baka mababaliw ako.

“Kailangan kong mag-adjust, kailangan kong gumawa ng paraan.

“Mahihirapan ako, pero kasama ko ang pamilya ko.

“At saka, yung sa career dito, puwede naman akong pumunta dito, puwede naman akong pabalik-balik, ‘di ba?”

Read Next
Read More Stories About
Gelli de Belen, Ariel Rivera
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Handa raw si Gelli de Belen na isakripisyo ang kanyang showbiz career sakaling dumating ang panahong kailangang mag-migrate ng kanyang pamilya sa Canada. Pahayag niya, “Kailangan ko lang maghanap ng gagawin ko dun kasi baka mababaliw ako. Kailangan kong mag-adjust, kailangan kong gumawa ng paraan. Mahihirapan ako, pero kasama ko ang pamilya ko. At saka, yung sa career dito, puwede naman akong pumunta dito, puwede naman akong pabalik-balik, ‘di ba?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results